Chapter 49

253 13 10
                                    

Author's NOTE: Guys sorry dahil matagal-tagal akong hindi naka-update. Simula ksi nung nagpasukan na superb busy si ateng niyo! Jusko tambak us ng reports at assignments. Kaya tuwing weekend nalang ako makakapag-UD. Hope you understand. Kay Akirang POV lang muna ang nagawa ko. Ung nagawa ko kase na isa nawala. Ginawa ko yun kagabi kaso nagloko ang Wattpad kaya nawala ang UD ko. Tapos na sana ang POV's nila Aubrey,Akira, at Angelica kaso nawala. Di ko na papahabain pa. Enjoy reading~

----

Akira's POV

Paano ko nga ba nakuha ang kapangyarihan ko?

Yan ang laging tanong ko. Paano? Saan? Kailan? Pero mukhang masasagot na yun ngayon.

Nandito ako ngayon at nakatayo habang nakatingin sa dalawang tao, o immortal?

"Aurora, pag may sinabi ba ako sayong... Hindi ako mortal, matatakot ka sakin?" Ngumiti yung babae.

"Kapag din ba nalaman mo na di ako mortal, matatakot ka din ba?" Umiling yung lalaki at ngumiti.

"Isa akong bampira." Napa-atras ako sa narinig ko. B-Bampira? Bampira ang tatay ko? Mukhang nagulat si Mama pero ngumiti siya agad.

"Isa akong Distorde. Distorde ng mga apoy." Ngumiti din si Papa.

"Ikaw pala ang magiging kahinaan ko ah, hindi mo naman ako susunigin diba?" Natawa silang pareho sa sinabi ni Papa. Ano nga bang pangngalan ni Papa?

"Aurora." Sabay kaming napatingin ni Mama sa isa pang lalaki.

"D-Dexter." Who's Dexter? At sino sa kanila ang magiging tatay ko?

Tinignan ng masama ni Dexter si Papa, hindi ko sure kung siya talaga ang papa ko.

"Tara na Aurora. Umalis na tayo." Biglang hinila patayo ni Dexter si Mama.

"Ano bang problema mo Dex?" Naiiritang tanong ni Papa.

"Ikaw Zac! Ikaw! Inaagaw mo nalang lahat ng gusto ko! Pero di ako makakapayag na maagaw mo si Aurora!" Nagulat ako ng biglang maging wolf si Dexter.

Bigla naman naging red yung mata ni Papa, which is Zac. Lumabas din ang mga pangil niya.

"Umalis ka na Aurora!" Sigaw ni Zac. Pero nanatiling nakatayo si Mama at nakatingin sa naglalabang lobo at bampira. Mukhang hindi niya ata alam ang gagawin niya. Kapag ginamit niya kasi ang kapangyarihan niya, isa sa kanila ang pwedeng mamatay.

"Aurora! U-Umalis ka na!" Sigaw ni Zac. Walang nagawa si Mama kundi tumakbo at umiyak.

Biglang nagdilim ang lahat.

Napunta ako sa isang scenario kung saan may madugong labanan. Ano bang nangyayari?

Nakita ko si Mama na nakikipaglaban. Nasa gilid niya si Zac, at nasa isa pa niyang gilid si Dexter.

Pero sandali lang yun at nagbago ang lahat. Napunta ako sa isang scenario kung saan nanganganak si Mama.

"AHHHHH!!!" Sigaw niya at humigpit ang hawak niya sa kumot.

"Konting tiis nalang Distorde Aurora! Konting tiis nalang!" Pumunta ako sa tabi ni Mama. Kahit hindi ko siya nakikita ay, hinawakan ko ang mga kamay niya.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng pag iyak. Napatingin ako sa nagpapaanak kay Mama. Nakita ko ang isang sanggol. Babaeng sanggol.

Natuwa ako na may kasamang luha. Ina ko nga siya!

Biglang pumasok si Zac at napunta ang tingin sa sanggol.

"Z-Zac?" Nanghihinang bigkas ni Mama.

Napaluha si Zac at kinuha ang sanggol. Siya nga ang tatay k---

"Huwag mong s-sasaktan ang anak ko! Z-Zac, magmamakaawa ako!" Ha? Sasaktan? Bakit ako sasaktan ni Papa? Nawala ang mga ngiti sa mukha ko.

"Hindi ko matanggap na si Dexter ang pinili mo kaysa sakin! Akala ko ba mahal mo ako Aurora? Akala ko mahal mo ko?" Umiiyak na saad niya. Umiyak na rin ang sanggol na hawak niya.

"Mahal kita pero ng gabing iyon ay nalaman ko ang tunay na pakay mo! Gusto mo akong patayin, gusto mong makuha ang kapangyarihan ko! Minahal kita pero bakit mo ako niloko?" Umiiyak na saad din ni Mama.

"H-Hindi k-kita niloko." Biglang nagbago ang lahat.

Napunta ulit ako sa labanan. Katabi ni Mama si Dexter at si Zac.

"Kaya mo pa bang lumaban?" Tanong ni Dexter. Siya ang papa ko.

"Kaya ko pa mahal." Sabi niya habang nakikipaglaban gamit ang espada ng apoy.

"Pero kakapanganak mo pa lang."  Kakapanganak palang dito ni Mama?

Nagdilim ulit ang lahat at napunta ako sa isang gubat. Nakatali si Mama sa puno at nakatayo sa harap niya si Dexter.

"Bakit niyo nagawa sakin ito? Bakit?" Umiiyak na tanong niya.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay sa laban kaysa ang malaman na niloko niyo lang ako!" Naiyak ako. Bakit ganito? Bakit ganito ang kinahantungan ni Mama? Nagmahal lang siya pero bakit niloko siya? Bakit niloko nila ang mama ko?

May biglang pumasok sa isip ko.

Kailangan kong mahanap ang pinto para sa susunod na laro!

Pero bago ako makagalaw sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paano sinaksak ni Dexter si Mama sa kaniyang puso. Napaluhod ako.

Ansakit! Ansakit-sakit!

Inilibot ko ang mata ko at nakita ko ang pinto sa isa sa mga puno. Pinilit kong maglakad papunta doon at pumasok.

Paalam Mama, gagawin ko ang lahat para sayo. Hindi ako susuko.

*****
Next Chap kila Aubrey, Angelica, at Kim.

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon