Chapter 63

218 10 9
                                    

Drianne's POV

Sinubukan kong ikulong siya sa illusyon. At, sinubukan kong ipaalala sa kanya kung sino ako.

Pero wala, hindi niya parin ako maalala.

Hindi na niya ako kilala.

Natigilan ang lahat ng may biglang sumigaw.

"Nawawala na ang ika-siyam na persepsiyon!" Napalingon ako ng makita ang liwanag na nagmumula sa taas ng bundok.

Sinubukan kong mag-pumiglas mula sa Lightning Chain niya pero napapasigaw lang ako sa hapdi.

"Arrrghhh!!!" Sigaw ko at napadura ng dugo. Sinubukan kong pumikit at tawagin ang white dragon na nasa kwintas ko pero hindi ko magawa.

Inangat ni Timothy ang mukha ko at diniinan ang hawak dito.

Tinitigan ko siya sa mata.

"L-Lumaban k-ka..T..T-Timo..thy.." ngumisi siya.

Itinaas niya ang kamay niya sa langit at kita ko ang naglalakihang mga kidlat ang nagsilabasan mula sa mga ulap.

"Drianne!!" Rinig kong sigaw nila. Pumikit ako at pinakiramdaman ang presensiya ng kwintas.

I need you.. please.. I need you now..

Biglang lumiwanag ang kwintas ko at naging dahilan yun ng pagdilat ko.

Napaatras si Timothy sa liwanag at lumabas doon ang white dragon ko.

Natanggal din ang Lightning Chain na nakapulupot sakin.

Humarap sakin ang White Dragon ko at Nag-bow.

Nginitian ko siya.

Inatake siya ni Timothy at naglaban sila.

"Drianne!" Lumapit sakin sila Rampo at inalalayan ako.

"Kailangan kong makuha ang 9th Sense. Alam ko na ngayon kung para saan ito." Napatingin ako sa taas ng bundok.

"Body-awareness. Kapag nawala satin ang body awareness na ito ay wala na tayong mararamdaman na kahit ano, mawawalan ng silbi ang buhay natin. Makokontrol ng masasamang tao ang buhay natin. I need to get it." Tumango si Rampo at Aubrey.

"Nasan ang iba?" Tanong ko sa kanila.

Tumulo naman ang mga luha sa mata ni Aubrey.

"W-Wala na si Akira.. W-Wala na rin si Emi.. Malubha ang lagay ni Yvelle at Kim." Tumulo ang luha mula sa mga mata ko.

"We will win this battle." Sabi ko at niyakap sila.

"I need to go. Please be safe." Sabi ko at gumawa ng mga clones. Nagpalabas ako ng maraming creatures upang tulungan sila Rampo sa pakikipaglaban.

Tinignan kong muli si Timothy sa huling sandali. At muling tumulo ang nga luha sa mata ko.

Hindi ko siya kayang saktan.

Mahal kita Timothy.

Tumalikod na ako at tumakbo papunta sa Deadly Mountain.

Wala pa ako sa kalahati ay may biglang humarang sakin.

Nagulat ako ng makita ko siya.

"L..L-Lucas?" Takang tanong ko.

Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Nagkita tayong muli.." Napailing ako.

"H-Hindi..." Ngumisi siya.

"Mahina ka pa rin ba Drianne?" Napaatras ako ng mag-iba ang kulay ng mga mata niya.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now