Chapter 24

391 27 7
                                    

Drianne's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at nagulat ako dahil hindi pamilyar sakin ang lugar na ito.

Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at kita ko sa sahig ang bawat bakas ng tuyot na dugo, at mga tubig na nagkalat.

Tatayo sana ako pero nakita kong nakakadena ako sa isang bakal. Nakakadena ang mga kamay at ang mga paa ko.

Nagpumiglas ako mula rito at lumikha ito ng isang ingay.

Fuq, where am I?

Bigla kong naalala na kinuha nga pala ako ni Huge kanina, nawalan ako ng malay at hindi ko alam kung saan na niya ako dinala. Pero sa isang bagay lang ako nakakasiguro, nasa ibang dimension kami.

"Huge! Pakawalan mo 'ko dito hayop ka!" Inis na sigaw ko. Patuloy kong kinakalampag ang mga kamay kong nakakadena sa bakal.

"Huge! Lumabas ka! Pakawalan mo 'ko dito!"

Ikinalampag ko rin ang mga paa ko kasabay ng aking kamay. Fuq! Paano ako makaalis dito?!

"Gising ka na pala," nakangising sabi niya.

"Pakawalan mo 'ko dito! Hayop ka!" Gigil na sigaw ko sa kaniya.

"Easy ka lang, masiyado ka namang mainipin."

Pinaikot-ikot niya sa kamay niya ang susi sa kandadong nakakabit sa kadenang nakatali sa akin.

"Do you want to see something, Amazing?" Tanong niya sakin na may halong pang-aasar.

Hindi ako sumagot sa kaniya, kaya naman tumawa siya ng mala-demonyo.

"HAHAHA! Natatakot ka na ba, Athena?"

Nagulat ako ng tawagin niya akong Athena.

"Oh, hindi mo pa pala alam?" Sarkastikong sabi niya.

"Wala akong alam sa mga walang kwentang pinagsasabi mo, pakawalan mo 'ko dito!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

May hawak siyang parang-remote na may pulang button.

Pinindot niya ito at nagulat ako dahil sa likod pala ng mga pader na kinalalagyan ko ay may mga kulungan, kulungan kung saan nandoon ang mga magulang namin nila Rampo.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita silang duguan at mga walang malay. Mas lalo akong nagpumiglas at nanggalaiti sa galit.

"A-Anong ginawa mo sa kanila?!!" Tumawa ulit siya ng mala-demonyo.

"Buti nga ay dinala kita dito, hindi ka man lang ba magpapasalamat sakin? Dinala kita dito upang makita mo sila bago ko sila patayin." Masama ko siyang tinignan.

"Wala kang kasing sama! Pakawalan mo 'ko dito! Hayop ka!" Galit at nanggigigil kong sigaw sa kaniya.

Palihim kong ginamit ang kapangyarihang meron ako upang matanggal ang mga kadenang nakatali sakin.

Ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng mga mata ko. Umiinit ang buong katawan ko pati narin ang mga kamay ko.

"You're evil, you are nothing but a demonic trash." Seryoso at may diin kong sabi sa kaniya.

"Oh really? Then if that's the case, let me show you how evil, and demonic this trash is." Sabi niya at bumuo ng itim na bola sa kamay niya. Kita ko sa loob nito ang mga matutulis na karayom at mga tinik.

Napangisi ako.

Tuluyang nawala ang pagkakatali sa akin ng kadena at tumayo ako sa harap niya.

"Okay then, let's bring it on!"

The 9th SenseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora