Chapter 23

363 24 2
                                    

Akira's POV

"Nasan si Drianne?" Bungad ko agad sa kanila pagkalabas namin ng classroom.

"Nagpaalam siya samin ni Rampo na magsi-CR lang daw siya." Sagot ni Aubrey na ikinakunot ng noo ko.

"She skipped one class. Hindi niya gawain 'yun." Singit ni Yvelle.

"Tara puntahan natin sa C.R, kung nandun nga ba siya." sabi ko at nauna nang maglakad.

Pagkapunta namin doon ay maraming tao. Siksikan at mahaba ang pila.

"Ako nalang papasok." Biglang sabi ni Kim. Tinanguan lang namin siya.

"Bakit ba kasi iniwan niyo siyang mag-isa?" Inis na tanong ko kila Aubrey.

"Ayaw niya kasi magpasama eh. Sabi niya mabilis lang raw naman siya." Napairap nalang ako. Mabilis? Almost an hour na nakalipas, tapos mabilis lang?

"Wala siya sa loob." Sabi ni Kim pagkalabas niya ng C.R.

"Wala sa bawat cubicle?" Tanong ko. Umiling lang siya.

"Geez! Baka mamaya may mangyaring masama nanaman kay Drianne!" Inis na sabi ni Emi.

"Maghiwa-hiwalay tayo. Magkita-kita nalang tayo sa ground." Sabi ni Rampo na sinang-ayunan namin lahat.

Nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay at kasama ko si Angelica.

Papunta kami ngayon sa Cafeteria.

Drianne nasan kana ba?

---

Drianne's POV

Napaatras ako ng tatlong hakbang.

"A-Anong kailangan mo sakin?" Madiin na sagot ko. Ngumisi siya.

"Do you think you'll get away from me that easily?" Lumapit siya sakin, at umatras ulit ako.

"You can't escape from me, Drianne. You can't hide away from me," lumapit pa siya sakin at mas lalong ngumisi. "Because I will surely haunt you wherever you go, at kahit sa kasuluk-sulukan pa 'yan ng mundo hahanapin at hahanapin kita."

Lumunok ako at tinignan siya ng masama.

"Ano bang kailangan mo sakin ha?! Bakit ba hindi mo ako tinatantanan?!" Natawa siya ng sarkastiko.

"I need you. I need your powers. I need your friends. I need all of you." Kumunot ang noo ko.

"Bakit mo idadamay ang mga kaibigan ko?"

"Because they are immortals too."

Nag-ipon ako ng apoy sa kamay ko at ibinato ito sa kaniya.

Natamaan ko naman siya kaya nawala ang atensyon niya sakin, hindi ko inaksaya ang panahon na 'yun at agad akong umalis sa harapan niya.

Pero nakalimutan kong may taglay pala siyang bilis at lakas.

Nahabol niya ako at hinablot ng mariin ang buhok ko. Napadaing naman ako sa sakit at napahawak sa kamay niyang nakasabunot sakin.

"Tatakas ka pa ha?! Hindi mo 'ko matatakasan!" Bigla niya akong iniharap sa kaniya at sinuntok sa tiyan.

Napahawak ako dito at namilipit sa sakit. Binuhat niya ako ng parang sako at lumabas kami ng school.

May binanggit siyang kung ano at bigla-bigla nalang akong nawalan ng malay.

--

Rampo's POV

Dito ako naghanap sa rooftop dahil nagbabaka-sakali akong nandito siya at nagpapahangin lang. Pero imbis na si Drianne ang makita ko ay si Timothy ang nadatnan ko.

The 9th SenseWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu