Chapter 51

231 12 2
                                    

Yvelle's POV

Nandito ako ngayon sa isang barung-barong na bahay. Walang tao at napakatahimik ng lugar.

Lumabas ako at nakita ko ang dalampasigan. Lumapit ako dito at naupo sa buhanginan.

Biglang pumasok sa isip ko na.

What if matapos namin ang laro? Anong mangyayari? What if nakuha namin ang 9th sense?

Ano nga ba ang meron sa 9th Sense? Bakit ba napakahalaga nito para sa mga tao?

Napabuntong hininga ako. I want to end this game right here, right now. But how?

"Beatrice!" Napalingon ako ng may marinig akong boses ng isang matandang babae.

"Lola!" Nakita ko ang isang babae na tumatakbo papunta sa matandang babae.

Tumayo ako sa buhanginan at lumapit sa kanila upang mamukhaan ko ng maigi.

"Lola! Kamusta na po kayo?" Sabi ng isang babae. Teka, beatrice ba ang tinawag sa kanya?

"Mabuti naman ako Beatrice Aisa. Ikaw? Kamusta ang pamamalagi mo sa palasyo?" Nakita kong nag-pout si Aisa.

"Boring naman dun Lola eh. Hay, di ko magawa yung gusto ko. Laging limitado ang mga galaw ko." Natawa ang matanda sa inasta ng babae.

"Hayy nako, O siya. Mamaya may ipapakilala ako sayo." Kumunot ang noo ng babae.

"Sino po lola? Baka po may nobyo kayo ah!" Natawa ako ng batukan siya ng matanda.

"Wala, o siya sige maglaro ka na ng tubig diyan." Nagliwanag ang mata ni Aisa at pumunta na sa may dalampasigan.

Biglang nagbago ang scenario at nakita kong nagtatago sila sa loob ng kanilang bahay.

"Lola? Ano pong nangyayari? Bakit po may mga tao sa labas?" Kita sa mata ng matanda ang pag-aalala para kay Aisa.

"Kopehr, ikaw ng bahala sa apo ko. Kakalabanin ko lang sila." Nagulat ako sa sinabi ng matanda. Kakalabanin? Teka.. ang tanda na nya!

"Lola! Sasama ako! Lalabanan ko din sila!" Umiling ang matanda.

"Aisa makinig ka, kailangan mo ng bumalik sa palasyo." Magsasalita pa sana si Aisa ng bigla nalang siya mapalibutan ng tubig at naglaho kasama ni Kopehr.

Muling nagbago ang scenario at nakita kong nasa dalampasigan si Kopehr at Aisa.

"Aisa, patawarin mo ako. Hindi ko nagawang maipagtanggol ang lola mo." Hindi siya kinikibo ni Aisa at nanatiling umiiyak.

"Hindi k-ko alam kung bakit ka pa n-niya kailangang ipakilala s-sakin bilang tagapagbantay niya ga-gayo'y hindi mo siya nagawang t-tulungan sa oras na kailangan ka niya." Umiiyak na saad ni Aisa.

"Nagsinungaling siya." Sabay kaming napatingin ni Aisa kay Kopehr.

"Hindi niya ako tagapagbantay, o tagapagligtas." Napakunot ang noo ko.

"Nalaman niya na ako ang naka-tadhana sayo Beatrice Aisa. Ako ang nakatadhanang maging kabiyak mo." Nanlaki ang mata ni Aisa.

"A-Ano?" Napabuntong hininga si Kopehr at bigla na lamang nagpaikot ng tubig sa kanila na may kasamang makikinang na perlas at mga kabibe.

"Nakatakda akong maging sayo, Aisa." Biglang nagbago ang scenario at napunta ito sa araw kung saan nanganganak si Aisa.

"Ahhh!!!" Kita sa mata niya ang hirap at sakit. Pero tiniis niya ang lahat ng iyon.

Ilang sandali pa ay lumabas ang isang batang babae na nakabalot sa kakaibang tubig at may mga kumikinang-kinang na perlas sa gilid nito.

"Yvelle. Beatrice Yvelle." Biglang nanikip ang dibdib ko at nagulat ako dahil nakahawak din sa kanyang dibdib si Aisa.

"Anong nangyayari?!" Biglang sigaw ni Kopehr. Nawala ang tubig na nakapalibot sa bata at ang mga kumikinang na perlas.

Bigla itong umatungal ng iyak at namutla.

"Aisa!" Ang huli ko nalang nakita ay parehas nawalan ng malay ang bata at si Aisa.

Biglang nagbago ang scenario at napunta sa isang madugong labanan.

"Aisa huwag ka ng makipaglaban! Delikado yan para sayo at sa bata!" Hindi siya pinakinggan ni Yvelle. At nagpatuloy sa pakikipaglaban.

"Kailangan kong iligtas ang lahat. Umalis na kayo ni Yvelle!" Hinablot siya ni Kopehr.

"Mamamatay ang anak mo kapag namatay ka!" Biglang natahimik si Yvelle.

Teka, mamamatay ako kapag namatay siya? Papaanong?

"Kailangang mawala muna yang kapangyarihan mo bago maputol ang pagiging konektado niyo sa isa't-isa! Kapag namatay ka ay mamamatay din si Yvelle. Kapag nasugatan siya ay masusugatan ka din. Kaya parang awa mo na Aisa. Halika na, tumakas na tayo." Tumulo ang luha ni Aisa.

May ginawa siyang kung ano at bigla siyang umangat sa lupa at napalibutan ng tubig.

"Aisa! Huwag mong gawin yan! Ikakamatay mo!!" Nakita kong nagliwanag ang tubig at unti-unti itong nagiging itim.

"Aisa!!!" Biglang nawala ang tubig at bumagsak sa lupa si Aisa.

"Aisa, hindi.. wag kang susuko." Nginitian lang siya ni Aisa.

"Ngayong hindi na kami konektado, iligtas mo na ang anak natin. Sige na, iwan mo na ako." Umiyak si Kopehr at tumango.

"Patawad mahal ko. Patawad."

Biglang nagbago ang scenario kung saan pinipilit ni mamang tumayo at lumaban. Ngunit hindi siya nagtatagumpay.

Nakita kong may aatake sa kanya mula sa likod kaya nagmadali ako upang maharangan siya ngunit tumagos lamang ito saakin at inatake siya.

"Mama!!!" Napasigaw ako at napaluhod.

Nakita ko kung paano mamatay si mama.

Kung paano siya maatake ng walang kalaban-laban.

It's all my fault! Kung hindi dahil sakin hindi niya tatanggalin ang kapangyarihan niya at hindi siya mamamatay! Kasalanan ko to!

Biglang yumanig ang lupa at nakita kong may papasarang pinto sa hindi kalayuan.

Teka, ang laro!!

Agad akong tumayo at tumakbo papaunta doon habang pinupunasan ang aking luha. Kailangan kong matapos to.

Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ni Mama.

Bago pa masara ang pinto ay nakapasok na ako sa loob.

Humanda kang laro ka. Hindi ka mananalo sakin.

*******
Next chap will be Emi and Rampo's POV! ☺😊

The 9th SenseOù les histoires vivent. Découvrez maintenant