5. #Investigation

13K 342 25
                                    

Chapter 5

"Sino naman kaya ang may lakas ng loob na gagawa nito?" Tanong ni Richie.

"Hindi ko rin alam. Parang...parang may masama syang balak sa aming dalawa ni Yvan."

"May nakaaway ka ba sa school?"

"Ha? Si Diona?"

"Sinong Diona?"

"Sya yung kabet....I mean, sya yung babaeng may gusto kay Yvan."

"Baka sya nga."

"Pero imposible yun Richie. Kailan lang dumating si Diona sa buhay ni Yvan. Yung mga picture dyan sa camera, yan pa yung mga panahon na nililigawan palang ako ni Yvan, or rather to say na pinagpipilitan nya palang na girlfriend nya ako."

Naalala ko lang na wala nga palang ligawan na nangyari sa pagitan namin ni Yvan.

"Kung hindi yung babaeng yun, eh sino?"

"H-Hindi ko rin alam."

Muli naming tiningnan ni Richie ang mga naka-save na pictures sa camera nung anonymous photographer and stalker namin ni Yvan.

Makikita dito ang litrato noong hinihila ako ni Yvan sa school at pinipilit na makipag-date sa kanya.

Mayroon ding litrato noong unang beses na nag-lunch kami ni Yvan. Pati na rin yung unang beses na hinatid nya ako sa bahay. Kahit yung unang beses na nagtalo kami ni Yvan nang dahil sa masama ang loob ko nang magkabalikan sina Olga at Dave. Yung araw na nakita ko yung mga signs kay Yvan. Yung panahon na naghiwalay kami dahil nahuli ko syang natulog sa apartment ni Olga.

Pati yung unang beses na dinala ako ni Yvan sa bahay nila para ipakilala ako sa Auntie nya ay mayroon ding mga pictures. Ibig sabihin, kahit sa labas ng eskwelahan ay sinusundan kami nito.

Kahit nga sa bahay namin dahil mayroon ding pictures nang sunduin ako ni Yvan ng madaling araw dito sa bahay para pumunta sa rest house nila.

Napahinto ako sa sunod kong nakita.

"Kailan ito?" Tanong sa akin ni Richie.

"Y-Yan yung time na namimili ako sa mall."

Napatingin sya sa akin. "Kasama mo si kuya Yvan?"

"Hindi ko sya kasama dyan. Magkaaway kami nung mga panahon na yan."

"Kung ganun, maaaring....maaaring ikaw lang ang sinusundan ng taong ito."

Tila kinilabutan naman ako sa sinabi ni Richie. "B-Bakit naman kaya nya ako susundan? Anong pakay nya?"

Hindi nakasagot si Richie. Pero mas lalo kaming nagulat sa sunod naming nakita. Nagkatinginan kami ni Richie.

"K-Kailan yan?" Tanong ko nang makitang hatak ni Yvan ang braso ni Richie papasok sa kanyang sasakyan.

"Sa pagkakaalala ko, ito yung araw na dinukot nya ako sa school at dinala doon sa bahay nila."

"P-Pero wala ako sa litrato."

"Hindi lang ikaw ang sinusundan nya. Pati na rin si kuya Yvan. Sa palagay ko napag-utusan lang ang taong ito."

"Para ano? Hindi ko alam kung bakit nya kailangan subaybayan ang buhay namin ni Yvan."

"Estudyante lang sa school ang may-ari ng camera na ito. Pero malakas ang kutob ko...powerful na tao ang may lakas ng loob na utusan syang gawin ito."

"A-Anong ibig mong..."

"Ayaw kita takutin ate Kien, pero mag-ingat ka nalang palagi. B-Baka may masamang balak ang taong ito sayo. Lalo pa sa birthday celebration mo sa Sabado."

Look at this richest man (Book 2) (completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu