Chapter 39

330 27 7
                                    

Akira's POV

Teka..

Tinignan ko kung saan nakahiga ngayon si Drianne.

Bakit parang.. gusto kong maniwala sa kanya?

Bakit parang alam kong nangyari rin yung mga yun?

Bakit parang may mali?

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Bigla akong napapikit.

Nasan ako?

Naglakad ako at nakita ko ang mga kaibigan ko na nakahiga sa tabi nang mga puno at tila nagpapahinga.

Bakit ko nakikita ang mga ito?

Bigla akong napatingin sa sarili ko.

Nagliliyab ako sa apoy at biglang may umilaw sa gilid ko. Lalapitan ko sana nang biglang nagdilim ang lahat.

"Akira!" Nagulat ako sa sigaw ni Kim.

Napalingon ako sa paligid, atska ko naalala na..

Nasa hospital nga pala kami.

Tinignan ko ulit si Drianne.

Ung panaginip niya..

Napanaginipan ko rin, pero mas pinili ko nalang na huwag sabihin.

Kung totoong nangyari iyon. Ibigsabihin, totoong may mission talaga kami? Totoo na kailangan naming kuhain yung The 9th Sense?.

Pero bakit ganito? Bakit parang kami lang ni Drianne ang nakakaalala? Bakit parang kami lang ang nagkaroon nang panaginip na yun dito? Bakit parang..

"A..kira.." napatingin ako kay Drianne.

Tatawagin ko sana sila Rampo. Pero nagulat ako nang kami nalang ni Drianne ang nasa kwarto. Nagsimula na akong kabahan.

"A..kira.." hinawakan ko ang kamay ni Drianne.

"Drianne! Anong nangyayari? B-Bakit----?" Napatigil ako nang marinig ang ibinuling niya.

"1st...stage.. Level..one."

Now it makes sense.

The game has finally begin.

***
(AN: Bago po ako mag-proceed sa next chapter, gusto ko lang po i-explain yung mga mangyayari. Magiging komplikado po kase siguro para sa inyo yung mga mangyayari sa The 9th Sense. Kaya ito po yung parang summarization ng mga magaganap sa story ko.)

Third Person's POV

Matapos nilang mailigtas si Drianne mula sa nilalang na nagmula sa Dagat nang Hukay ay nagpahinga muna silang lahat sa tabi nang mga puno.

Hindi nila alam na may oras na nakalaan sa kanila para sa unang laro.

Habang nagpapahinga sila ay di nila namamalayan na unti-unti nang nag-uumpisa ang laro.

May lumalabas na liwanag sa kanilang gilid o harapan at dadalhin sila sa kani-kanilang laro. Kung saan, ang mga kasama o ang mga napili lang na katuwang ang magkakaintindihan at makakaalala nang kanilang mission.

Ang unang laro ay tungkol sa aakalain nilang panaginip lang ang lahat. Aakalain nila na hindi totoo ang mga pangyayari. Aakalain nila na isa lamang iyong mahabang panaginip at magpapatuloy lang sila sa kanilang nakagisnan na pamumuhay. Kung saan wala pa silang kapangyarihan at hindi pa nila nalalaman ang mga iyon. Ngunit, ang dalawang magkatuwang lamang sa laro ang makakaalala nang lahat. Aakalain nang dalawang ito na normal ang lahat. Na kasama nila ang kanilang mga kaibigan at normal na namumuhay sa mundo nang mga mortal.

Pero oras na malaman nang isa ang katotohanan ay yun na ang magiging katapusan nang laro.

Pero, kailangan nilang mahanap ang lagusan papunta sa ikalawang laro.

Pero sa pagkakataong iyon..

Maaring magkahiwa-hiwalay na ang lahat.

Ang dalawang magkatuwang sa bawat unang laro ay magkakahiwalay. Iba't-iba din ang mga pangyayaring nagaganap sa bawat dalawang magkatuwang.

Sa iba't- ibang lugar sila nadadala o kung saan man.

Ang oras sa larong ito ay sadyang mabilis.

Ang minuto ay nagiging segundo.

Ang isang oras ay nagiging minuto.

Ang isang araw ay nagiging isang oras.

Ang isang linggo ay nagiging dalawang araw.

Kapag umabot nang dalawang linggo at hindi pa nakakalagpas ang dalawang magkatuwang sa unang laro ay maari na silang hindi makalabas dito o hindi kaya, dito na mawaksi ang kanilang buhay.

Ngunit sa larong ito..

Merong isang walang katuwang. Kaya magiging mahirap ito sa kanya. Kailangan niyang malaman agad ang katotohanan upang mahanap ang nakatagong lagusan. Hindi magiging madali ito sa kanya dahil mag-isa lang siya.

Pero ito na ang umpisa nang kanilang pagsubok.

Ang pagsubok na sila mismo ang magiging daan upang malagpasan ito.

***

There you go Readers! Hehehe. Sorry na, naguguluhan padin ba kayo? Well kung ganun, basahin niyo nalang ulit! Hahaha. De joke. But anyways, if you like this chapter, Please vote and comment. Kung nagustuhan niyo lang! Haha. If not, okay lang kahit wala nang votes and comments. Sapat naman na sakin yung mabasa niyo ito. Atleast dba? Haha. So yun lang, kitakits sa next UD! Mwapsh! Labyu all.

Btw, kamusta naman pala yung mga characters natin diyan? Binabasa niyo paba to? Haha!. You can follow them too! Ito yung mga accounts nila.

prein_18-Akira
CasseyDiane24204-Yvelle
im_tine04-Aubrey
angeldalmaciolopez-Kim
EthanGrey1205-Rampo
ElyzaQuirao9-Emi
_AngelKeithley-Angelica

Btw, Si Timothy and Drianne ay ginawa ko.😂 So, no choice kayo kundi i-follow ako! De jk. Masiyado nang mahaba ang say ko. Haha. Babayuu na!😊😘

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon