Chapter 40

293 23 2
                                    

Aubrey's POV

Nandito kami ngayon nila Drianne sa may dalampasigan. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong paniwalaan.

Alam kong panaginip ang iyon pero bakit hindi ko maiwasang hindi isipin palagi yun?

May mission ba talaga kami?

Kailangan ba talaga naming kuhain yung The 9th Sense eklabush na yun?

Hayy. Nakakasira nang ulo.

"Huy." Napalingon ako kay Yvelle.

"Yvelle, naniniwala kaba sakin?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at tumingin nalang sa dagat na nasa harap namin.

"Aubrey.. may sasabihin ako sayo." Kumunot ang noo ko at lumingon siya sakin.

"Ang mga napanaginipan mo ay.." bumilis ang tibok nang puso ko.

Hindi kaya..

"Ang mga napanaginipan mo ay.... isa lamang panaginip." Napabuntong hininga ako at tinignan nalang ang dagat sa haarapan ko.

Bakit ba lahat nang nasa paligid ko ay hindi ako pinaniniwalaan? Hindi ako naiintindihan?

"Pero..---" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko nang biglang tumabi sakin si Angelica.

"Sige, mauuna na ako. Mag-usap na muna kayo." Sabi ni Yvelle at umalis na.

Hinawakan ni Angelica ang kamay ko.

"Napanaginipan ko din lahat nang napanaginipan mo." Gulat akong tumingin sa kanya.

"Ibigsabihin ba..totoo talaga ang mga nangyari doon? Kung ganun.." nagkatinginan kaming dalawa.

"1st Stage, level one." Sabay naming sabi at biglang nawala ang mga tao sa paligid namin.

***
Kim's POV

Nandito kami ngayon nila Emi sa bahay. Iniintay namin sila Mama na dumating.

Pero, nagtataka parin ako. Bakit kase may napanaginipan akong ganun? Mukha lang tuloy akong timang para sa kanila. Akala nila gumagawa ako nang kwento, Eh hindi naman! Nakakainis lang. Psh.

"Oh! Nakabusangot ka nanaman!" Sabi sakin ni Drianne at inakbayan ako.

"Kung ano man yung napanaginipan mo Kim, panaginip lang yun ha? Walang ibigsabihin yun." Tumango nalang ako para matago yung inis ko. Bakit ba kse ganito yung nararamdaman ko about sa panaginip ko? Bakit ba gusto ko sila paniwalain na totoong mga nangyari yun? Nababaliw na nga siguro ako. Dreams are just Dreams. Wala nga sigurong ibigsabihin yun.

"Hayy, okay. Masiyado lang talaga akong nadala sa panaginip ko. Pasensiya na kayo." Sabi ko kay Drianne. Niyakap naman niya ako.

"Okay lang yan. O sige, mauna na muna ako sa kwarto ko ha? Maiwan muna kita dito." Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa panunuod nang TV. Haist! Mas mabuti nga sigurong kalimutan nalang yung panaginip na yu----

"Kim!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Hala? Wala namang tao ah! Nasa kwarto silang lahat.

"Psst! Kim!" Tinakip ko agad sa mukha ko ung unan na yakap-yakap ko.

"Waaahh! Mama! Huhuhu!" Antagal naman dumating nila mama! Pumikit lang ako nang mariin at nagdasal.

"Kiiiimm!" Napatigil ako sa pagdadasal.

"Yvelle?" Takang tanong ko nang makilala ko ang boses niya.

"Oo! Aish! Tara ditoo!" Lumingon-lingon ulit ako sa paligid ko pero diko siya nakita.

"Huh? Nasan ka?" Sabi ko at tumayo.

"Nasa baba." Napatingin ako sa ilalim nang lamesa at muntik nang mapasigaw dahil nakadungaw yung ulo niya.

"Jusko ka Yvelle!! Papatayin mo ako sa gulat eh!" Sabi ko at binato siya nang hawak kong unan.

"Aray ko naman! Peste to! Parehas kayo ni Aubrey eh!" Lumabas siya sa ilalim nang lamesa.

"Bakit kase nasa ilalim ka nang lamesa?! Nakabuhaghag pa yang buhok mo! Nagmumukha ka tuloy multo!" Sabi ko sa kanya. Sinamaan niya lang ako nang tingin.

"Gaga!" Sabi niya at hinila ako papunta sa labas nang bahay. Pagkalabas namin ay agad siyang humarap sakin. Ang creepy talaga netong si Yvelle eh. Akala naman niya cool ang magkaroon na buhaghag na buhok? Lalo na't maggagabi pa? Mapagkamalan pa siyang adik sa daan kung lalabas siya eh.

"Ganito kase yun! Aish! Kagabi pa ako nababagabag sa panaginip mo eh!" Kumunot ang noo ko.

"Bakit ka naman mababagabag sa panaginip ko? Ikaw ba nanaginip nun at hindi ako? Wow. Amazing!" Sabi ko sa kanya. Sinamaan niya ulit ako nang tingin.

"Gaga ka talaga kahit kailan! Hindi yun!" Sabi niya at ginulo pa lalo ang buhok niya.

"Hala siya? Naligo kana ba?" Sabi ko sa kanya. Napa-padyak naman siya sa inis.

"Hayys! Hindi na importante yun ngayon kung naligo ako o hindi! May problema kse ako! At sa tingin ko.. parehas tayo." Nanlaki ang mata ko.

"Hoy! Wag mo nga akong idamay diyan sa kababuyan mo! Naligo ako noh! Kaderder ka naman Beatrice!" Sabi ko at medyo lumayo sa kanya nang kaunti.

"Haaaist! Gaga ka talaga to the pempem and back!" Sigaw niya sakin.

"Teka, Pipay ikaw ba yan?" Sabi ko at tinitigan ang mukha niya. Hindi naman siya ka-amoy ni Pipay kahit di siya naligo.

"Ano ba Kim! Umayos ka nga!" Nanahimik na ako dahil mukhang sobrang naiinis na siya.

"Okay sureh! Ano ba kase yun? Saan tayo parehas?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako sa mga mata ko.

"Oyy oy oy! Di tayo talo ano ba!" Sigaw ko sa kanya at hinarangan ang mukha ko. Binatukan naman niya ako nang malakas.

"Gaga ka talaga! Mas gaga pa sa mga gaga at sa gumawa nang salitang gaga! Mas gaga ka pa kay Lady Gaga!" Nag-poker face nalang ako.

"Pok-pok-pok-pok-pok-pok-pok-pok poker face! Yamaha-ha!" Sabi ko habang may action pa. Nakita ko naman na kinuha niya yung tsinelas niya at handa nang ihampas sakin.

"Waaahh joke lang! Ano ba kase yun?" Sabi ko sa kanya. Binaba naman niya yung tsinelas niya. Tumingin siya sa malayo.

"Parehas tayong may napanaginipan na ganun." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano? A-Anong ibig mong sabihin?" Bumuntong-hininga siya.

"Tama ka nang iniisip Kim, parehas tayong napanaginipan ang panaginip na yun. At sa tingin ko totoo lahat nang yun." Kung ganun.. tinignan ko siya.

"1st stage..Level one" sabi ko nang mahina. Tumango siya at biglang nawala ang mga tao sa paligid namin. Tanging kaming dalawa lang ang natira.

****

Korni mag-joke ni Author pag-pasensiyahan na! Hahaha. Ge, bye😉😂😂

The 9th SenseWhere stories live. Discover now