Chapter 8

659 27 7
                                    

Drianne's POV

Nagmulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sakin.

"Jusko!!! Drianne!" Agad akong sinunggaban ng yakap ni Aubrey kaya naman nagsilapitan ang iba.

"Huhuhu Drianne!" Kunyareng umiiyak na saad ni Yvelle.

"Okay kana ba?" Tanong naman ni Rampo. Umupo ako sa may kama at napalingon-lingon.

"Nasaan tayo?" Bumuntong hininga si Emi.

"Nasa hospital tayo, nilipat kana kasi almost 1 week ka nang tulog. Mga da-dalawang araw kang tulog sa school at di magising kaya dinala kana dito." Napatango ako.

"Anong nangyare?" Tanong ko sa kanila. Inis na kumalas si Aubrey sa pagkayakap sakin.

"Ikaw ang dapat tinatanong namin niyan! Ano bang nangyari sayo? Nagulat nalang kami buhat-buhat ka ni Timothy!" Nagulat naman ako sa narinig ko. Teka, kasama ko si Timothy?

"Wag mo nang isipin yun. Kakausapin ko lang ang doctor kung pwede na tayong umuwe." Sabi ni Rampo. Napatango nalang ako.

Ilang linggo pa ang lumipas at naging ayos na ang lahat, ganun parin ang ilang tao sa school. Pero hindi ko nalang sila pinapansin.

Hanggang sa isang araw umuwi kami galing school at nadatnan namin ang hindi inaasahang pangyayari sa bahay.

"P-Puro d-dugo..." mahinang sambit ni Kim. Napalingon-lingon naman ako.

"A-Anong nangyari dito?" Takang tanong ni Rampo.

Agad akong umakyat sa taas upang tignan ang kwarto nila Mama.

Nanghina ako ng makitang puro dugo din ang kama nila.

Kalat-kalat ang mga gamit at basag ang ilang mga picture frame.

"Aaaaahhh!!!" Nagulantang kami sa sigaw ni Angelica. Agad kaming pumunta doon at nakita ang salitang nakasulat gamit ang dugo.

I will find you.

Nanghina nang tuluyan ang mga tuhod ko. Nasan na sila? Nasan na ang mga magulang ko?

*boogsh* nagtinginan kaming lahat ng marinig ang ingay na yun galing sa kabila.

"Diyan lang kayo,ako muna ang titingin." Napatango kaming lahat. Ilang segundo pa ay bumalik si Rampo.

"I think we should watch this." Sabi niya at may pinakitang parang USB.

Isusuksok palang namin iyon sa Laptop na nandito ng biglang may marinig kaming parang nagsasalita sa kabilang dulo ng palapag na ito. Pinuntahan namin iyon at nakitang may projector na nakabukas.

"Hey kids, alam kong kapag napanuod niyo ito ay wala na kami. Don't mind us, leave that house as soon as possible. But before anything else.." sabi ni Papa. "..Find 'The 9th Sense" book inside Drianne's Room. Read it and be prepared. There are stone necklaces there that all of you needs to wear. B-But you need to decipher the code first.. You'll need to-----" biglang tumilapon ang camera at nakarinig kami ng isang malakas na pagbagsak ng isang bagay.

"Wag niyo na kaming pahirapan pa! I know na nandito lang ang tinatago niyo! Kabilang kayo sa Fruderesca Agency kaya't alam namin na nandito siya!" Sino ang hinahanap nila?

"Hindi namin alam kung sino ang hinahanap niyo!" Sigaw ni Mama.

"Wag na kayo mag-maang maangan pa!" Biglang sinuntok ng lalaking naka maskara si Mama sa tyan. Napahawak ako sa bibig ko.

M-Mama..

"Where is she?!" Biglang nagsalita si Rampo.

"Sino ang hinahanap nila?" Napakibit balikat nalang si Akira.

