Chapter 16

437 29 10
                                    

Timothy's POV

Naiwan ako nakatulala habang nakatanaw parin sa kaniya kahit malayo na siya. What the eff am I doing? Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko yun? At tama siya. Para saan? Bakit? Bakit ko nga ba siya pinapabalik gayong ako ang nagsabing umalis siya? Na lumayo siya? Crap this!

Napaupo ako sa bench na inuupuan niya kanina at nabasabunot ako sa buhok ko.

Bigla kong naalala kung gaano ako natataranta kanina.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid dahil nagba-baka sakali ako na makita ko siya kahit imposible.

Papunta ako ngayon sa opisina ni Ma'am Gina upang sabihin na pababalikin ko si Drianne pero nakita ko sila Rampo. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin at napalapit ako bigla sa kanila, at tinanong kung nasaan si Drianne.

"Bakit?" Takang tanong ni Emi. "Bakit mo siya hinahanap? Hindi kaba aware na na-kick out na siya dito dahil sa kagagawan ninyo?" Dagdag pa niya. Hindi ako nakapagsalita.

"Masaya kana ba Mr. President? Masaya kana ba na LIGTAS na ang mga PINAKAMAMAHAL mong estudyante dito sa HCU? Masaya kana ba na wala na SIYA?!" Singhal naman sakin ni Yvelle.

"I.." hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong sinampal ni Kim.

"Wala kang karapatang sabihan siya ng kung anu-ano Timothy. Alam namin ang lahat. At hindi porket may kakaiba sa kaniya tatratuhin niyo na siyang parang isang basura na basta basta niyo nalang itatapon sa kung saan saan. Huwag niyo siyang ituring na parang nakakadiring daga na napadaan sa nilalakaran niyo. Tandaan mo Timothy, tao rin siya. Oo may kakaiba sa kaniya pero may nararamdaman din siya. May nararamdaman siya kagaya natin. May puso siya Timothy, nasasaktan din siya. Wala kang karapatang pagsabihan siya ng masasakit na salita kung mismong sa sarili mo yun pinapatama. You Timothy, You are the monster here not Drianne." Nawalan ako ng lakas upang magsalita. Lahat lahat ng sinabi niya at tumama sakin. Lahat lahat ng sinabi niya ay tama. Ako. Ako ang dapat sisihin dito.

"Nagmamalasakit ka nga ba sa mga estudyante mo?" Biglang singit ni Angelica na nakayukom ang kamao. Nakakapit naman si Aubrey sa braso ni Kim.

"Tapos naba kayo?" Sabi ko sa kanila at tinignan sila ng walang emosyon. Napasinghal si Kim at akmang susugod pa pero biglang nagsalita si Rampo.

"Enough." Inis naman na nag-walk out si kim at sinundan siya ng mga babae. Natira kaming dalawa ni Rampo na nakatayo dito sa may corridor.

"Nasan siya?" Ulit ko sa tanong ko kanina.

"Ano nanaman bang ginagawa mo Timothy? Ganyan kaba talaga? Ganyan kaba ka-desperadong mawala siya? Ganyan kaba talaga maging presidente dito? Talaga bang may malasakit ka sa bawat taong pumapasok dito?" Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.

"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan Rampo. Dahil una sa lahat hindi mo ako lubusang kilala, hindi mo alam ang nararamdaman ko at ginagawa kong pangangalaga para lang mailigtas ang bawat taong tumatapak sa paaralang ito. Hindi mo alam ang lahat Rampo." Ngumisi siya.

"That's it. Ngayon ibabalik ko sayo 'yang sinabi mo. Sino ka ba para pagsalitaan siya ng ganun? Sino ka ba para basta basta nalang siyang hilain at sabihan ng kung anu-ano? Sino ka ba Timothy? Hindi mo siya kilala pero bakit ka mapanghusga?" Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako nakagalaw at kahit gustong-gusto kong manapak at magwala hindi ko kaya.

"Nasa condo siya. Alam mo naman yun diba?" Tumango ako. Alam ko yun dahil pumunta ako doon kahapon to check if she's okay and Rampo saw me.

"Tandaan mo Timothy, kapag sinaktan mo ulit siya. Ako ang makakalaban mo. Ako mismo ang bubugbog sayo. Subukan mo pa siyang saktan ulit, ako ang makakaharap mo." Seryosong sabi niya at umalis na.

Pagkasabi niya nun ay nasuntok ko ang pader sa tabi ko. Crap!

Maling-mali ako! Maling mali ako sa mga sinabi ko sa kaniya. Napakasama ko. Napaka-walang hiya ko!

Umalis agad ako sa school, tinawag ako ng isa sa head dito pero di ko na pinansin. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makita.

Agad akong nag-teleport sa condo nila. Nang makarating ako sa pintuan ay nag-doorbell ako. Ngunit ilang minuto pa ay walang nagbubukas. Kaya naman nag-teleport na ako sa loob.

At nakita kong walang tao.

Lumabas ako at hinanap ko siya sa bawat sulok ng subdivision dito. At nakita ko siya, kasama ni Lucas.

Bakit ba ganito ang epekto niya sakin?! Argh! Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko dahil naaalala ko siya sa kaniya! For pete's sake! Hindi siya ang babaeng mahal ko. Hindi siya si Athena.

Shit this.

*****

Chapter 16! Edited!☺😊

The 9th SenseWhere stories live. Discover now