Chapter 1

2.2K 66 18
                                    

Sa dalampasigan kung saan may walong bata ang nagtatampisaw, naglalaro, at naghahabulan, biglang humawi ang tubig at may nakita silang umiilaw sa ilalim nito. At ito ay ang walong kwintas.

Natigilan sila sa paglalaro at nilapitan ang mga ito.

Akmang kukuhain ito ng isa sa kanila pero, biglang tinawag sila ng mga magulang nila.

Pagdating sa loob ng kanilang tinutuluyan, hindi parin mawaglit sa isip nila kung paano nahawi ang tubig? Paano nagkaroon ng mga kwintas sa ilalim ng dagat?

Habang nasa hapag-kainan silang lahat ay naisipan ni Rampo na magtanong. "Papa? Kanina po habang nasa labas kami at naglalaro ay nagulat kami ng biglang humawi ung tubig sa dagat." Tumango naman si Drianne at nagsalita rin. "Oo nga po Tito! Nakakita rin po kami ng kakaibang kwintas na umiilaw sa loob ng tubig!" Sa sinabing iyon ni Drianne ay nagkatinginan ang mga magulang nila.

"Guni-guni niyo lamang siguro iyon." Umiling sila ng sabay-sabay.

"Hindi po tito! Totoo po ang nakita namin!" Pagtatanggol ni Kim.

Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa kani-kanilang silid.

Habang malalim na ang gabi at mahimbing na ang tulog ng iba ay hindi parin makatulog si Drianne.

Iniisip niya ang nakita nila kanina. Gusto niya ng makakausap kaya naman ginising niya si Akira na katabi niya lamang.

"Akira? Akira?" Gising niya at inalog niya ito. Hahawakan niya sana ang bewang nito upang kilitiin pero nagulat siya ng mag-liwanag ang mga kamay niya at biglang uminit ang pakiramdam niya.

Muli niyang hinawakan si Akira at napasigaw naman si Akira sa hapdi ng hawakan siya ni Drianne.

Nang marinig ng mga magulang nila iyon ay agad silang napatakbo sa loob ng kwarto nila Drianne.

Kita nila ang pamumula ng braso ni Akira at ang nagli-liwanag na kamay ni Drianne.

"A-Anong nangyayari dito?" Sambit ng nanay ni Drianne. Napailing naman si Drianne at napatingin kay Akira na ngayon ay maluha-luha na sa sakit.

Napaatras naman si Drianne sa takot at nailapag niya ng di namamalayan ang kamay sa katabing kurtina.

Agad na sumiklab ang apoy at nababalot na nito ngayon ang kwarto nila.

Agad silang napatakbo papalabas nang mabilis na kumalat ang apoy.

Habang tumatakbo sila palabas ay tumulo ang luha ni Drianne.

Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit..

Bakit umaapoy ang kamay niya?

Ilang oras pa ang nakalipas ay agad na umapoy na ang buong bahay nila.

Habang nasa labas sila ng bahay ay nag-uusap ang mga magulang nila gamit ang kanilang mga isip.

At alam nilang delikado na si Drianne, lalo na't ngayon ay lumalabas na ang kapangyarihan niya.

Kailangan siyang mailayo sa kapahamakan.

Mabilis silang nakalipat sa ibang bahay.

Ni-reserba na nila ito kung saka-sakaling may mangyari mang masama.

At nakahiwalay doon ang kwarto ni Drianne.

Ilang taon pa ang lumipas ay ginawan siya ng mga magulang niya ng gloves. Ang gloves na ito ay mapipigilan ang enerhiyang na-aabsorb niya. Ang gloves na ito ay may halong mahika.

Pero, hindi nila alam yun. Ang alam lang nila ay isa itong ordinaryong gloves na inilalagay sa kamay.

Ibinigay nila ito kay Drianne upang matakpan ang mga kamay niyang humihigop ng kapangyarihan ng iba.

Ilamg taon pa ang nakalipas ay nag-dalaga na sila at nag-binata na si Rampo.

Kailangan na nilang pumasok sa eskuwelahang pang-highschool. Pero, ayaw pa ni Drianne. Mabilis naman siyang natututo dahil tinuturuan siya nila Yvelle at ng mga magulang niya.

Ngunit, kailangan niya ng mga requirements na ipapasa.

Kaya naman, napilitan silang gumawa ng pekeng diploma at kung anu-ano pa.

Hanggang sa dumating ang araw na unang araw na ng pasukan nila.

Iwas si Drianne sa mga tao, iwas siya sa mga kaibigan niya.

Dahil alam niya mismo sa sarili niya na delikado siya.

Delikado ang lagay niya.

Dahil hindi siya ordinaryong tao lamang. May kakaiba siyang taglay na kapangyarihan.

Habang nasa klase sila ay nakaramdam ng pagka-init si Drianne mula sa mga kamay niya.

Kinabahan siya dahil baka biglang lumabas ang kapangyarihan niya at may magawa nanaman siyang masama.

Agad niyang kinuha ang papel na sinasagutan niya at ipapasa sana ito para makaalis na siya, pero biglang umapoy ito ng mahawakan niya. At nabitawan niya ito bigla.

"Miss Frucosa! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? You can set us on fire!" Nataranta naman si Drianne. Agad na lumapit si Rampo at pinatay ang apoy.

Naiwang nakatulala si Drianne. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig.

"Get out!" Nakayukong tumayo si Drianne palabas at walang nagawa ang mga kaibigan niya.

Tumakbo siya at nagtago sa isang bakanteng classroom.

Tinititigan niya ang mga kamay niyang umiilaw nanaman. Tinanggal niya ang gloves na suot niya at tinignan ang nag-iilaw niyang mga kamay.

"Bakit..Bakit umiilaw ka nanaman? Bakit.. bakit lumalabas ka nanaman?" Takang tanong niya sa sarili niya.

Nakarinig siya ng mga yapak papunta sa gawi niya at nakita niya ang mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan niya.

"Drianne!" Hindi na siya nakapalag ng bigla siyang yakapin ni Angelica.

At huli na ng mapagtanto niyang nahawakan niya ito...ng walang suot na gloves.

****
Chapter 1! Edited! 😊

The 9th SenseWhere stories live. Discover now