Napanuod namin ang iba't-ibang pagpapahirap ang ginawa nila sa mga magulang ko. Nakarinig kami ng iyak, pagmamakaawa, pagmamatigas, at iba pa.

Bago tuluyang kuhain sila papa ay tumingin muna siya sa camera.

And he mouthed. "Find it."

Biglang namatay ang video pagkatapos nun.

"Let's go to your room!!!" Sigaw ni Rampo at nagmadali kaming bumaba. Nakahiwalay kasi ang kwarto ko sa kanila.

Sinipa iyon ng malakas ni Rampo at nawasak ito.

"We need to find it! Find the book!" Tumango kaming lahat at nagsimula ng maghanap.

Ilang oras pa ang nakalipas, nahalughog na namin ang lahat pero wala rito ang libro.

"Nasan naba kasi ang librong yun!" Inis na sigaw ni Akira.

"Kaya nga! Pa-VIP!" Sigaw ni Kim.

Biglang bumalik sa isipan ko ang sinabi kanina ni Papa.

Stone necklaces? It means, pwede ko itong ma-manipulate?

"Guys guys! Lumabas muna kayo." Napatingin sila sakin.

"What?!" Napabuntong hininga ako.

"I'm gonna use my powers! Stone necklaces ang nasa loob ng librong yun. So pwede ko itong ma-manipulate." Agad na kumunot ang kilay ni Kim.

"Ano?! Nababaliw kana ba?! Paano kung mag-collapse ka nanaman diyan?! Paano kung hindi mo makontrol ang kapangyarihan mo?!" Sigaw niya sakin.

"But that is the only way Kim! Be open minded!" Sigaw sa kanya ni Akira. Sumabat naman si Aubrey.

"Open minded? Daeff?! Eh paano kung may masamang mangyari kay Drianne?! Sasabihin niyo rin na 'Be open minded'?" Inis akong napasigaw.

"Stop it! Ano ba! Mag-aaway away paba tayo dahil dito?!" Sigaw ko sa kanila. Napaismid naman si Aubrey.

"Then fine! Do whatever you want! Basta kapag may nangyaring masama sayo bahala ka!" Sabi niya at lumabas silang dalawa ni Kim. Lumapit naman sakin sila Angelica at hinagod ang likod ko.

"It's fine. Go, We'll be right back." Sabi ni Rampo at pinat ang ulo ko.

"Thanks." Umalis na sila at huminga ako ng malalim. Tinanggal ko ang gloves ko at ramdam ko ang pag-iinit nanaman ng mga kamay ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang presensiya ng kapangyarihan ko. Lumutang ako sa ere at may lumabas na parang sinulid na binubuo ng liwanag sa mga kamay ko.

Biglang lumiwanag ang buong kwarto at nagulat ako dahil biglang may pintuang bumukas galing sa likod ng kama ko.

Nawala ang liwanag at bumaba na rin ako sa sahig.

"Guys!!!" Sigaw ko at nagsipasukan sila. Niyakap naman agad ako ni Aubrey at Kim.

"Pasensiya na nagalit kami kanina. Kapakanan mo lang kasi ang iniisip namin." Napatango nalang ako.

"Okay lang, naiintindihan ko naman kayo." Napatingin si Rampo sa pintuang nakabukas.

"What was that?" Nagkibit balikat ako. Sabay sabay naming inurong ang kama ko at tinignan kung ano yung pintuang yon.

Nakita namin na may hagdan pababa.

"Woah, basement?" Manghang sambit ni Emi. Natawa naman ako.

"Tara?" Yaya ni Akira at nauna ng bumaba. Napailing nalang ako.

Nagulat ako ng iabot sakin ni Angelica ang mga gloves ko. Nginitian ko siya at sinuot ang mga ito.

Ano ba talaga ako?

Pero hindi muna yun ang importante sakin, kailangan kong mahanap ang mga magulang namin.

Kaya kung tungkol saan man ang librong iyon at ang mga kwintas, sana makatulong yun sa amin.

******

Chapter 8! Edited!😊

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon