Chapter 12

555 25 7
                                    

Akira's POV

"What the hell?! What happened to Drianne?!" Sabi ko atska lumapit sa gawi niya. Nagulat ako dahil may mga nakita kaming spirals na umiikot-ikot sa buong katawan niya.

"Ano yan?!" Takang sigaw ni Kim at tinuro ang mga umiilaw na spirals sa katawan ni Drianne.

"Rampo anong ginawa mo?!" Sigaw ko sa kaniya. "Hiniwaan ko lang siya sa palad niya, I don't know kung bakit nangyari yun. Kung bakit sobrang sakit." Sabi niya at napasabunot nalang sa buhok niya.

"Teka, huwag muna kayong magulo." Sabi ni Emi at tinignan ng maigi ang spirals na umiilaw sa loob ng katawan ni Drianne.

"Parang may pattern silang binubuo, at nagsasama-sama sila. And they're heading to that direction." Sabi ni Rampo atska tinuro ang kamay ni Drianne kung saan ito may hiwa.

Lumapit naman dun sa Angelica. Sinuri niya yung mga umiilaw na spirals sa loob ni Drianne. At habang nakatingin siya dun ay napatingin ako kay Rampo. Nakatingin siya sa hawak niyang patalim.

"Anong klaseng patalim yan?" Tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sakin at binalik rin ang tingin niya sa patalim.

"I don't know. It looks vintage and old. Diba sabi ko nga kanina? Nakita ko lang 'to sa Stairs of Ridde." Napa-buntong hininga nalang ako.

"T-Teka guys." Nagulat kami ng biglang magsalita si Aubrey at tinuro ang kamay ni Drianne.

Nanlaki ang mata ko ng magsama-sama ang mga spirals sa katawan niya at papalabas na sila sa kamay niyang may hiwa.

"Cover your eyes!" Sigaw ni Emi at pumikit naman agad ako dahil nataranta ako. Ramdam ko ang pagliliwanag ng paligid at ang pag-init nito.

"It's gone." Sabi ni Emi. Siya lang ang nanatiling dilat samin. Hindi namin alam kung bakit hindi siya nasilaw. Nagulat ako ng mawala na ang hiwa sa kamay ni Drianne. Sinuot naman agad ni Angelica ang gloves niya.

Napatingin kami sa libro ng umilaw rin ito ng konti.

Walang nagsasalita samin at nananatili lamang kaming tulala.

What did just happened?

Tumayo naman si Rampo at binuhat si Drianne.

"Ipapasok ko lang siya sa kwarto niya, babalik rin ako." Napatango  lang kaming lahat.

Binalik ko ang tingin ko sa libro na hawak ngayon ni Kim.

"Ano nang gagawin natin ngayon?" Mahinang sambit ni Emi. Hays, nakakasakit ng ulo mag-isip kung paano nangyayare ang lahat ng 'to. Aish.

Lumabas na si Rampo galing sa kwarto ni Drianne.

"So what now?" Tanong niya.

"Hala shems, ano to?! Bakit ganito yung nakasulat?!" Kunot noo kaming napatingin kay Kim.

"Para siyang nakasulat gamit ang kakaibang paraan. Ahm, parang may code na ewan." Hinablot naman ni Aubrey ang libro kay Kim.

"Teka may mga nabasa akong iba't-ibang code na ginagamit sa internet. Wait, susubukan ko." Sabi niya. Pero ilang minuto pa ang nakalipas ay bigla niyang binagsak ang libro.

"Daeeff! Hindi katulad ng mga nabasa ko yung code na ginamit diyan." Napapikit ako sa pagka-dismaya.

"Patingin nga." Sabi ko at kinuha ang libro. Pagka-buklat ko, nakalagay sa unang page ang..

THE 9TH SENSE

Reversed Messages.

Nilipat ko sa kabilang pahina at talagang wala kang maiintindihan kahit isa. 

The 9th SenseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang