Chapter 54

230 9 6
                                    

Someone's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin na ikinangisi ko.

"Di ka ba masaya na nandito ako? Wag ka mag-alala, babalik rin ako sa labas. May kailangan lang akong gawin." Sabi ko at nginisian siya. Nilapitan ko siya at nagpalabas ng black smoke sa mga kamay ko.

"Anong gagawin mo?!" Nanlilisik ang mga mata niya habang nagtatanong. Muli ko siyang nginisian.

"Kailangan ko lang namang magkontrol ang katawan mo, saglit lang to." Sabi ko at humalakhak ng malakas.

"Hindi!!" Pinilit niyang kumawala sa salamin ngunit hindi niya magawa. Ibinato ko sa kanya ang itim na usok na ginawa ko. Kapag pumasok na ito sa kanyang katawan ay tuluyan ko na siyang makokontrol.

"Walang hiya ka! H-Hindi ka magtatagumpay! H-Hindi!" Pagkasabi niya nun ay agad na siyang nawalan ng malay. Humalakhak ulit ako bago ko siya talikuran.

Seems the destiny is on my side.

----

Third Person's POV

Isa nanamang laro ang kanilang napasukan. Ang laro kung saan puro kadiliman.

Hindi nila alam kung anong gagawin, ngunit kailangan nilang mahanap agad ang pintuan patungo sa panibagong laro sa loob ng dalawang oras lamang.

May mga nakulong sa loob nito na mga dating estudyante na sumubok kuhain ang 9th Sense. Pero di sila nagtagumpay dahil dito sa puntong ito.

"M-May tao ba dyan?" Kinakabahang tanong ni Drianne. Isa sa mga kahinaan niya ay ang dilim. Takot siya sa dilim.

"Sana di ka na tumuloy, hindi na tayo makakalabas pa dito." Nagulat siya ng marinig ang tinig ng isang lalaki.

"Sino ka?" Rinig niyang tumawa ito ng mahina.

"Ako si Hiro. Ikaw? Sino ka?" Napabuntong hininga si Drianne.

"Ako si Drianne, paano ka napunta dito?" Rinig ni Drianne na humakbang papunta sa kanya ang lalaki.

"Teka, Nakikita mo ako?" Tumawa ulit ang lalaki.

"I have a night-vision. Malinaw ang mga mata ko sa madidilim na lugar." Nanahimik na lamang si Drianne.

"Napunta ako dito dahil may nag-utos saming isang lalaki na kuhain ang 9th Sense. Sabi niya na kapag nakuha namin ito ay tutulungan niya kaming makamit ang aming mga pangarap. Pero, nilinlang niya kami." Kumunot ang noo ni Drianne sa narinig.

"Teka, may iba ka pang mga kasama?" Hindi man niya kita ang mukha ng lalaki ngunit ramdam niya na ngumisi ito.

"Kaya ko bang makapasok dito ng mag-isa? Atska hindi ko makukuha ang 9th Sense ng mag-isa lang. Ikaw ba? May mga kasama ka?" Dahan-dahang tumango si Drianne.

"Paano tayo makakalabas dito?" Rinig niya ang pagbuntong-hininga ng katabi niyang lalaki.

"I don't know, siguro kung alam ko wala na ako sa tabi mo ngayon diba?" Sarkastiko nitong sabi. Napaismid nalang si Drianne.

Pilosopo. Nasabi niya sa kaniyang isip.

"Pero diba malinaw ang paningin mo sa madidilim na  lugar? Bat di mo hanapin ang pinto?" Takang tanong niya dito.

"Tinatamad ako eh, atska nagpapahinga rin ako." Kumunot ang noo ni Drianne.

"Kelan ka pa ba dito?" Ngumisi muli ang lalaki.

"2 years ago? Idunno, wala namang calendar dito diba?" Sarkastiko nanaman nitong sabi.

"Tss, pilosopo." Malakas na sabi ni Drianne na siyang ikinatawa ng lalaki.

"Ikaw?" Tanong sa kanya nito.

"Hindi ba obvious? Kakapasok ko lang dito diba? It means na  kakarating ko lang dito." Sabi niya sabay inirapan ang lalaki kahit na di niya makita ito.

"Haha, pero may ang bawat segundong lumilipas ay katumbas ng isang minuto. At ang minuto ay oras. At ang oras ay dalawang araw. May palugit ang lahat ng ito Drianne. May hangganan ang lahat. May oras na nakalaan para makaalis ka sa larong ito. Kaya andito ako ngayon kasi naubusan ako ng oras. Ni hindi ko alam kung nasan ang iba ko pang mga kasamahan." Napabuntong hininga si Drianne.

"Akala ko ba tinamad ka lang?" Biglang natawa ang lalaki sa sinabi niya.

"Ang haba ng sinabi ko tas yan lang naintindihan mo? Hayy, tara na't tutulungan kitang mahanap ang pinto sa susunod na laro." Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Drianne na siyang ikinagulat nito.

"Paano ka?" Ramdam niyang lumingon sa kanya ang lalaki.

"Edi sasama." Napailing nalang si Drianne.

"Pero ang sabi mo tutulungan mo akong mahanap ang pinto, diba dapat ang sinabi mo, 'Tara na't hanapin natin ang pinto sa susunod na laro.'?" Tanong ni Drianne. Natawa nalang ang lalaki sa kanya.

"I can't believe you." Natatawang sambit nito at naglakbay na sila upang hanapin ang pinto sa gitna ng kadiliman.

Samantala, sa kabilang banda naman ay ang mga kasamahan ni Drianne at Hiro ay nagkita-kita.

Sabay sabay nilang hinanap ang pintuan sa susunod na laro.

Pero, ang hindi nila alam ay nasa iisang lugar lang silang lahat. May siyam na pintuan ang nakalagay sa loob ng Dark room. Kapag nakapasok na ang isa sa isang pintuan ay tuluyan ng magsasara ito. At kapag natira kang mag-isa sa dark room,
Hindi ka makakalabas dito hangga't walang dumadating na itinakdang makakuha muli ang ika-siyam na persepsiyon.

****

#Lame! Hahahaha. Pasensiya na kayo sa UD ni Author. Bawe nalang sa susunod! Haha siguro puro Third Person's POV nalang ako para mabilis na. Kasi tatapusin ko na po ito as soon as possible. Tapos eedit ko na po siya. So yun, hahaha maraming salamat sa mga nag-aabang ng UD ko at sa sumusubaybay. Pasensiya na at matagal ako mag UD ha?. But, siguro ngayon hindi na dahil sembreak naman. No worries! Hahaha. So di ko na papahabain pa, thank you guys! Labyu😚😘

The 9th SenseWhere stories live. Discover now