Chapter 60

226 9 8
                                    

Drianne's POV

Ilan na sa mga salamin ang nabasag ko. Good thing at medyo kilala ko si Timothy.

May ibang gumagaya sa mga kilos niya, pananalita, at ang pagtawag sa pangngalan ko.

Nanghihina na ako at oo mahirap, pero kakayanin ko.

Kakayanin ko.

Napalingon ako sa natitirang tatlong salamin.

"Frucosa, naiinis na ako! Pakawalan mo na ako dito!" Napailing ako. Ang trying hard -.- Akala ko pa naman. Nilapitan ko siya at tuluyang binasag. Ngayon dalawa nalang.

Lalapitan ko na sana ang isa upang hawakan ito at makalabas na siya pero biglang sumigaw yung isa.

"You stupid girl! Mag-ingat ka nga sa pagpili mo! Pag ikaw namatay haist! Ano nga bang paki ko kung mamatay ka?! Go on and pick him!" Napalingon ako. Nalilito na ako.

"Frucosa, look into my eyes." Sabi nung hahawakan ko sana.

Tinignan ko siya sa mata.

"Who will you choose?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako.

Pumikit ako at inalala kung paano ako tignan ni Timothy. Kung paano siya magsalita kapag nasa harap na niya ako.

"I believe in you." Sabi pa niya.

Napailing ako, sana hindi na siya nagsalita para hindi ko na siya nabisto pa.

"Hindi naniniwala si Timothy sakin, at alam kong hindi siya maniniwala sa isang tao o isang bagay kapag hindi niya nakikita ang sinseridad mula dito." Sabi ko at binasag ang salamin.

"Frucosa." Napatingin ako sa kaniya.

Biglang lumiwanag ang paligid at nakalabas siya sa salamin.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at ganun din ako sa kaniya.

"Thank you for choosing me." Tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at hihilain na sana papunta sa kung saan kaso bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina.

"A-Arggh..." Natumba ako at nasala ako ni Timothy.

"D-Drianne? Anong nangyayari sayo?" Mas sumakit ang buong katawan ko ng hawakan niyang muli ang kamay ko.

"S-Stop." Sabi ko sa kaniya.

Hinahabol ko na rin ang hininga ko at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko.

Anong nangyayari?

----

Aubrey's POV

Nakatitig ngayon sakin ang Echidna na kaharap ko.

Isa siyang half-snake at half-human.

"Nagagandahan ka sakin no?" Sabi ko at nginisian siya. Nag-hiss naman siya.

"Baho mo te!" Sigaw ko at pinalabas ang kapangyarihan ko.

"Deoxygenation!" Sigaw ko at tinuro yung Echidna. Kita ko naman sa mukha niya ang paghahabol sa hininga niya.

Ikinumpas ko ang kamay ko at tinanggal ang hangin sa katawan niya.

Humandusay naman agad ang katawan niya.

"Air Blasts!!" Sigaw ko at muli siyang tinuro. Naglaho ng parang bula ang katawan niya.

Yun na yun? Tss, Easy lang pala.

"Flight!" Lumipad ako sa ere.

"DARK WIND MANIPULATION!" Sigaw ko at nagpaikot-ikot sa ere.

Ramdam ko ang pagkalakas ng hangin at tuluyang pag-kontrol ko sa mga corrupted winds. Bumaba ako sa lupa at inatake ang mga Ophiotaurus.

Sila ay part bull at part serpent. Tatlo silang kalaban ko ngayon.

"Air Spears Attack! Deoxygenation! Wind Generation!" Sigaw ko at sunod-sunod silang inatake.

"Hiyaaaah!!" Sabi ko at nagpaikot-ikot sa paligid nila.

"Air spikes with tornadoes!!" Sabi ko at ipinasok sila sa loob nun.

"Air hurricane!!" Rinig ko ang pag-atungal nila.

Napangisi ako. Weak monsters!

---
Angelica's POV

"Geokinesis!" Sigaw ko at minanipulate ang mga bato. Gumawa rin ako ng mga clones ko gamit ang mga bato at nagpalabas din ako ng mga monster eater na gawa sa putik.

"Granulation!" Sigaw ko at tinuro ang isang Alicorn. Agad naman siyang naging buhangin.

"Psammokinesis!" In-absorb ko lahat ng sand at minanipulate.

May mga dumating na cyclopes sa harap ko. Nginisian ko sila.

"Oy katawang lupa na isa ang mata!" Sigaw ko. Tumingin naman sila sakin habang tumutulo yung mga laway nila.

"Yak! Kadiri! Nagto-toothbrush ba kayo?!" Sigaw ko. Tumabingi naman ang ulo nila. Watduh? Nakakaintindi ba sila?

"Kili-Kili power!! Este--Koniokinesis!!!" Sigaw ko at napunta lahat ng alikabok sa mga mata nila. Napangisi ulit ako.

"Hah, loser." Gumawa ako ng maraming Golem at Clones gawa sa bato at mga kahoy.

At muli kong sinalubong ang mga kalaban.

----

Drianne's POV

"Sh*t, Drianne?! Ano na bang nangyayari sayo?" Nahihilo ako at sumasakit ang buong katawan ko.

"Nagdudugo ang ilong mo!" Pinilit kong tumayo at inalalayan naman niya ako. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at natumba ako.

"P-Please.. d-don't touch m-my hand.. I..I'm getting weaker." Sabi ko at tumango naman siya. Napahawak ako sa puso ko ng pumintig ito ng malakas.

Binuhat na ako ni Timothy at tumakbo papalabas sa pintong papasara.

"H-Hold on Frucosa. I will get you out of here." Tumango nalang ako dahil hinang-hina na ako. Tinignan ko ang mga kamay ko at nag-iinit ito.

Nakalabas kami ng tuluyan at sumalubong samin ang mga kasamahan namin.

"A-Anong nangyayari dito?!" Sigaw ni Timothy. At sa isang iglap lang ay nasa harap na namin si Huge.

"Oh, poor Drianne. Are you absorbing too much power huh?" Sumama ang tingin ko sa kanya.

"What do you mean?!" Sigaw na tanong ni Timothy. Tumawa ng mala-demonyo si Huge.

"Hahaha! Didn't I tell you na sumpa ang dala ng kamay mong yan sayo? Even your powers! Hahaha!" Bigla akong umubo ng dugo at dinura ko yun sa harap niya.

"I..I w-will kill y...ou." Hinang-hina kong sabi.

"Oh really huh? In that condition?" Ramdam ko ang paghigpit ng hawak sakin ni Timothy.

"Kapag sumobra na ang nakukuha mong kapangyarihan, it can cause your body a damage. Or worst, it can cause you..death." nanlaki ang mata ko.

Tumawa ulit siya ng mala-demonyo.

"Curse you!" Sabi ni Timothy sa kaniya.

Bigla ulit akong napahawak sa dibdib ko. Umiinit ang kwintas!

Ibinaba ako ni Timothy sa gilid at inatake niya si Huge.

Nanlalabo ang paningin ko kaya hindi ko na sila makita.

"Drianne!" Rinig kong sigaw ni Rampo.

Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa lupa at tinignan ko ang langit.

"Please.. help me."

********

The 9th SenseWhere stories live. Discover now