Chapter 59

214 7 6
                                    

Drianne's POV

Bakit madilim padin?

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Hiro.

"A-Ah? Hiro?" Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang kamay niya. Nagulat naman ako dahil dito.

"A-Ano bang n-nangyayare sayo? A-At bakit madilim padin?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mata at may luhang tumulo dito.

"T-Teka H-Hiro? Bakit ka umiiyak?" Tarantang sabi ko. Nagulat ulit ako ng halikan niya ako sa noo.

"B-Be safe." Sabi niya. Magsasalita pa sana ako kaso bigla siyang nawala. Kasabay ng pagkawala niya ay nakaramdam ako ng malakas na pag-ihip ng hangin sa bandang tenga ko.

"We're in danger, prepare yourselves. Maraming kalaban ang naghihintay sa labas. Don't trust the one who you are with. They're just pretending! Kasabwat sila nila Huge. Please be safe."

No...

Hiro..

Napalingon-lingon ako upang hanapin siya, pero.. wala.

At kasabay ng paghahanap ko sa kaniya ay nakita ko ang pintuang hindi ko inaasahang makikita ko.

THE LAST STAGE: LEVEL 10 (MIRROR WALL)

Lumapit ako dito at hinawakan ang doorknob.

Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng saksak sa bandang tiyan ko. Hindi ko na ito ininda at tuluyan ng pumasok sa loob ng larong ito.

Pagkapasok ko ay may tumapat saking ilaw. Napapaligiran ako ng salamin sa paligid ko at nakikita ko ang repleksyon ko dito.

Ilang sandali ba ay napalitan ito ng mga imahe ni Timothy.

Nagulat ako dahil pare-parehas sila. Lahat sila ay tinapunan ko ng tingin.

"Choose the right one." Sabi ng isa at sumunod pa ang isa. At sabay-sabay na silang lahat na nagsasalita.

Who's the real him?

---

Akira's POV

Nagulat ako ng ilang sandali pa ay nagsilabasan sila Rampo. Watdaeff?!

May tama ang ilan samin.. Pero nasan si Drianne?

Bigla akong napatigil sa paghahanap kay Drianne ng biglang dumagundong ang lupa.

Nagsi-puntahan sa direksyon ko sila Rampo.

"Kaya ba nating labanan sila?" Tanong ni Kim. Muling dumagundong ang lupa at nagsilabasan ang kakaibang nilalang. May mga nakikita akong Alicorn, Snow beast, Cyclopes, Goblins, Sphinx, Echidna at iba pa. Marami ring Evil Creatures ang nagsilabasan.

Dumagundong ulit ng napakalakas at lumabas si Huge.

Napasinghap kaming lahat ng makita namin sa tabi niya si Tito Raghe, at ang kanang kamay ni Timothy na si Jamil, pati si Ma'am Gina, pati ang mga nakasama namin kanina sa loob.

H-How come?

Kakayanin ba namin?

Nagsi-tinginan kami nila Aubrey at naghawak-hawak ng mga kamay.

Sabay sabay naming binigkas ang mga pangngalan ng aming mga magulang at biglang humangin ng malakas.

"Ahhhhh!!!!" Sigaw namin ng maramdaman ang init ng kwintas namin at lumiwanag ang buong paligid.

Ramdam ko ang pag-angat ko at ang pagbabago ng aking ayos.

Pumikit ako at dinama ang presensiya nila na nagmumula sa kwintas.

Ilang sandali pa ay iminulat ko ang mga mata ko kasabay ng pagmulat ng mga kasamahan ko.

Nasitinginan kami ulit.

"Hindi nila tayo matatalo!" Sigaw ni Rampo at humarap kaming lahat sa kalaban.

Nagbago ang anyo namin. Naging kulay pula ang buhok ko pati ang aking mga mata.

Pinalabas ko ang kapangyarihan ko mula sa mga kamay ko.

"SUGOD!" Sigaw ni Huge at nagsi-puntahan samin ang mga kampon niya. Inihanda namin ang aming mga sarili at sumugod sa kanila.

This is the real war.

******
Bawi sa next UD! Hahahha. Btw, tatapusin na ni Author ito as soon as possible haha. Thanks for supporting guys! Labyu all :)

Happy 1.95K Reads!💖

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon