Chapter 17

425 23 8
                                    

Timothy's POV

Inayos ko ang mga gamit ko dahil papasok ako sa isang paaralan kung saan nagpapanggap ako bilang isang normal na estudyante.

Inayos ko ang sarili ko at binago ko ang aking itsura. Napabuntong-hininga ako.

"Para kay Athena."

--

"Oy pare hahaha! Tignan mo nandito na yung pulubi!" Nagpapanggap ako dito sa school na 'to bilang isang hamak na nerd at mahirap. Kailangan kong gawin 'to dahil hinahanap ko ang babaeng importante sakin.

Base kasi sa mga nakuha kong impormasyon, dito raw siya nag-aaral. Wala namang kaso sa principal dito dahil pinayagan niya ako, at may kasunduan kaming aalis na ako dito sa oras na makita ko na siya.

"Oy, ano bang ginagawa mo dito? Nakakasira ka sa school. Para kang pakalat-kalat na basura hahahaha!" Napatingin ako sa kanila habang naglalakad papunta sa room ko. Natigil sila sa pagtawa at lumapit sakin yung isa.

"Ano? Papalag ka? Sus, di mo naman ako kayang labanan. Baka susuntok ka palang nakabulagta kana." Napangisi ako sa sinabi niya. Kung pwede ko lang siyang tustahin ginawa ko na.

"Ano? Bakit ganyan ka makatingin? Lalaban---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng mabilisan kong hinablot ang kwelyo niya.

"Kung may pagti-tripan kayo, wag ako. Dahil baka aatake ka palang, patay kana." Sabi ko at tinulak siya. Susugurin sana ako ng mga kasamahan niya pero biglang dumating yung principal.

"What's happening here?" Tanong niya. Agad namang umiling ung tatlo at umalis na. Nagkibit-balikat nalang ako habang tumatakbo sila. Mga duwag.

"Mr. Florante, I have something to tell you." Agad akong napalingon sa kaniya.

"What is it ma'am?" Nginitian niya ako at tinalikuran, hudyat na sundan ko siya.

Agad akong sumunod sa kaniya papuntang opisina niya.

"This might surprise you, and at the same time. I guess this is goodbye." Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Nasa tapat na kami ng pintuan ngayon at bigla niya akong tinapik sa balikat.

"Maging masaya ka sana Mr. Florante." Gulong-gulo man ako pero sumunod nalang ako sa kaniya ng buksan niya ang pintuan.

At pagbukas niya, nagulat ako sa nakita ko. Agad akong tumakbo at niyakap siya.

"Athena!" Niyakap niya ako pabalik. "Tim."

---

Drianne's POV

Nakatulala ako ngayon dito sa kisame. Hays, nakakaboring talaga sa bahay. Kung maglinis nalang muna kaya ako? Nakakatamad, mamaya nalang. Eh kung kumain? Busog pa ako eh, hays.

Kinuha ko yung wallet ko at tinignan ang credit card ko.

Bigay ko nalang kaya sa kanila to? Or gamiting pang-budget para sa pang araw araw na kailangan namin?

Napasapo ako sa noo ko. Bahala na, magta-trabaho nalang siguro ako para kahit papano may magawa naman ako.

Tatayo na sana ako upang iligpit ang higaan ko at lumabas muna saglit, pero may biglang kumatok sa pinto kaya napilitan akong lumabas ng kwarto kahit di pa ayos yung higaan ko. Agad ko namang naramdamang sumunod sakin si Keeper.

*tok*tok*tok*

"Saglit lang." Hindi kaya sila Yvelle to? Pero di naman sila kumakatok eh, may susi naman sila. Atska masiyado pang maaga para umuwe sila.

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako dahil bumungad sa harapan ko si Ma'am Gina.

"Ay, good afternoon po." Sabi ko at napaayos bigla ako sa itsura ko.

"Ano pong kailangan niyo?" Nginitian niya lang ako. "Pwede ka bang makausap?" Nag-alinlangan pa akong papasukin siya kasi marumi at makalat sa sala, pero no choice eh.

"Pasok po muna kayo, pasensiya na po dahil hindi pa ako nakakapaglinis." Sabi ko at nilakihan ang pagbukas sa pintuan upang makapasok siya. Nang makapasok siya ay sinara ko ang pinto at agad na pumunta sa sofa para alisin ang mga libro at papel na nakakalat.

"Upo muna kayo ma'am. May gusto po ba kayong inumin? Kape po ba? Juice?" Umiling siya at umupo.

"Just give me some water." Sabi niya at ngumiti ulit. Shete, kinakabahan ako. Bakit naman niya ako gustong kausapin?

"Sige po." Tatalikuran ko palang siya ng biglang kumahol si Keeper ng malakas.

"Shh Keeper, bisita natin siya." Sabi ko at hinaplos ang balahibo niya. Tumingin pa ako kay ma'am Gina at nahihiyang ngumiti.

Dinala ko si Keeper sa kusina at kinausap siya.

"Keeper be quiet okay? Bisita natin si ma'am Gina. Stop barking. Baka mainis siya sayo." Patuloy lang ako sa paghaplos sa kaniya pero hindi parin siya tumitigil sa pagtahol at nakalingon siya sa pwesto ni ma'am gina. Napailing nalang ako at binuhat siya. Pinasok ko muna siya saglit sa kwarto at sinara ito. Mamaya ko nalang siguro aayusin ung kama ko.

Kinuha ko ang pitchel sa ref at sinalinan ang basong nasa gitna ng lamesa. Kinuha ko ito at nagpunta na sa sala. Pero nagulat ako dahil wala dun si ma'am gina.

Saan siya nagpunta? Nag-CR ba? Pero mararamdaman ko naman at makkita kung nagpunta siya ng CR ah? Kasi dadaan siya ng kusina bago siya makapunta ng C.R.

"Ma'am Gina?" Tawag ko sa kaniya. Rinig ko ang lakas ng pagkahol ni Keeper. Lumabas na kaya si Ma'am?

Napailing nalang ako at babalikan sana si Keeper ng may biglang panyong tumakip sa ilong ko.

"Sleep well my dear."

****
Gina's POV

"Anong gagawin natin diyan?" Tanong ko kay Huge. Ngumisi siya at tumingin sa transparent room. Isa itong kwarto kung saan, kapag nasa loob ka nito ay hindi mo magagamit ang kapangyarihan mo. In other words, it is called a Nullifying Room.

"Hihintayin natin siya. He's on his way." Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" Ngumisi siya at tumayo.

"She will be our bait Gina. Maganda siyang ipain upang makuha natin ang pag sang-ayon ni Timothy sa gagawin kong mission." Kumunot muli ang noo ko.

"But why her? Anong kinalaman niya kay Timothy?" Napa buntong hininga siya.

"Can't you see it Gina? He's been overprotecting! Kahit na kakakilala niya palang diyan sa babaeng yan grabe niya na ipagtanggol at protektahan yan. And who knows? I can feel that presence inside of her. I can feel it." Nilingon ko si Drianne.

"I think, she's the girl." Bigla kong nasabi. "The girl?" Tanong niya. Nilingon ko siya.

"Athena."

****

Chapter 17! Edited!☺😊

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon