Chapter 45

263 16 2
                                    

Emi's POV

Hinahanap namin ngayon ni Rampo ang pinto para sa ikalawang laro.

"May ideya ka ba kung ano ang susunod na laro?" Tanong ko sa kanya.

"Wala, pero ang alam ko lang. Kailangan nating mag-ingat. Dapat labanan natin ang mga emosiyon natin. Mapaglaro ang larong ito." Tumango lang ako

Ilang minuto na ang nakalipas pero di prin namin nahahanap.

"Ilang araw naba tayo dito? Nagsasara ba ang mga pinto?" Tanong ko kay Rampo. Napatigil naman siya.

"Mag-aapat na araw na. Nung gumising ka pangatlong araw na yun. Patay." Sabay kaming tumakbo at kinalampag pa ang ibang pintuan.

"Paano kung nasaraduhan na tayo?? Paano k----" napahinto ako sa pagsasalita.

"Takot ka ba sa dilim?" Umiling ako.

"Nandun ang pinto." Sabi niya at turo sa may bakuran. Sinubukan kong gamitin ang mga kapangyarihan ko pero parang napaso lang ang kamay ko.

"Aray! Putek!!!" Sigaw ko at hinipan ito.

"Hindi natin pwedeng gamitin ang mga kapangyarihan natin dito. Mauubusan ka lang ng lakas. Tara na." Sabay kaming tumakbo papunta sa madilim na bakuran at binuksan ang nag-iisang pinto doon.

Sumalubong samin ang liwanag.

-----

Rampo's POV

Huh? Nasan ako?

Napatingin ako sa paligid at medyo madilim na. Nagtataka ako, Kung anong oras ba kami pumasok dito ay ganung oras din dito? Nakakalito.

Iginala ko ang aking paningin. Kundi ako nagkakamali, nasa isang kaharian ako. Nakita ko kasi ang mga gamit na pang-hari. Base na rin sa damit ko.

"Distorde Janus." Napalingon ako sa tumawag sakin.

Alam ko na ngayon kung ano ang larong ito.

"Ano yun?" Nagpanggap ako na, ako talaga si Janus. Kailangan ko agad mahanap ang pinto para sa susunod na laro.

"Pinapatawag po kayo nang Tagapaggabay. May pagpupulong daw pong magaganap kasama na ang iba pang Distorde." Nagulat ako.

Ibigsabihin, makikita ko sila Drianne.

"Sige, susunod na ko."

------
Emi's POV

Nagising ako nang nakaupo sa isang puno. Anong ginagawa ko dito? Tumayo ako at pinagpag ang aking damit.

Napatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot sa tabi ko.

"Distorde Hermia! Nandito lang po pala kayo. Kanina ko pa ho kayo hinahanap. May magaganap daw pong pagpupulong. Kailangan po kayo doon." Kumunot ang noo ko. Hermia? Pagpupulang? At wait ... Distorde? Wtf?

"Ha? Anong pinagsasasabi mo? Nababaliw ka na ba ateng?" Sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang kanyang noo.

Inirapan ko siya at tinalikuran. Teka, san nga ba ako pupunta?

"Hermia.." Napa-angat ako ng tingin. B-Bakit nandito s-si..

"Mama?" Napangiti siya.

"Ikaw talaga Distorde Hermia. Palagi mo nalang akong tinatawag na ganyan. Halika na at magsisimula na ang pagpupulong."

Hindi ako nakapagsalita at hinayaan siyang dalhin ako sa kung saan.

Bakit nandito si Mama? Anong laro to? At bakit Distorde Hermia ang tawag niya sakin? Hindi niya ba natatandaan na ako si Emi?

Pumasok kami sa isang palasyo at binuksan niya ang malaking pintuan.

Nagulat ako sa nakita ko. At mukhang nagulat rin sila.

Nandito sila Drianne, Angelica, Yvelle, Aubrey, Kim, Akira, at Rampo.

At ang kailangan lang naming gawin ngayon ay..

Ang makatakas sa larong ito.

***

The 9th SenseWhere stories live. Discover now