Chapter 47

247 19 8
                                    

Someone's POV

"Ano nang balita?" Tanong ko kay Jamil.

"Nakarating na sila at kasalukuyang nasa loob ng mga laro." Tinanguan ko siya.

"Pahirapan mo pa sila lalo. Hindi sila pwedeng magtagumpay." Tinignan ko siya.

"Naiintindihan mo?" Tumango siya at lumabas na. Jamil can create things. He can create everything. That's why I manipulated him.

Kakailanganin ko siya para sa mga larong hindi dapat nilang malagpasan. Lumabas ako at pinuntahan si Huge.

"Huge." Agad naman siyang tumingin sakin.

"Bakit Raghe?" Tinanguan ko siya.

"Pagkaalis ng mga bata ay napagtagumpayan kong ikulong ang kanilang mga magulang. Ngayon ay nasa ibaba na sila ng palasyo at wala ng iba pang makakatulong sa kanila. Hindi nila tayo pwedeng hadlangan upang mapatay ang mga bata. Lalong-lalo na ang nag-iisang nakatakda." Tumayo siya at tumango-tango.

"Magaling, pero nasaan na nga ba ang totoong Raghe?" Nagkibit-balikat ako.

"Patay na siguro? Ewan ko. Pagkatapos ko magbigay ng maling impormasiyon ay di ko alam kung nakabalik ba sya at natalo niya ang mga Cyclops." Ngumisi siya.

"Magaling." Tumikhim ako at sinabi ang magandang balita.

"Nakulong na ni Jamil si Timothy sa isang salamin. Yun ang huling tutung-tungan ni Drianne. Makikita niya ang pare-parehong Timothy sa loob ng mga salamin. If she picks the wrong one. Then the one of them will die, which is Timothy. But when she picks the right one. The both of them will reach the Deadly Mountain, but you know what will happen next." Napailing siya.

"Hindi dapat niya makuha ang Ika-siyam na persepsiyon." Napatango ako.

"Hind ba niya alam na mamamatay siya kapag nangyari iyon? Tsk tsk, kawawa naman ang batang iyon. Malas lang niya at siya pa ang naging anak nila Euros." Lumapit siya sa telepono at may tinawagan.

"Hello? Nasaang parte na sila ng laro?" Hinintay ko ang reaksiyon niya.

"Magaling. Sana ay umabot pa sila. Paiikliin ang oras. Isang linggo nalang ang kanilang palugit."

----
Drianne's POV

Nandito kaming lahat at magkakaharap. Walang mga bantay kundi kami lang. Pero nasaan si Timothy? Bakit wala siya dito?

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Emi.

"Paano tayo makakatakas dito?" Sabi pa ni Yvelle.

"Hindi ko ala---" bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay biglang yumanig ang paligid.

"Anong nangyayari?!" Sigaw ni Aubrey.

"Nawawalan na tayo ng oras!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Rampo.

"Pero dalawang linggo ay katumbas ng apat na araw! Papaanong nawawalan na tayo ng oras? Pangalawang araw pa lang natin dito!" Sigaw ni Akira.

"Isa lang ang ibigsabihin nito.." Mahina kong sambit. Napatingin sila sakin at biglang nagsalita si Rampo.

"Nagbago ang takbo ng laro. Nagbago ang palugit natin. Mas pinadali. At kundi ako nagkakamali, Naging isang linggo nalang ito. Katumbas ay dalawang araw." Napasinghap sila.

"Kumilos na tayo! Bilis!" Sigaw ko sa kanila. Binuksan ko ang pinto at wala kaming paki kung may mga bantay sa labas. Nilabanan namin sila at pagkatapos ay nagpatuloy kami sa paghahanap ng pinto.

Biglang lumakas pa ang pagyanig at sinamahan ng malakas na hangin.

"A-Ayun ang pinto!! Nagiging bato na! Bilisan natin!" Sigaw ni Rampo. Napatingin kami sa pinto ng bakuran. Agad kaming tumakbo dun papasok. Pilit na pinipigil ni Rampo ang pagiging bato nito. Nang makapasok na kaming lahat ay agad siyang pumasok at agad ding nagsarado ang pinto.

Pero bago pa ako makapagsalita ay nawalan na ako ng malay.

***

The 9th SenseWhere stories live. Discover now