Chapter 27

380 24 3
                                    

Drianne's POV

Nakasakay kami ngayon sa isang sasakyan. Para siyang kotse pag tinignan mo sa labas, pero kapag nasa loob kana, makikita mo ang iba't-ibang monitor na nakakabit dito. May mga gamit din na hindi pamilyar sakin. At kakaiba ang pagpapatakbong ginagawa ni Papa sa sasakyan na ito.

"Congratulations! You may enter the portal of Luzia Kingdom now."

Napalingon kaming lahat sa harapan ng makitang may nagsalitang kung ano sa monitor at pinakita nito ang portal na malapit samin.

Minaneho naman ni Papa ang kotse na 'to papunta sa portal.

"Teka, Raghe! May kalaban!"

Napalingon kaming lahat kay Tita Greydel ng bigla siyang sumigaw.

Nakita namin sa monitor ang mga kakaibang creatures na humahabol samin.

Biglang yumanig sa loob ng kotse dahil may sumampang halimaw sa ibabaw nito.

"Nasundan tayo!"

Huli kong narinig bago tuluyang mawalan ng malay.

---

Timothy's POV

"Thank you po sa pagpapatuloy niyo sakin dito sa paaralang ito. Nandito po ako para pormal na magpaalam, nakita ko na po ang hinahanap ko." Sabi ko habang nakangiti kay Ma'am Rosalia.

"Okay Mr. Florante, masaya ako't nahanap mo na siya. Tinatanggap ko ang desisyon mo. Lagi kang mag-iingat." Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Mauuna na po ako." Tinanguan niya rin ako at nginitian.

Lumabas na ako ng office ni Ma'am Rosalia at agad na sumakay sa kotse ko.

Kamusta na kaya si Drianne? Maayos na kaya ang kalagayan niya?

Hindi parin mawala sa isip ko 'yung tungkol sa kwintas. Bakit Athena ang nakasulat sa kwintas niya? Hindi kaya, siya si Athena?

Napabuntong-hininga ako. Kung alam ko lang sana kung bakit siya nawala noon. Kung naaalala ko lang kung paano kami nagkakilala noon, edi sana hindi ako nahihirapan ngayon.

Wala akong pinagbabasehan na iba kundi ang mga mata niya, tanging ang mga mata lang ni Athena ang naaalala ko. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala sa alaala ko ang mukha niya.

Nakakainis.

Who will fix me now?
Dive in when I'm down?
Save me from myself
Don't let me drown--

Agad kong sinagot ang tawag sa cellphone ko ng makitang si Jamil ito.

"Bakit?"

(May dumating na bisita dito, Boss) kumunot ang noo ko.

"Wala akong inaasahang bisita, sino sila?"

(Sabi po ng kumausap sakin ay sila Rafael daw po. Tito niyo raw po siya. Nandito rin po ang mga kaibigan niya at ang mga anak nila. Duguan po sila at puro sugat. Mukhang napalaban po ata.) Agad na nanlaki ang mata ko.

"Sige, hinatayin niyo ako. Papunta nako. Tawagin mo ang ilang babaylan sa kaharian, ipagamot mo sila."

(Okay po, Boss.)

Si Jamil ang pinagkakatiwalaan kong tauhan sa Luzerpa. Siya ang kanang kamay ko sa ibang dimension.

Agad akong nagbukas ng portal malapit dito at pumasok doon.

Hintayin mo 'ko, Frucosa. Pagdating ko diyan ay aalamin ko ang lahat ng gusto kong malaman.

Hintayin mo 'ko, Athena.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now