Chapter 55

217 9 7
                                    

Drianne's POV

Hanggang ngayon ay nangangapa parin kami sa dilim ni Hiro.

"Hiro? Hindi mo parin ba nahahanap ang pinto?" Bumuntong hininga siya.

"Sa tingin mo ba kung nahanap ko na nandito pa tayo?" Inirapan ko nalang siya. Jusq, bat ba ako nagkaroon ng kasama na ganito? Pero teka, lumilinaw ba ang mata ko sa dilim?

Napahinto ako sa paglalakad.

Akala ko ba bawal ang kapangyarihan dito sa loob? Haist! Bat di ko agad napansin na nagamit ni Hiro ang isa sa ability niya? Nakakainis!

Pero teka, nakakakita na ako sa dilim!

"Bakit ka huminto?" Nilibot ko ang paningin ko. Pagkatapos ay tinignan ko siya na bahagya niyang ikinagulat.

"T-Teka, nakikita moko??" Bahagya akong ngumisi. Nakalimutan ko na may Copying Magic nga pala ako.

Binitawan ko ang kamay niya.

"Tara na, nakakakita na ako sa dilim." Nanlalaki parin ang mata niyang nakatingin sakin.

"W-What the f-f----" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Shut up! Halika na! Nauubusan na tayo ng oras!" Sabi ko at muling hinila ang kamay niya. Narinig ko naman ang sarkastiko niyang pagtawa.

"Chansing pa." Tinignan ko siya ng matalim.

"Urrghh!!!" Natawa siya at pinisil ang pisngi ko. Hinampas ko ang kamay niya.

"We have no time for this!" Bigla akong nagulat sa sinabi ko. Mas lalong lumaki ang ngisi sa mukha niya.

"What do you mean?" Nakangisi niyang sabi. Tinalikuran ko nalang siya.

"Hey wait! Hahahaha! Okay, okay. I'm sorry." Di ko siya pinansin at luminga-linga nalang. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at nilapit ang mukha niya sa may tenga ko.

"So, can we continue it after this?" Tinulak ko siya at sinapak sa dibdib.

"Umayos ka! Baka nakakalimutan mong kakakilala palang natin. At hindi mo pa alam ang kaya kong gawin." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Woah, I'm scared really!" Inirapan ko nalang siya ulit. Hays! Nakakairita.

Hanggang sa bigla nalang tumahimik ang paglalakbay namin. Napatingin ako sa kaniya at diretso lang ang tingin niya. Ako lang ata ang palinga-linga dito ah? Napailing ako.

"Kung nagtataka ka kung bakit diretso lang ako nakatingin, bat di ka magtanong?" Napabuntong hininga nalang ako.

"Why?" Humarap siya sakin habang nakapamulsa ang kanyang dalawang kamay sa pantalon niya.

"Because we are inside of this bullshit tunnel." Nagulat ako ng magmura siya. Okay, bat paba ako magugulat? Hays.

"Akala ko ba nakakakita kana sa dilim? Bat di mo nahahalata ang paligid?" Sabi niya at muling tumingin ng diretso sa harap. Di ko nalang siya sinagot.

Hanggang sa ilang sandali pa ay nakakita ako ng liwanag. Bigla kong niyugyog ang katabi ko.

"Hiro, tignan mo!!" Sabi ko at tinuro ang pinto. Hinawakan niyang muli ang kamay ko at sabay kaming tumakbo.

"Here we comeee!!" Sigaw niya na ikinatawa ko. Hindi naman pala mahirap dito sa level na to. Kahit papano ay gumaan naman ang loob ko, kahit sandali lang.

"Congratulations! You succeed to pass the 1st Stage! You may now proceed to the 2nd Stage, First level."

Napangiti ako.

Konting sandali nalang. Mararating ko na ang Ika-siyam na persepsiyon. Konti nalang.

****

Short UD muna!☺😊😊.

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon