Chapter 15

485 25 9
                                    

Drianne's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko.

"... pero hindi parin tama yun! Ang unfair naman nila!" Kung hindi ako nagkakamali ay boses yun ni Kim.

"Shh! Wag nga kayong maingay! Baka magising si Drianne!" Rinig kong sambit ni Akira. Bago pa may magsalita ulit sa kanila ay dumilat na ako.

Teka.. alam naba nila? Alam naba nila na tinanggal na ako ng school namin? Alam naba nila na, na-kick out na ako?

"Drianne!" Bigla akong niyakap ni Emi.

"Anong meron?" Maang-maangan kong tanong. Bigla namang tumingin sakin si Rampo.

"Alam na namin Drianne." Kumunot ang noo ko. "Alam ang alin?" Napabuntong hininga siya.

"Alam na namin na kinick-out kana ng school." Seryosong sabi ni Yvelle.

Ako naman ang napabuntong-hininga.

"Bakit ka pumayag Drianne?! Napaka-unfair naman nila! Dahil ba dun kaya ka nila kinick-out?!" Napatango nalang ako sa tanong ni Akira.

"But your grades! Your records ay matataas naman. Bakit naman ganun?" Inis rin na sabi ni Angelica.

"Pero teka lang, paano nila nalaman na may kapangyarihan ka?" Napatigil ako. Teka, paano nga ba?

"Hindi ko rin alam." Sagot ko sa kanila.

"Pero Drianne! Hindi pwede! Mag-reklamo tayo! Hindi pwede----" Pinutol ko ang sasabihin ni Aubrey.

"It's fine. Nag-usap na kami ni Ma'am Gina. I'm out. Para rin naman 'to sa kaligtasan ng school natin. Sa kaligtasan ng lahat. Naiintindihan ko. Naiintindihan..k-ko." Nag-crack ang boses ko sa dulo dahil sa biglang tumulo ang luha ko. Biglang tumabi sakin si Emi at Angelica.

"Gagawa tayo ng paraan, tahan na." Nginitian ko lang sila.

Kinabukasan, nandito lang ako sa higaan ko at nakatulala sa kisame. Sila Angelica naman ay pumasok na. Bigla kong naalala yung napanaginipan ko noon. Ano bang meron dun? Atsaka bakit ko nakita ang sarili kong duguan? Bakit parang binabalaan niya ako? Kanino? Saan? Kailangan ko bang mag-ingat?

Sa huli ay napagdesisyunan ko nalang na tumayo sa higaan ko at magpunta sa labas kasama ang aso na 'to.

Habang naglalakad kami dito sa village ay tinignan ko ang aso, lumuhod ako at kinarga ito.

"Ano bang magandang ipangngalan sayo?" Sinuri ko ang mukha niya at tinagilid ko ang ulo ko. At bigla akong napatingin sa leeg niya.

"Keeper!" Masayang sabi ko at bigla siyang tumahol. "Gusto mo ba ng Keeper?" Tumahol siya ng ilang beses napatawa naman ako.

"Tara na Keeper, gala tayo." Ilang lakad pa ay naisipan kong umupo muna sa may bench sa tabi. Kinandong ko naman si Keeper at napatulala sa tanawin.

Hayy, kailan kaya matatapos ang lahat ng ito? Nasan na ang pamilya namin? Nasan na sila Mama? Maayos ba sila? Anong ginagawa nila? Nakakakain ba sila ng maayos? Siguro hindi, dahil hawak sila ng isang grupo na hindi namin alam kung sino. Sana lang ay maayos sila.

Hinaplos ko ang balahibo ng aso at kinausap siya. "Keeper, ang hirap ng sitwasyon ko no?" Napabuntong hininga ako. "Salamat keeper at nandito ka para samahan ako. Nagpapasalamat ako dahil may nakakausap ako. Nagpapasalamat ako sayo Keeper, at ingatan mo yang libro ha? Dahil nandiyan ang kasagutan sa lahat." Sabi ko at tinignan ang ulo niya. Kaya nga keeper ang pinangalan ko sa kaniya dahil keeper siya ng book.

Napatingin ulit ako sa kaniya. Mukhang tulog ata ah? Teka.

Kumakausap ako ng aso? Naiintindihan niya ba ako? Maygad. Hays, bahala na.

