Chapter 44

267 18 8
                                    

Kim's POV

"Tara na! Kumilos na tayo bilis!" Sabi ko kay Yvelle at hinila ung kamay niya.

"Teka! D-Di pa ko naliligo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Uunahin mo pa ba yun? Grabe ka naman Yvelle oh!" Natawa din siya.

"Hehe, tara na nga. Imbyerna to." Sabi namin at pumasok kami sa bahay.

"San ba tayo maghahanap? Maghiwalay kaya tayo? Doon ka tas dito ako?" Sabi ko. Binatukan naman niya ako.

"Aray bakit ba?! Maganda naman suggestion ko ah!" Napairap siya.

"Tanga! Edi pag naghiwalay tayo, ano un? Pano pag nakita ko pinto? Hahanapin pa ulit kita? Eh kung sabay na kaya tayo maghanap para diretso pasok na tayo sa pinto? Tsk. Tara na nga." Oo nga no? Tsk. Napailing nalang ako at sumunod sa kanya.

"Ano ba kasing klaseng pinto yun?!" Sabi ko at napakamot sa ulo ko. Napatingin naman sakin si Yvelle.

"Di ka rin naligo no? May kuto ka?" Sinamaan ko siya nang tingin.

"Ano ba umayos ka nga! Nasa laro kaya tayo. Muntanga to." Sabi ko sa kanya. Tumawa nalang siya. Tsk baliw.

"Teka, dun kaya tayo sa labas maghanap?" Sabi niya.

"Huwag muna, ikutin muna natin 'tong bahay baka nandito eh." Tumahimik kami at nagbukas nang mga pinto. Lahat nang madadaanan namin ay binubuksan namin.

"Lahat nang pinto dito nabuksan na natin." Sabi niya nang hinihingal. Lalabas na sana kami nang may maalala ako.

"Hindi pa!" Napatingin naman siya sakin.

"Kuwarto ni Drianne!" Nasa baba kse un. Nakahiwalay samin. Tumakbo kami papunta doon at binuksan ang pinto niya. Nakakita naman kami nang isa pang pinto.

"Ito na nga ata." Tinanguan namin ang isa-isa at tuluyan nang binuksan ang pinto.

-----
Yvelle's POV

"Huwaaahhh!!!" Sigaw ko at napabangon.

Teka.. Nasan ako? Tinignan ko ang paligid. Nasa kwarto ako at nakapatay ang ilaw. Nakarinig naman ako nang mga yabag papunta dito.

"Distorde Aisa!!" Napasigaw ko nang may biglang pumasok sa pinto. Jusko to! Di man lang kumatok!

Binuksan niya ang ilaw at nagulat ako sa nakita ko.

"Aisa! Jusko! Pinag-alala mo ko!" Sabi niya at binatukan ako.

Napatulala ako sa kanya.

Kahit kailan ka talaga Mama, ang hilig mo kong batukan. Tsk, kainis.

-------
Kim's POV

"Distorde Phoebe!" Napadilat ako at nagulat ako sa bumungad sakin.

"Waaahhh!! Sino ka??" Napakunot ang noo niya. Napatingin ako sa paligid at nakita kong parang nasa isang Garden ako.

"Nakatulog po kayo dito." Tinaasan ko siya nang kilay.

"Oh talaga ba? Tinanong ko ba?" Sabi ko sa kanya at pinagpag ang suot ko. Nasan naba si Yvelle? Iwan ba daw ako?

"Distorde Phoebe--" Napatingin ako sa kanya at tinuro ang sarili ko. " Distorde? T-Teka.. Un ba ung sinasabi ni..

"Distorde Phoebe?" Napabalik ako sa realidad. Hmm, mukhang maganda makipaglaro sa laro na to ah.

"Handaan mo ako nang makakain. Nagugutom ako." Sabi ko sabay pasok sa palasyo. Bwahahaha!

"Masusunod po Distorde Phoebe." Sarap naman pala ditey buhay prinsesa si ako, pero teka.. Paano nga ba ako makakalabas dito? Saan ko mahahanap ang pinto para sa ika-tatlong laro?

Pagkapasok ko ay sinalubong ako nang isang babae.

"Oh, Phoebe. Maglinis ka muna nang katawan mo bago kumain. Hinanda ko na ang paliguan mo. Sige, maghahanda pako." Natulala ako sa kanya. Watda?

Mama??

********

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon