Chapter 2

1.3K 51 12
                                    

Drianne's POV

Bigla akong napatayo at naitulak ko si Angelica.

"Drianne!" Saway sakin ni Kim at nilapitan si Angelica.

"I..I-I'm sorry.." nagulantang kaming lahat ng biglang yumanig ang lupa.

"W-What's happening?" Natatarantang tanong ni Aubrey. Napalingon ako sa paanan ko at dinampot ang gloves ko. Agad kong sinuot yun at tumakbo papalabas.

"Drianne! Sandali!" Habol na sigaw pa ni Akira pero hindi ko na siya pinansin pa.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Bumibilis ang tibok ng puso ko at kinakabahan ako.

Ako ba ang naging sanhi ng pag-yanig? Dahil ba to sa kakayahan ko? Sa kapangyarihan ko?

*boogsh*

"Tumingin ka sa dinadaanan mo." Kumunot naman ang noo ko. Siya ang nakabangga hindi ako! Tumayo ako at pinagpag ang suot ko. "Excuse me? Ikaw kaya ang nakabangga sa---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may magsalita sa speaker.

"Good morning students! I'm sorry to disturb all of you but, please proceed to the gymnasium now. We have some important things to announce. Thank you." Lilingunin ko sana yung lalaking nakabangga sakin pero wala na siya sa harap ko! Arrghh! Kainis naman!

"Good morning students! I'm sorry to disturb all of you but, please proceed to the gymnasium now. We have some important things to announce. Thank you." Napailing nalang ako at sinundan ang mga estudyanteng pumupunta sa gymnasium. Hays, kakasimula palang ng araw ko masama na. Sabi ko na eh! Dat sa bahay nalang ako. Tsk.

Nang makapasok ako sa loob ay agad akong hinila ni Yvelle papunta sa gawi nila.

"Saan ka nagpunta kanina? Sobrang nag-alala kami sayo. Akala namin kung napano kana." Iniwas ko nalang ang tingin ko sa sinabi ni Rampo.

Ilang saglit pa ay napuno ang gymnasium ng mga estudyante.

May pumunta sa gitnang babae na tantya ko ay nasa edad na 30's. Tumikhim siya at bumati sa amin.

"Good day students of Huge Charles University! I'm glad na nakipag-cooperate kayo ngayon sa amin. Before anything else, let me introduce myself." Sabi niya. Tumayo siya ng tuwid at inikot ang mga mata niya sa loob ng gym. "...I am Gina Alonzo, your principal." Tahimik parin ang mga estudyante at iniintay ang susunod na sasabihin niya.

"And as you can see, nandito rin ang mga Department Heads, at ang ating Student Councils. And, our School President has something to say. Come up here on the stage, Mr. Timothy Florante." Nagpalakpakan naman ang lahat ng estudyante. Nakatitig lang ako sa stage.

Pero nagulat ako ng makilala ko ang lalaking yun, Siya yung nakabangga sakin kanina.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Agad na tumahimik ang lahat at hinintay ang bibitawan niyang mga salita. "..Kanina ay nakaramdam tayo ng pagyanig hindi ba?" Samu't saring mga tao ang nagbibigay ng bawat saloobin nila sa tinanong ni Timothy.

"Oo! Jusko! Katapusan naba ng mundo?" Hysterical na sabi ng ilan.

"Waaaah! Baka naman mamatay na tayo!" Napatingin naman ako kay Akira na biglang natawa.

"Ang O.A naman nun." Bulong niya sakin.

"Quiet." Malamig na sabi niya at napatahimik ang lahat ng estudyante. So, masunurin pala sila?

"Sa ngayon ay hindi pa natin alam ang source ng pagyanig ng lupa. We don't know if that's a sudden earthquake or, something... unexpectedly happens." Sabi niya at inangat ang paningin niya. Tumaas naman ang mga balahibo ko ng magtama ang aming mga mata.

"But don't worry, we will clarify this things out. We need your participation and cooperation. Be safe everyone. That's all. Thank you." Sabi niya at bumaba na ng stage. Ilang chuchu pa ang sinabi ng ibang department heads tungkol sa pagsisimula ng klase namin kanina at sa mga susunod pa. Ang mga activities at kung anu-ano pa na gagawin tapos i-dinismiss na.

Pagkalabas namin ng Gym ay biglang sumulpot sa harap namin si Timothy.

"Can I talk to you in private Ms. Frucosa?" Gulat naman akong napatingin sa kaniya. How did he know my name?

"B-Bakit po Mr. Pr---" Hinila niya ako agad.

"Drianne!" Hindi na ako nakalingon pa dahil sa bilis niyang mangaladkad.

*******

Chapter 2! Edited!😊😀

The 9th SenseWhere stories live. Discover now