Chapter 20

384 24 6
                                    

Timothy's POV

Nanlalaki ang mata kong napatingin kay Drianne.

Damn!

"Tsk tsk, teka. Mukhang napatay mo ata siya." Sabi niya at ngumisi. Hindi ako nakapagsalita at iniyukom ko ang kamao ko.

Binitiwan niya bigla bigla si Drianne at nataranta ako. Agad ko siyang pinalutang gamit ang kuryente. Inilapag ko siya sa gilid at tinitigan ng masama si Huge.

"Poor Drianne." Napailing siya at tumingin sakin. "...alam mo kasi, kung pumayag ka at sinuportahan mo nalang ako hindi na mangyayari pa sa kaniya yan." Nagpalabas ako ng another Volt at binato sa kaniya.

"Shut up!" Sigaw ko. Naiwasan niya yun at natawa siya ng sarkastiko.

"Gigising pa kaya siya?" Sabi niya at tinignan si Drianne habang nakangisi. Hindi nako nakapagpigil at sinugod ko siya.

"Wag mo akong sisisihin pag may nangyaring masama sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako naging ganito. Ikaw ang dahilan Huge!" Sigaw ko habang kinukwelyuhan siya.

Hindi siya nakapagsalita at tila ba parang nagulat sa nasaksihan niya.

"So, talagang importante sayo ang babaeng yan ha?" Sabi niya habang tinitignan si Drianne.

"What if I kill her? Anong gagawin mo?" Nang-aasar na sabi niya.

"Papatayin muna kita bago mo siya mapatay." Nagpalabas ako ng Lightning Volt at pinatama sa kaniya yun. Tumalsik siya sa pader at diniin ko pa siya lalo doon.

"Wag na wag mong kakantiin si Drianne. Dahil pag nalaman kong naulit ulit to. Baka makalimutan kong tatay kita." Binitawan ko na siya at pinuntahan si Drianne.

Kinarga ko siya at nag-teleport na papunta sa condo ko. Agad ko siyang hiniga sa kama at ginamot ang mga sugat niya.

Sinabihan ko ang secretary ko na pumunta dito at bumili ng damit. Lumabas muna ako sa kwarto ko ng makarating siya upang hayaan siyang linisin muna si Drianne.

Kung nagtataka kayo kung bakit ako may kapangyarihan, dahil 'to sa mama ko.

Her name is Athene. Nanay ko siya at tatay ko si Euros. Huge is my father's bestfriend. Nang mamatay sila ay pinaubaya niya ako sa kaibigan niya. At first, Huge was a great father. Para na niya akong sariling anak kung ituring. But because of his eagerness to become powerful, nagbago ang lahat. He became the person that I didn't expect to be like that. He became the person that I hate the most.

Dahil sa The 9th Sense, naging masama siya. He's been searching a student for that mission. A mission to get it. After nun, kapag nakahanap siya, ipapadala niya sa Deadly Mountain.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang gumamit ng ibang tao para lang sa gusto niya. Bakit hindi nalang siya yung kumuha?

"Sir, okay na po siya." Napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko ng lumabas na si Aling Selia.

"Maraming salamat po." Nginitian ko siya at bibigyan sana ng pera ng bigla siyang umiling.

"Wag na po sir." Ngumiti siya at tinapik ang kamay ko.

"Ingatan niyo po siya. Mukhang mahalaga siya sa inyo." Sabi niya at nagpaalam na.

"Mauuna na po ako." Tumango ako at nagpasalamat.

"Maraming salamat, Aling Selia." Tinapik niya ang balikat ko at umalis na. Pumasok naman ako ng kwarto at tinignan ang lagay ni Drianne.

Napangiti ako ng makitang bagay ang suot niya sa kaniya.

She was wearing a white dress. Lampas tuhod ang haba nito. May nakapalibot na parang pearl sa bewang niya at hugis dyamante ito.

Umupo ako sa kama at hinaplos ang buhok niya.

"I'm sorry. I'm so sorry." Hinalikan siya sa noo.

Ilang sandali pa ay nagulat ako sa ginawa ko.

What the f*uck?!

Tumayo ako at lumabas nalang muna ng kwarto.

Tinawagan ko si Rampo at ilang ring lang ay sinagot na niya.

(Hello?)

"Nakita ko na siya." Napabuntong hininga siya sa kabilang linya.

(Akala ko ba wala kang pakialam? Dalhin mo na siya dito Timothy. At wag na wag ka ng lalapit pa sa kaniya. Andyan na kamo si Athena diba? She's your priority. Tigilan mo na si Drianne.) Kumunot ang noo ko.

"Rampo, wala akong ginagawang masama. I even saved her. Ano bang pinagsasasabi mo?" Inis na sabi ko sa kaniya.

(Tama sila Timothy, bring her home here. At wag na wag ka ng lalapit pa sa kaniya.)

"What the? Do you like her?!" Natawa siya ng sarkastiko.

(She's my friend dude. Mahalaga siya sakin. Kaya i-uwe mo na siya dito.)

"Hindi mo sinagot ang tanong ko."

(I-uwe mo na siya.) Seryosong sabi niya at pinutol na ang linya.

Nahagis ko ang cellphone ko sa sofa.

Bwiset!

Ginulo ko ang buhok ko at napahilamos nalang ako sa mukha ko.

Ano bang nangyayari sakin?

Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? F*ck this sh*t.

Gusto ko na ba siya?

Napaupo ako sa sofa at napahawak sa sentido ko.

I fell for her already.

I like her.

So much.

****

Chapter 20! Edited!😊☺

The 9th SenseWhere stories live. Discover now