Chapter 21

419 24 8
                                    

Timothy's POV

Pumasok ako ng kwarto at tinignan si Drianne.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napaiwas ako ng tingin.

Ano bang nangyayari sakin? I love Athena. I love her. Pero paanong nangyari na nahulog ako kay Drianne? Am I still in love with Athena?

Napailing ako at binuhat ng dahan-dahan si Drianne. I should take her home. Alam ko namang nag-aalala na sila Rampo.

Medyo nanghihina na ako at nanlalanta, nahihilo na ako at sumasakit na rin ang ulo ko. Medyo marami akong nailabas kanina na kapangyarihan ko. Kaya siguro nangyayari sakin 'to.

But I need to take her home, wala na akong pake kahit pa ma-drain ang ang lakas ko. Basta mahatid ko lang siya.

Hindi ko na rin kayang magmaneho at wala rin namang magmamaneho ng sasakyan dahil wala yung driver dito. So this is the only way.

Pinikit ko ang mata ko at nag-teleport na sa condo nila Drianne.

Mas lalong sumakit ang ulo ko at nanghina. Hinigpitan ko ang hawak kay Drianne.

Pagkadilat ko ay nasa tapat na kami ng unit nila. Bigla itong bumukas at bumungad sakin ang babaeng may pulang buhok.

"Mygad! Drianne!" Nagsilapitan naman ang iba pa niyang kasama.

Agad na lumapit sakin si Rampo at akmang kukuhain sakin si Drianne ng mapansin niyang nakahawak ito ng mahigpit sa braso ko. Napatingin silang lahat doon.

Bigla nanamang sumakit ang ulo ko, napatingin sakin si Rampo. Agad niyang kinuha si Drianne sa mga bisig ko.

"Asan yung gloves niya?" Tanong niya. Tinignan ko lang siya.

"Mauuna na ako."

Tumalikod ako pero nahilo ako bigla.

"Okay ka lang ba bro--" rinig ko ang lakas ng pagsara ng pinto nila.

Hindi ko na pinansin yun at pinilit ang sarili ko na mag-teleport pabalik.

Ilang sandali pa ay nakabalik na ako dito sa bahay at napabagsak bigla sa sofa.

May mainit na likidong dumadaloy sa ilong ko at sobrang nahihilo na ako.

Geez, I'm drained.

Biglang bumukas ang pinto at naaninag ko ang isang babae.

"Tim!"

Napangiti ako ng makita ko siya.

"Athena.."

*everything went black*

----

Drianne's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na sumisilaw sa mukha ko.

Dinilat ko ang mata ko at medyo nasilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napahawak ako sa ulo ko, medyo sumasakit kasi.

Ano bang nangyari?

"Drianne! Buti nagising kana!" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Akira.

"Jusko ka! Tatlong araw kang tulog!" Nanlaki naman ang mata ko. Tatlong araw?!

Nakarinig ako ng mga yapak papunta dito. Biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin sila Rampo.

"Buti naman at gising kana." Sabi niya at lumapit sa hinihigaan ko, ganun din sila Yvelle.

Bigla akong niyakap ni Rampo, sumunod si Yvelle, sumunod si Aubrey, hanggang sa nag-group hug na kami.

Natawa naman ako.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now