"Mag-isa ka ata?" Napa-angat ako ng tingin at nginitian siya. "Ikaw pala, nice to see you again. At hindi ako nag-iisa, Kasama ko si Keeper." Sabi ko at tumingin sa aso. Napatango naman siya at umupo sa tabi ko. Parehas lang kaming nakatingin sa malayo.

"Gusto mo?" Napatingin ako sa isang bag ng marshmallows. Hindi ba nauubusan 'to ng stock? Buti di siya nagkaka-diabetes?

"Salamat." Sabi ko at kumuha ng marshmallows. Pagka-kagat ko ay nagulat ako dahil may nalasahan akong chocolate na parang hinaluan ng melon, basta parang ganun. At ang sarap.

"San mo nabili 'to?" Ngumiti lang siya.

"Ginagawa ko yang mga marshmallows ko." Napatigil ako sa pag-nguya at tumingin sa kaniya. "Oh talaga? Ang galing mo naman." Natawa siya at napakamot sa batok siya. "Salamat."

Ilang sandali pa ay namayani ang katahimikan.

"Bakit ka nga pala nandito? Hindi kaba papagalitan dahil wala ka sa school?" Tanong ko sa kaniya. Napakibit-balikat nalang siya.

"Nakakatamad na rin kasi minsan. Gusto ko lang muna magpahingin. Lam mo na, chill chill." Natawa nalang ako at napailing. Bigla ulit kaming natahimik at this time siya naman ang nagsalita.

"I heard that, you've been kicked out?" Napatango ako. "Yeah." Tipid na sagot ko habang ngumangata ng marshmallows.

"Mukhang may binabalak nanaman siya hays." Napatingin ako sa kaniya.

"Ha? Sino? Ano?" Gulat naman siyang napalingon sakin. "Ah wala wala." Sabi niya ulit at ngumiti. Napansin ko lang, mahilig siyang ngumiti. Pwede siguro siyang maging model? Hahaha.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may magsalita sa likuran namin.

"Nandito ka lang pala." Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

That voice. I know it belongs to him.

"Uy, p-pres hehe." Napatingin ako kay Lucas at pinagpapawisan siya. Kaya naman hinarap ko si Timothy kahit na kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

"Niyaya ko siya, kaya 'wag mo sana siyang pagalitan. Diba Lucas?" Sabi ko at lumingon ulit pabalik kay Lucas. Pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Ah o-oo. Oo niyaya niya kasi ako pres. S-sorry." Hindi ko na siya hinarap ulit at tinuon ko nalang ang pansin ko sa aso.

"Bumalik kana ng school." Nahagip naman ng gilid ng mata ko na tumango si Lucas. Tinignan ko siya at nginitian bilang paalam. Tinanguan niya lang ako at umalis na. Nilapag ko na rin si Keeper at nagising naman siya. Aalis na rin ako. Ano pa bang gagawin ko dito?

"Frucosa." Hindi ko siya pinansin at tumayo na ng bench. Hahakbang palang ako ay naramdaman ko ang kamay niya sa pulsuhan ko. Tumikhim ako upang hindi mautal at hinarap siya.

"Anong kailangan mo?" Seryosong sabi ko. "Can you please look at me?" Hindi ko siya sinunod.

"Kung wala kang kailangan aalis nako." Sabi ko at tumalikod na. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya ng biglang humigpit ito.

"Gusto kong bumalik ka sa HCU---" hindi ko na siya pinatapos. "Para saan pa? Para saan pa Mr. Florante? Diba sabi mo imortal ako? Sabi mo delikado ako. Sabi mo umalis na ako. At ngayong umalis na ako pinapabalik mo ako, ano bang problema mo? Alam mo kung wala kang magawa sa buhay at ako ang trip mo magpakamatay ka nalang. Hindi na ako babalik. Hindi na." Sabi ko at hinila ang kamay ko sa kaniya.

"Simula ngayon, hindi na kita kilala. At hindi mo na rin ako kilala. Ituring natin ang isa't-isa bilang isang taong nagkasalubong lang sa daan at di nagbatian kailanman." Sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mata niya. "Paalam."

Tinalikuran ko siya pagkatapos at umalis na kami ni Keeper.

******

Chapter 15! Edited!😊☺

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon