Chapter 19

387 25 7
                                    

Drianne's POV

Minulat ko ang mga mata ko at sumasakit ang ulo ko. Ano bang nangyari? Nasan ako?

Inikot ko ang paningin ko at nagulat ako dahil nakatali ako sa isang upuan.

Anong--

Teka. Si Ma'am Gina ba ang may gawa nito sakin?

Kinalabog ko ang upuan dahil nag-babaka sakali akong may makarinig sakin.

Hindi rin ako makapagsalita dahil may busal ako sa bibig ko. Shocks, anong gagawin ko?

Pumikit ako at sinubukang gamitin ang kapangyarihan ko. Please. Please makisama ka sakin ngayon.

Ilang sandali pa ang lumipas pero hindi siya gumagana. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa sobrang focus ko sa pagpapalabas ng kapangyarihan ko.

Bakit ayaw gumana?

Inulit ko ulit at unti-unti ko nang nararamdaman na umiinit na ang kamay ko.

Geez, almost there.

Napadilat agad ako ng maramdaman ang apoy sa kamay ko.

Tinapat ko ito sa taling nakatali sa kamay ko at naputol ito.

Agad kong ring inapoyan ang tali sa paa ko at ang iba pang lubid na nakatali sakin.

Pagkatapos ay agad kong tinanggal ang busal ko sa bibig.

Kung sisigaw ako dito siguradong wala namang makakarinig sakin.

Inikot ko ang paningin ko at kinalabog ang bawat sulok.

"Palabasin niyo ko dito!" Sigaw ko at patuloy na kinakalampag ang bawat sulok. Puro puti lang ang nakikita ko at wala ng iba.

Nakarinig ako ng mga yapak na papunta dito. Agad ulit akong sumigaw.

"Palabasin niyo ko!!" Sigaw ko at lumindol ang buong paligid. Geez, ito nanaman. Hindi ko nanaman ma-control ang kapangyarihan ko.

Biglang may bumukas na pinto at bumungad sakin ang isang lalaki.

"Sino ka?! Anong kailangan mo sakin?!" Sigaw ko sa kaniya. Agad akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko at handa ng ihagis sa kaniya ng biglang sumulpot si Ma'am Gina sa gilid niya.

Bigla ko silang inatake. Hindi ko na ma-control ang sarili ko. Tila ba parang may sarili na itong isip at kusa siyang kumikilos.

Nagbato ako ng Fire Ball at Earth Spears. Nagpalabas ako ng Water bomb at Air Knives. May mga bumabalot na ugat sa paligid at handa na silang lusubin nito ng biglang may binatong maliit na bolang itim si Ma'am Gina at hindi ko naiwasan yun.

Biglang nawala ang bisa ng kapangyarihan ko pero bago yun ay naka-pagpasabog ako ng malakas.

Tumalsik ako at napahiga sa sahig.

F*ck! Ang sakit ng likod ko.

Pumikit ako saglit at dumilat ulit. Nang mawala na ang usok sa paligid ay nakita ko ang nagtatakang mukha nilang dalawa.

Ano bang kailangan nila sakin? Bakit nila ako kinuha?

Nagulat ako bigla dahil para bang may nagsasalita sa isip ko.

"How can she do that?" Takang sabi ng isang babae.

Ilang sandali pa ay napagtanto kong silang dalawa yung nag-uusap. I can read their minds. And I can hear their thoughts.

"I don't know. This is a Nullifying Room. Maybe, her power is so powerful. Wala pang nakakagamit ng kapangyarihan sa loob nito pwera nalang kung i-ooff natin ang switch." Nanghihina na ako at lumalabo na rin ang paningin ko pero rinig ko parin silang dalawa.

The 9th SenseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz