Chapter 62

216 8 4
                                    

Emi's POV

"Shadow Mimicry!" Sigaw ko at naging shadow ako. Nagpalipat-lipat ako ng pwesto upang lituhin ang Ophiotaurus na kalaban ko.

"Umbrakinesis!" Nagpalabas ako ng Dark ball, Dark Spears, Dark knives, Dark needles at sabay sabay na pinatama sa mga kalaban kong Ophiotaurus at snow beasts.

"Shadow manipulation!" Sigaw ko at minanipulate ang mga anino nila. Hindi naman sila makagalaw ngayon dahil kontrolado ko ang shadows nila.

"Light absorption!" Sigaw ko at pinadilim ang paligid namin.

Kinulong ko kaming lahat sa isang Dark Barrier.

"Night vision!" Sigaw ko at nakakita ako sa dilim. Napangisi ako ng umatungal sila.

"Invisibility!" Sigaw ko ulit at pumunta sa kanila ng hindi nila ako nakikita. Lumabas ako sa Dark Barrier at bumuo ng Light Ball.

"Evil banish!" Sigaw ko at pinatama ang Light Ball na hawak ko doon sa Dark Barrier. Pumutok naman ito at nawala ng parang bula.

Napangisi ako, weak monsters.

Bumaba ako sa lupa at muling hinarap ang mga evil creatures. Bakit parang kada may mamamatay ay may nadadagdag? Hays.

Nakipaglaban ako sa Echidna at.. teka! Itong aso nanaman na to?!

Agad kong pinatay ang Echidna at hinarap siya.

"Oy taong aso na tatlong kahol nalang, nagkita ulit tayo." Sabi ko at nginisian siya. Nag-anyong lobo ulit siya at nilabanan ako.

"Invisibility!" Sigaw ko at hindi niya na ako makita.

"Light Manipulation!" Minanipulate ko ang pinaka-maliwanag na liwanag sa buong mundo at pinatama un sa kanya. Nasunog naman ang ilan sa katawan niya. Umatungal siya ng malakas.

"Shadow manipulation!" Sigaw ko at kinontrol ang shadow niya. Hindi na siya makagalaw ngayon. Lumapit ako sa kaniya at naglabas ng espadang may pinaghalong liwanag at dilim.

Pinawalang-bisa ko ang Invisibility ko at tumayo sa harap niya.

"Ngayon sino sa atin ang mahina?" Seryosong sabi ko sa kanya. Pinatamaan ko pa siya ulit ng Light ball at naubo siya ng dugo.

"C-Crazy girl. H-Hindi kayo m-mananalo samin." Ngumisi pa siya bago sabihin iyon. Nginisian ko din siya.

"Okay then, let's see." Sabi ko at tinaas ang sword ko.

"Ahhhh!!!" Sigaw ko at itutusok na ko na sana sa kanya ng biglang may sumaksak sakin mula sa likod. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaki.

"Gusto mo ba malaman ang pangngalan ko?" Ngumisi siya ng umubo ako ng dugo.

""I'm Hiro." Nabitawan ko ng tuluyan ang sword ko ng hugutin niya ang espada niyang nakasaksak sakin. Tuluyan akong bumagsak sa lupa at nanghina.

Hinawakan ko ang kwintas ko at nagbabakasakaling mabibigyan pa ako nito ng lakas. Pero, namamanhid na ang buong katawan ko.

"Emi!!" Rinig kong sigaw ni Kim habang tumatakbo papunta sakin. Nanlaki ang mata ko ng makitang matatamaan na siya ng Fire Spear. Sinubukan kong mag-teleport gamit ang natitira kong lakas.

"P-Photoportation." Mahina kong sambit at pumikit ako. Nang maramdaman kong nasa harap na ako ni Kim ay agad ko siyang iniiwas sa Fire Spear at ako ang natusok nun. Muli akong napaubo ng dugo at napahiga sa lupa.

"N-No! N-No! Emi! E-Emi.." lumapit siya sakin at hinaplos ang mukha ko. Nginitian ko siya ng may mga luha sa mata.

"It's fine." Umiling siya at bumagsak ang mga luha niya sa mukha ko.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now