Chapter 14

500 24 8
                                    

Timothy's POV

Naiwan akong natulala sa dito rooftop.

Napaupo ako sa gilid. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Diba dapat masaya ako? Kasi..
Kasi malalayo na sa kapahamakan ang mga estudyante dito? Diba? Pero.. aish!

Sinipa ko ang batong nakita ko at tumayo. Bakit ba ako apektado ng ganito?!

Naalala ko ang sinabi niya kanina at diko maiwasang hindi masaktan. Pero bakit ba ako masasaktan?! Shit this.

Agad akong umalis sa rooftop at pumunta ako sa opisina niya.

Pagkarating ko ay binalibag ko ang pintuan, pagkabukas ay nakita ko naman siyang nakatayo ay nakangisi sakin.

"Sabi ko na nga ba't pupunta ka dito." Ngumisi ako at pumasok. Sinara ko ang pintuan at nilagyan ito ng Electric Volt para walang makaistorbo sa pag-uusap namin. Pagkatapos ay hinarap ko siya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Singhal ko sa kaniya.

"Ano bang pakialam mo?" Seryoso niyang sabi. Napa-ismid ako. "Wala ka na bang nagawa sa buhay mo kaya nantitrip ka ng buhay ng iba? Ganun ba ha?!" Galit na sabi ko sa kaniya. Sumeryoso naman ang mukha niya. "Stop this Timothy,alam mo kung ano ang binabalak ko!" Napailing ako.

"You're insane!" Sigaw ko sa kaniya. "If that's what you want to call me then fine! Pero hindi mo ako mapipigilan Timothy." Nasuntok ko ang lamesa niya.

"Napag-usapan na natin 'to hindi ba?! Ano nanaman ba to?! Ano nanaman yang ginagawa mo?!" Natawa siya ng malakas.

"Bakit? Pumayag ba ako?" Tinignan ko siya ng may galit sa mga mata ko. "Tigilan mo siya. Hayaan mo siyang mag-aral dito! Let her live peacefully! 'Wag mong gambalain ang buhay niya." Tinignan niya ako ng seryoso sa mata.

"Ikaw ang tumigil Timothy. Itigil mo 'yang kahibangan mo! Hindi siya si Athena!" Nagpalabas ako ng Lightning Bolt at binato yun sa pader niya.

"Hindi rin siya ang sagot sa pesteng gusto mo! Hindi siya ang daan para makuha mo ang gusto mo! Why don't you get it yourself?! Bakit hindi ikaw mismo ang kumuha?! Takot kaba?!" Inis na sigaw ko sa kaniya. Sinuntok naman niya ako at natumba ako. Napangisi ako ng maramdaman kong dumudugo ang labi ko.

"Talk to me with respect Timothy. Don't talk to me like you are not my son!" Tumayo ako ang mas nginisian siya.

"Then talk to me like i'm your son, treat me as your son, and respect me as your son!" Sigaw ko sa kaniya at sinipa ang upuan sa tabi ko.

"Ako ang magpapabalik sa kaniya dito, may karapatan ako. You know what I can do Mr. Charles." Sabi ko at tinanggal akong Electric bolt sa pintuan.

Bago pa ako lumabas ay tinignan ko siya. "Hindi nga siya si Athena, hindi siya ang babaeng mahal ko, but she's special to me. So don't you ever hurt Drianne, kill me first before you touch her." Seryosong sabi ko at lumabas na. Naglakad ako palayo at nagtago sa isang tabi upang mag-teleport papuntang opisina ko.

Nang makarating ako ay tinignan ko ang kwintas na ibinigay sakin ni Athena.

Ang black-stone necklace.

-------

Akira's POV

"Nasan na ba si Drianne? Magla-last sub. na." Sabi ko at lumingon-lingon. Kanina pa siya wala. First class lang siya umattend.

"Hindi ko rin alam, hindi kaya nag-cut siya ng classes?" Sabi naman ni Kim. Agad na sumagot si Rampo.

"Hindi, hindi siya magka-cut ng classes. Hindi niya ugali yun. Feeling ko may nangyari sa kaniya." Agad na hinampas ni Aubrey si Rampo. "Huwag ka ngang ganyan!" Kumunot naman ang noo ni Rampo. "I'm serious!" Napairap nalang ako sa kanilang dalawa.

"All afternoon classes can go now, the class is suspended due to an important meeting. Thank you." Napatingin naman kami sa speaker.

"Tara uwi na tayo, sa tingin ko nasa bahay na si Drianne." Sabi ni Angelica at agad na nag-ligpit ng gamit niya. Ganun din naman kami. Pagkatapos nun ay umuwe na kami at nakita namin ang sapatos ni Drianne sa lagayan.

"Nandito na nga siya." Sabi ni Yvelle at nagpunta kami ng kwarto niya. Nadatnan namin siyang mahimbing na natutulog habang katabi yung aso.

"Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya umuwe agad?" Tanong ko. Bigla namang nagsalita si Rampo.

"The school kicks her out." Nanlaki ang mata namin.

"ANO?!"

****
Chapter 14! Edited!😊☺ belated merry christmas guys and Happy new year! I love you all sensers!😊☺😘

The 9th SenseWhere stories live. Discover now