Chapter 38

305 21 7
                                    

Before we proceed to Chapter 38. Ipapakilala ko muna yung mga gumaganap sakanila bilang Yvelle,Akira,Emi,Kim,Drianne,Angelica,Aubrey,Rampo, and Timothy.

Akira Cyril Cross-Sandara Park
Emi Sadao- Jennie Kim
Kim Sunny-Kim So Eun
Drianne Grafney Frucosa- Han Hyo-Joo
Angelica Rose Dela Vega-Bae Suzy
Aubrey Varhanna R. Mendoza-Kim Yoo Jung
Rampo Tinizak- Jin Young
Timothy Florante-Lee Jong Suk
Beatrice Yvelle Gonzales-Jung So-Min

There they are! Kung hindi niyo po sila gusto bilang portrayers nang mga characters, kayo na pong bahala kung sinong gusto niyong ipalit sa kanila on your own. So, yun lang po!

Enjoy Reading~

P.S(Sila rin po ang mga namili niyan😉)
***

Timothy's POV

Habang naglalakad ako palayo sa babaeng yun, nagtataka ako..

Parang nakilala ko na siya dati..

Siguro naramdaman niya din kaya siya nagtanong? Pero nevermind, baka naman nakahalubilo ko na siya sa mga activities in this school? Kaya siguro ganun? Besides, president naman nila ako kaya hindi malabong mangyari yun.

Habang naglalakad ako ay nakarinig ako nang pagbagsak nang isang tao.

Kaya napalingon ako.

Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko..

----
Drianne's POV

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at tumayo na. Pero wala pa ako sa kalagitnaan palabas ay biglang may sumaksak sakin patalikod.

"Arggh!" Napahawak ako sa tiyan ko..

D-Dagger..

Hinugot niya ulit yun at nagsimulang tumakbo..

Napaupo ako sa sakit.

"T-Tulong.." shit..

Napaubo ako nang dugo at tuluyang bumagsak ang mga katawan ko..

Nanlalabo na rin ang paningin ko.

Kung pa-panaginip lang ang lahat..

B-Bakit nangyayari ito?..

K-Kung doon ay ibinato..

Dito ay sinaksak talaga ako..

"Arrgghh." Napaubo muli ako nang dugo.. nanghihina na ako..

"Miss!" Pinilit kong aninagin kung sino yun..

At muli ko nanaman siyang nakita..

"T-Ti...mothy.." at tuluyan na akong nawalan nang malay..

-----
Akira's POV

Naggising kami nang wala na si Drianne kaya naman agad kaming pumasok sa school.

Nasa kalagitnaan kami ngayon nang may makita kaming bakas nang dugo sa sahig.

"D-Don't tell me.." napalingon ako kay Angelica..

"An-Anong nangyari?!!" Biglang may dumating na mga teachers at kung ano-ano pa.

"S-Sana mali ang kutob ko.." sabi ni Rampo.

Ano ba kaseng nanngyayari ngayon kay Drianne?!

"Sa Clinic tayo!" Sigaw ni Aubrey.

Tumakbo kami papuntang clinic at nadatnan namin si President Timothy na puno nang dugo ang uniporme at nakatingin sa isang kurtina.

"Pre-President?! Ano.. pong n-nangyari?" Kinakabahang tanong ni Yvelle.

"Kakilala niyo ba si Ms.Frucosa?" Biglang bumagsak ang balikat ko..

"O-Opo.. kaibigan niya po kami. An-Ano pong nangyari sa kanya?" Tanong naman ni Kim.

"Nasaksak siya nang Dagger." Napahawak ako sa katabi kong upuan.

What the fuck?!

"Sinong sumaksak sa kanya?!" Hindi ko mapigilang magtaas nang boses.

"Hindi ko alam. Kakababa lang namin nang rooftop noon. Then medyo malayo na ako sa kanya nang marinig ko siyang bumagsak habang naliligo sa sarili niyang dugo. Kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya at dinala siya dito. Mabuti nalang at nandito ang doctor ngayon."

Umupo kaming lahat sa sofa.

Napalingon kami sa kurtina nang bumukas ito.

"Kamusta na po si Drianne?" Tanong ko sa Doctor.

"Mas mabuti kung dadalhin niyo na siya sa Hospital. Hindi sapat ang gamot dito. Malalim ang pagkakasaksak sa kanya. Marami ring dugo ang naubos sa kanya. Maari siyang ma-coma." Nanlambot ang mga tuhod ko.

Hindi ko na kayang makipag-usap sa doctor kaya naman si Rampo na ang kumausap.

Napabuntong hininga ako nang buksan ko ang kurtina at nakita siya.

Punong-puno nang dugo yung damit niya..

May first-aid na rin na naibigay sa kanya yung doctor. Pero kailangan na siyang madala sa Hospital. Kaya naman lumabas ako at tinawag si Rampo.

"Ano yun?" Tanong niya.

"Kuhain mo yung kotse bilis! Dadalhin na natin siya sa Hospital!" Sabi ko at pumunta sa gilid ni Drianne.

"Nababaliw kana ba? Wala pang ilang oras siyang nakahiga diyan! Let her rest first." Naiinis kong tinignan si Rampo.

"Let her rest ha?! Eh pano kung yung rest na yan eh maging Rest In Peace ha?! Kaya bilisan mo na bago pa kita mabato nang apoy diyan!" Napatigil ako sa sinabi ko.

Mabato nang apoy? Really huh?

"Tsk! Oo na!" Sabi niya at umalis na..

Napatingin ako sa orasan.

10:30am. Hayst. Kung ganun, anong oras siya nasaksak? 10:15?? Or what?!. Nakakabanas naman. Bakit kase may ganyan dito sa school na to! Walanjo!

Nagpatulong ako kila Angelica para mabuhat si Drianne. Nang makapasok na kami sa van ay biglang nagsalita si Mr.Florante.

"Saang hospital niyo siya dadalhin?" Kumunot ang noo ko. Ganun ba niya pinapahalagahan ang mga estudyante niya para dalawin pa ito sa hospital?

"Ay nako Pres, hindi mo na ho kailangang dunalaw pa. Sapat na po ung nadala niyo kagad si Drianne dito sa clinic." Sabi ni Yvelle habang winawagayway ung kamay niya.

"No, no. I insist" nagulat ako sa bilis niyang sumagot.

"Diyan lang sa pinakamalapit na hospital." Sabi ni Aubrey at hinila na ako papasok nang van. Atska niya sinarado ung pinto.

"Luh? Problema mo Varhanna?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wala! Masiyadong paepal kse ung lalaking yun! Basta ayoko sa kanya. Bilisan mo na nga Rampo!" Sigaw niya dito at tumingin na sa labas nang bintana.

Tsk..

Ang weird huh?

****

The 9th SenseWhere stories live. Discover now