Chapter 61

213 9 7
                                    

Akira's POV

Natigil kaming lahat sa pakikipaglaban ng biglang sumigaw si Rampo.

"Drianne!" Napatingin kaming lahat sa gawi ni Drianne. At dahil dun, nagkaroon ng pagkakataon ang mga kalaban na tamaan kami.

Tinamaan ako ng kalaban kong Cyclopes ng mga malalaki niyang kamay at tumalsik ako sa may puno.

"Arghh!" Sigaw ko at napadura ng dugo.

Psh. Pasalamat siya at nagkaroon siya ng pagkakataon. Tsk.

Sumigaw siya ng malakas habang tumutulo pa yung laway. Kadiri, sana nag-toothbrush man lang siya bago siya bumuga ng hangin sa harap ko diba? Tss, feel na feel kala mo naman mabango hininga.

Napatingin ako sa gawi ni Drianne.

Anong nangyayari sa kanya?

Gumawa ako ng malaking apoy na kasing laki ng cyclopes at inilagay siya sa loob nila. Nilagyan ko rin ng nga fire spikes sa loob at napasigaw siya.

"AHHHHH!!!" Napangisi ako. Tatakbo sana ako sa gawi ni Drianne ng masaksak ako sa likod ko. Napalingon ako kung sino ang sumaksak sakin, at nakita ko siya.

Tumulo ang mga luha sa mata ko ng ngumisi siya.

"Your emotions will be the cause of your death." Diniin ko pa lalo ang saksak niya sa akin na siyang kinagulat niya.

"You want to kill me huh?" Sabi ko at ngumisi. Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang sakit ng pagkabaon pa sakin ng sword niya. Nilabas ko ang fire sword sa kamay ko at sinaksak din siya mula sa likod.

"And now, we're even." Sabi ko at naubo ng dugo. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Yvelle ng makita niya ang sitwasyon ko.

"Shit! Akira!!" Nginitian ko siya at tuluyang pumikit.

Dito na ba magtatapos ang buhay ko?

Tss, boring.

----

Yvelle's POV

Nabitawan ko ang hawak kong Water Sword.

Nanghina ako sa nakita ko.

Galit akong tumingin sa mga kalaban ko.

"Magbabayad kayo!!!!" Sigaw ko at minanipulate ang Dark Water. The most dangerous water of all. Nag-manipulate rin ako ng mga Evil water creatures.

Pagbabayaran nila ang ginawa nila samin!

Ramdam ko ang pag-iinit ng buong katawan ko. Mas lalo pang naging mapanganib ang tubig dahil dito. Lahat ng pinaggagamitan ko dito ay namamatay, At nawawala ng parang bula.

"Let's finish this damn battle." Sabi ko sa mga kalaban ko at pinunasan ang dugong nagmumula sa noo ko.

"Hydrokinesis!!!" Sigaw ko at ramdam ko ang pag-absorb ko sa maraming tubig.

"Dehydration!" Sigaw ko at tinuro ang lahat ng kalaban ko. Agad silang nawalan ng buhay.

"Water tornadoes!!" Sigaw ko at nagpa-ikot ikot.

"Water tornadoes with water spikes!" Sigaw ko at itinuro ang kumpol ng mga alicorn.

"Die!!" Ang mga tubig na ginamit ko ay nagiging itim na lahat.

"Malakas ka pala huh?" Nagulat ako ng mapaluputan ako ng mga ugat sa paa ko. Hindi naman ako makaalis, dahil kapag ginagamitan ko sila ng Water Power ko ay lalo silang nagiging matibay.

"Earth Vs. Water? Hahaha, sa tingin mo mananalo ka sakin?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi kayo magtatagumpay! Ga*o!" Natawa siya ng malakas. Nag-teleport siya sa harap ko at hinawakan ng madiin ang pisngi ko.

"You, will never win againts us." Dinuraan ko siya sa mukha.

"Dream on!" Sigaw ko sa kanya. Napapikit naman ako ng sampalin niya ako ng malakas.

I need Angelica now.

Ginamit ko ang Telepathy ko at sinubukang kausapin si Angelica gamit ang isip ko.

Angelica, please I need your help. Ikaw lang ang maasahan ko ngayon dahil sa pesteng lalaking to hindi ako makaalis sa mga ugat niya. Please I need your help.

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong may mga papalapit saking mga taong bato.

Bigla akong nakaramdam ng pagkakawala ko sa mga ugat. Napalingon ako sa likod ko.

Angelica. Nginitian niya ako at tinuloy na niya ang pakikipaglaban sa mga Sphinx.

Hinarap ko ang mga kalaban ko at ginawa kong tubig ang katawan ko.

"Water Mimicry." Bigkas ko at agad akong naging katawang-tubig.

Kahit anong patama nila sakin ay hindi ako nasasaktan dahil sa naging tubig na nga ako.

Nagpalabas ako ng Water Spears, Water Ball, Water Spikes, at Water Bomb. Gumawa rin ako ng mga katulong kong creatures sa pakikipaglaban.

I need to win this battle. We need to win this battle no matter what. And I am willing to sacrifice my own life if needed. I will.

******

The 9th Senseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें