Chapter 22

378 28 6
                                    

Drianne's POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung ma-decode namin ang libro.

Hindi na kami nabigyan ng pagkakataong ma-decode 'yung last message dahil bigla siyang nawala.

Ngayon ay nakapasok na ulit ako dito sa HCU. Kasama ko sila Akira.

Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang lahat, lalo na ngayon. Nakalaban ko ang punong-guro at may-ari ng paaralan na 'to.

Pakiramdam ko may pinaplano nanaman sila, pakiramdam ko may mangyayari nanamang masama.

"Waaahh! Ang ganda talaga ng necklaces natin!" Natawa kami sa reaksyon ni Kim.

"Grabe, pang isang daang beses mo na atang nasasabi yan ah," natatawang sambit ni Rampo. Napailing nalang ako.

Napatingin ako sa gilid ko ng may mahagip ang mata kong kakaiba.

Para siyang maliliit na liwanag?

*KRRRRRINGGGGGG*

Napabalik ako sa realidad ng biglang tumunog ang bell.

Napatingin ako sa mga kasama ko at wala na sila. Saan sila nagpunta? Iniwan ba nila ako?

Napabuntong hininga't kibit balikat nalang ako.

Napatingin ako sa relo ko at nanlaki ang mata ko.

Whatt thee?! Late nako ng 10 minutes?! How come?! Wala pa nga atang 5 minutes akong nakatayo dito!

Aish! Ano bang nangyayari?

Inis nalang ako na naglakad papunta sa klase ko. 'Di nako tatakbo, late narin naman eh. Bahala na si batman kung papasukin pa 'ko---

"Hey!" Natigil ako sa paglalakad ng biglang may tumawag sakin.

Napalingon-lingon pako sa paligid dahil baka hindi ako 'yung tinatawag niya at assumera lang ako diba?

"Hey you!" Turo sakin nung babaaeng naglalakad.

May itim na itim siyang mga buhok. Bagsak ito at makintab, sa tingin ko anlambot ng buhok niya. Ano kayang shampoo niya? Decharr. Hakhak.

"A-Ahm ano pong kailangan niyo?" Utal na sabi ko. Ganda kasi ni ateng! Wahaha xD!

*PAK*

Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong sinampal. Napahawak ako sa pisngi ko.

"You bitch! Akin na ang necklace ko!" Bigla niya akong sinugod at niyugyog. Nagpupumilit siyang kuhain yung necklace ko kaya naman hinawakan ko yun at 'di pinakawalan.

"M-Miss teka! A-Ano bang problema mo?!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Baliw ba 'to? Ang ganda ganda tapos ganito pala!

"Miss ano ba!" Sa inis ko ay tinulak ko siya ng malakas. Muntik na siyang matumba pero nasalo siya ni Timothy.

"Are you okay?" May pag-aalala niyang tanong sa babae.

Magka-ano ano ba sila?

Tumingin sakin ng masama si Timothy at itinabi yung babae sa likuran niya.

"Give me her necklace," galit at madiin niyang sabi. Kumunot ang noo ko.

"Ano? Anong necklace pinagsasasabi mo diyan?!" Inis kong sabi sa kaniya.

"That necklace," tinuro niya ang necklace na hawak ko.

"At bakit? Necklace ko 'to for your information!" Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa necklace ko.

"May pruweba ka ba na sayo yan?" Seryosong sabi niya.

"Oo!" Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kwintas ko at tinignan ito.

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon