Chapter 46

256 18 3
                                    

Timothy's POV

Hindi ko alam kung bakit ako nandito pero.. Bakit ganun? Bakit napunta ako sa nakaraan?

Wala ako sa katawan ng kahit sino. Pero nakikita ko ang nakaraan.

Nakikita ko ang sarili ko at si Drianne.

"Athene!" Nilingon ng babae si Eros.

"Euros! Sa wakas ay nagkita din tayo!" Niyakap nila ang isa't-isa at kita sa mga mukha nila kung gaano sila kasaya.

"Hindi ako makatakas kay Distorde Aliah. Pasensiya na." Teka, akala ko ba walo lang ang mga Distorde? Hindi kaya.. Pinili lang ang makakasama sa The Great Eight? Pinili lang ba ang bibigyan ng misyon para kuhain ang The 9th Sense? Pero paano nga ba namin makukuha yun? Paano kung hindi namin alam ang itsura nun? Paano?

"Kahit anong mangyari Athene. Hinding-hindi kita susukuan. I don't care if it is forbidden! I love you. I really do." I never imagined that I'm having such a brave father. Oo, tatay ko si Euros. At hindi ko pa nakukumpirma kung anak nga ako ni Athene. Dahil sa sinabi sakin noon ni Huge ay, nakapangasawa siya ng isang mortal. Pero ang lahat ng kapangyarihan niya ay napunta saakin. Hindi ko rin alam kung nasaan ang nanay ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako.

Pero ang pinagtataka ko.

Kung kami ang susunod sa yapak nila.

Bakit kami Siyam? Bakit sobra ng isa?

"Alam ko Euros. Pero paano kung mahuli nila tayo? Paano?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Athene.

"Tatakas tayo. Tumakas tayo Athene." Nagtataka ako. Bakit Forbidden? Bakit bawal? Bakit hindi sila pwede?

"Euros.. I can't." Nanlumo ang mukha ni Euros.

"I can't leave because of this. May misyon pa tayo. Hindi natin pwedeng talikuran nalang yun! Ikakapahamak ng lahat. Dahil kapag nagmahalan tayo. Pwedeng ang anak natin ang maging kaparusahan. Mamamatay siya Euros. Mamamatay siya!" Nanghina ako sa mga narinig ko.

"Siya ang nakatakdang kumuha sa ika-siyam na persepsiyon! Siya ang nakatakdang magsakripisyo sa lahat! Siya ang nakatakdang mamatay." Umiiyak na sabi ni Athene. Sino? Sino ang nakatakdang mamatay?

Sino ang anak nila?

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi tayo pwede." Sabi ni Athene at umiiling-iling..

"Athene, please.. Don't do this to me. Mahal na mahal kita. I will protect you and our daughter. Kakalabanin ko ang visions ni Lucina. Hindi ako papayag na mangyari un. Please, Trust me." Hinawakan niya ang mukha ni Athene. Umiiyak silang dalawa at pinagdikit nila ang kanilang noo.

"Just please, let me love you for the last time. Give me this day please. Let us be happy for one day. Just today, just today." Sabi ni Euros habang may mga luhang tumutulong luha sa mga mata niya. Tumango si Athene.

"This will be the last day." Nagdilim ang lahat at nakita ko kung gaano sila kasaya nung araw na yun. Gusto kong maluha dahil sa kanila. Pero hindi eh. Hindi ako maiyak. I'm thinking who is she. Who's that person? I think kasama ko lang siya sa paligid. May hinala na ko kung sino.. Pero ayokong isipin na siya yun.

Dahil hindi ko kaya, Ikakamatay ko. Ikakamatay ko kapag nawala siya sakin.

Dumilim na ang lahat at napunta ako sa isang salamin.

Anong ginagawa ko dito?

Nagulat ako dahil nakikita ko na marami pang ibang salamin pero kamukha ko.

Clones.

I hope she picks the right one.

***

The 9th SenseWhere stories live. Discover now