Chapter 11

537 25 14
                                    

Drianne's POV

"This is it g-guys.." sabi ko. Tinignan ko silang lahat sa likuran ko.

"Tara?" Mahinang sabi ko. Nagsi-tanguan naman sila at lumapit sa gawi ko.

Binuksan ni Rampo ang pinto at bumungad samin ang madilim na silid. Pumasok kami sa loob at ang bawat yapak namin ay umiilaw. Nag-iiwan ito ng bakas. Nang makapasok na kaming lahat ay biglang sumara ang pinto.

"Waaaah mama!" Nagulat si Yvelle at kumapit sakin. Napailing nalang ako at mahinang natawa.

"So...what? Nasan na ang libro dito?" Takang tanong ni Yvelle.

"Let's just wait here." Sabi ni Rampo habang lumilingon-lingon.

Ilang segundo pa ay biglang yumanig ang paligid.

"A-Ahmm.. Drianne? Did you take off your gloves?" Tanong ni Emi. Umiling ako.

Ilang sandali pa ay may ingay kaming narinig.

*boogsh.*

"Ano yun?!" Takot na tanong ni Aubrey.

Nagulat kami ng biglang nagkaroon ng torch sa bawat gilid ng silid. At nang tuluyan na itong lumiwanag ay nakita namin ang isang matandang lalaki na nakatayo sa gitna na may hawak na malaking libro.

"Mabuti naman at dumating kayo." Hindi kami nakapagsalita.

"Halika rito." Sabi niya at tumingin sakin. Lumingon pako sa likod ko.

"Ikaw, Drianne." Nagulat ako dahil alam niya ang pangngalan ko.

Lalapit na sana ako ngunit humarang si Rampo.

"Sino ka?!" Tanong niya rito. Humakbang siya papalapit samin.

"Ako.. Ako si Dexter." Nagtinginan naman kaming lahat. Dexter?

"Ako ang tagabantay ng libro at mga kwintas na nakaalay lamang para sa inyo." Bigla siyang tumingin sakin.

"At ikaw Drianne, ikaw ang naka-takdang bumago sa mundo." Kumunot ang noo ko.

"A-Ano pong ibig niyong sabihin?" Ngumiti siya. Lumapit siya sakin at tumabi naman sa gilid ko si Rampo.

Inilahad niya ang libro sa harapan ko at bigla siyang lumuhod.

"Por favor, consigue el libro su alteza." Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya, kinuha ko parin ang libro.

"Nawa'y masagot niyan ang lahat ng katanungan, mga palaisipan, at ang totoo niyong katauhan mga kamahalan. Paalam." Sabi niya at tumayo sabay nag-bow.

Pumitik siya sa ere at sa isang iglap lang ay nasa loob na kami ng kwarto namin. Napatingin ako sa hawak kong lumang libro.

Hindi kami nakagalaw at nakapagsalita nang ilang sandali. Hanggang sa may marinig kaming ingay.

"Let's go! We need to get out of this place!" Sabi ni Akira. Agad kaming kumuha ng mga gamit namin at isinilid ito sa mga kaniya-kaniyang maleta at bag. Pagkatapos ay tumakbo kami papuntang likuran dahil nandun naka-park ang van namin. Kaagad kaming sumakay at si Rampo ang nag-drive.

"San tayo pupunta?" Tanong niya habang hinihingal.

"S-Sa condo ko." Napatingin naman sakin sila Emi.

"May condo ka?" Takang tanong ni Angelica. Napatango ako.

"Rampo alam mo ba yung Westditcher street?" Napatango siya. "Doon tayo sa may Alkhaven Building." Tumango ulit siya at namayani na ang katahimikan saming lahat.

"Ano bang nangyayare? B-Bakit ganito?" Naiiyak na saad ni Emi. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kung alam ko lang, kung alam ko lang na ganito hindi na sana ako pumasok." Sabat naman ni Yvelle.

"Saan natin sila hahanapin ngayon? A-At... A-At pano tayo matutulungan ng librong yan?" Saad ni Aubrey na umiiyak na.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa condo.

Nasa elevator kami ngayon bitbit ang mga gamit namin. Pinindot ko ang 5th floor at tahimik lang kaming lahat.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa unit ko.

Umupo kaming lahat sa sahig na tila ba pagod na pagod galing sa digmaan.

Nasa akin ngayon ang libro.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"I.. I don't know what to do." Sabi ko at sunud-sunod na nagsipatakan ang mga luha sa mata ko. Agad naman akong niyakap ni Akira at Yvelle.

"It's okay, everything will be fine." Tumango ako.

"Ang libro Drianne! Umiilaw ang libro!" Napakalas naman ako sa yakap ni Akira ng sumigaw si Emi.

Kinuha naman ni Rampo ang libro.

"T-Teka may nakasulat dito." Sabi niya at nanliit ang mga mata niya.

"Kailangan ng dugo mo Drianne." Sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ha? Bakit?" Binuklat ni Rampo ang libro at walang nakasulat doon. Puro blankong papel.

Binigay sakin ni Rampo ang libro at nakita ko ang nakasulat sa baba.

You'll need the blood of Drianne to read the secret message.

Sulat kamay 'to ni mama.

"Akin na ang kamay mo." Sabi ni Rampo at may hawak na maliit na kutsilyo.

"T-Teka san mo nakuha yan Rampo?" Kinakabahang tanong ni Kim.

"Kanina sa Stairs of Riddle. Nakita ko 'tong kasama sa mga bumagsak na kutsilyo kanina. Pero ito lang ung kakaiba kaya kinuha ko."

Napatango naman silang lahat, dahil sa kaba ay nakalimutan namin ang nangyari kanina at ang mga sugat na natamo namin.

Ibinigay ko kay Rampo ang palad ko.

"Masakit ito ng kaunti Drianne." Napatango ako at pumikit.

Naramdaman ko ang init ng kutsilyo na humihiwa sa palad ko.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko ang pagtulo ng dugo ko mula sa kamay ko papunta sa libro.

Piniga pa yun ni Rampo kaya sumakit.

"A-Aray! Masakit!!" Sabi ko. Biglang uminit ang sugat ko at parang unti-unting napapaso ang balat ko.

"Arghhh!!!" Sigaw ko at napahawak sa kamay ko.

"D-Drianne!" Tarantang tawag nila sakin. Napasigaw pa ako sa sakit. Shit! Ano 'to?! Kaunting hiwa lang yun p-pero bakit ang sakit?!

"Rampo anong g-ginawa mo?!" Rinig kong sigaw ni Angelica habang nakatingin sakin.

"Isang hiwa lang ang ginawa ko, b-bakit.. p-paanong.." hindi ko na sila naintindihan pa dahil mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko.

"AHHHH!!!" Sigaw ko. At kasabay ng pagsara ng mata ko ang pag-iilaw ng libro.

"Drianne!!!"

Everything went black.

*****

Chapter 11! Edited!😊☺☺

The 9th SenseWhere stories live. Discover now