Chapter 30

326 23 6
                                    

Drianne's POV

Athena..

Athena..

Nagulat ako sa nakita ko.

"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng maganda ang buhok at matangkad. Parang ksing edad ko lang siya. Medyo hawig din kami..

Imbis na sagutin niya ako ay hinawi niya ang buhok ko at inilagay sa tenga ko...

Hindi ko alam pero.. Gusto ko siyang yakapin.. Gusto kong dito nalang at huwag nang umalis pa.

"Athena..." Athena.. Narinig ko nanaman ang pangngalang iyan.

"Mahal na mahal kita...anak" natigilan ako at napatitig sa mata niya. Biglang sumakit ang ulo ko at nagbago ang lahat.

"Loving him is Forbidden! You can't love Euros, Athene! You can't!" Nagulat ako ng makita ko ang babae kanina na nakatayo sa kanyang kama at may kausap na babae.

"But why Distorde Aliah? We love each other and no one can stop us!" She shouted.

Napaatras ako sa mga nakikita ko. Why do I have this feeling na..konektado ito saakin?

Nag-iba ang paligid at napunta ako sa isang madugong labanan.

"Mga impostor! Umibig kayo ng mga Mortal! Hindi makatarungan!! Napabayaan niyo ang misyon ng dahil sa kanila! Mga walang kwenta!" Sigaw ng mga ibang tao habang nakatayo ang walong tao sa gitna.

Sila ba?

Sila ba ang The Great Eight?

"Salot ang mga Mortal! Hindi sila dapat ibigin!" Naguguluhan ako. Bawal umibig ng kapwa immortal at bawal din sa Mortal?.

"Hindi kayo ang totoong mga Distorde! Paslangin!!!" Nagulat ako ng bigla silang sinugod ng mga tao.

At nakita ko ang mumunting ilaw na nagmumula sa ulap patungo sa bukana ng bulkan.

Ang Ika-siyam na persepsiyon!!!

Tumakbo ako papunta dun at nagulat ako dahil kasbay kong tumatakbo papunta doon ung babaeng kausap ko kanina.

Nakapunta siya sa talampakan ng bundok at biglang nagkaroon ng barrier ang paligid nito.

Tumatakbo siya papuntang tuktok ng habulin siya ng isang Lalaki.

"Athennneeee! Makakasama sayo yan!!!" Sigaw nung lalaki habang patuloy din ang pagtakbo at pilit hinahabol si Athene.

Nang makarating na sa dulo si Athene ay tumigil siya at pinagmasdan ang unti-unting nawawalang ilaw.

Itinapat niya ang sarili niya sa ilaw ngunit may malakas na pagsabog ang naganap at nahila siya ni Euros.

Biglang nagbago ang paligid..

Teka ..

Nasa loob ako ng isang kwarto kung saan nanganganak si Athene.

"Kaunting ire pa Distorde Athene!" Malakas na napasigaw si Athene. At di nagtagal ay umalingawngaw ang isang iyak ng bata..

Batang babae..

"Magaling Distorde Athene!.. Ito na ho ang inyong anak." Sabi nung nagpapaanak at ibinalot ito sa tela.

Nilapitan ko sila at umupo sa gilid ng kama. Sinilip ko ang sanggol. At nagulat ako sa mga mata nito..

Umiilaw ang mga mata niya at kulay ginto ito.. Ang ganda..

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon