Prologue

1.3K 15 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative work from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

copyright (c) sintinta, 2012








***

Patricia Marie Solon's POV:

"Patricia Marie Solon?" Tumingin sa mga taong naghihintay ang sekretaryang lumabas mula sa Human Resource Department. May dala siyang mga papeles habang isa-isang sinuri ang mga mukha ng mga nakaupo sa lobby.

Dumagundong ang tibok ng puso ko. Ako na!

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "Ako po 'yan." Saad ko habang inaayos ang sarili.

Hinapuhap ko ang nagusot na palda at sinabit sa likod ng aking tainga ang mga hibla ng buhok na kumawala sa kumpol.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, wari'y sinusuri kung ako nga ba ang taong nasa resume.

Naiilang akong ngumiti habang hinihintay ang sasabihin niya.

"Sumunod ka sa 'kin." Tinalikuran niya ako at binuksan ang pinto. Nauna siyang pumasok bago nagmuwestra na pwede na akong sumunod sa kanya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa magarbong pinto. Tumingala ako sa sign na nakapaskil sa ibabaw nito.

THE BUENAVENTURA COMPANY
Human Resource Department

Tuluyan akong pumasok.

Dinala niya ako sa harap ng isang malaking desk kung saan nakaupo ang isang lalaki. Nakaharap ito sa isang laptop at mukhang seryoso sa ginagawa. Napapaligiran siya ng hile-hilerang papeles na wari ko'y importante. Nakakabilib lang dahil halos matabunan na siya at ang buong desk sa dami ng mga ito.

Nang maipakilala ako ng babae sa kanya'y saka lang ako tiningnan ng lalaki. Ngumiti siya at tumayo.

"Good morning!" Bati niya at inilahad ang kamay. "I'm Alexander Reyes. You can call me Alex. Have a seat!"

Tinanggap ko ang kanyang kamay bago umupo. May binulong ang sekretarya sa kanya bago ito lumabas ng opisina. Nang makalabas ang babae'y itinuon niya na ang pansin sa akin.

"So you're applying as one of the encoder, right?" Sabi niya habang binabasa ang resume ko. "How good are you with computers?"

Tumikhim ako. "Minsan na po akong nagtrabaho sa isang Salon, ako po ang receptionist doon at isa po sa aking ginagawa ay ang pag-encode ng mga appointments at mga transakyon ng mga customer namin. Nakapagtrabaho na rin po ako sa isang Paprentahan, taga-encode po ako ng imbentaryo roon."

Tumango-tango siya sabay hawak sa baba.

"Can you rate yourself according to how well you handle the Microsoft Bundle Applications?"

Sabay na nagsipagtaasan ang mga kilay ko. "Po?"

Bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Please rate your skills. Kung gaano ka kagaling gumamit ng computer."

"Ah~ siguro na sa mga eight po, eight." Sagot ko.

"Eight, huh?" Tumaas na naman ang sulok ng kanyang labi, animo'y minamaliit ako.

Taming Mister Bipolar (COMPLETED- Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon