Chapter 10

532 27 13
                                    

Drianne's POV

Ilang oras na rin ang naitagal namin dito. Sobrang pagod na kami at habang patagal ng patagal, nababawasan ang time limit. May natitira pa kaming 9 riddles para sagutan. Nakakapagod na sa totoo lang. Kung pwede lang tumakbo papataas at umalis na sa hagdanang ito eh. Kaso, ngayon paba ako susuko? Ngayon paba kami susuko? Kung kailan malapit na naming marating ang baba?

"Letter W." Matamlay na sagot ni Kim at naglaho ang mga letra. "Congratulations!" We still have 8 riddles to go.. mabuti nalang at wala pang nagkakamali samin. At hindi namin alam ang maaring mangyari kapag may nagkamali samin.

You always find me in the past. I can be created in the present, But the future can never taint me. What am I?

"Your timer starts now." Umandar na ang time limit at lahat kami tahimik lang na nag-iisip. 30 seconds lang ang time limit namin ngayon.

"Napapagod na ako." Sabi ni Yvelle at umupo na silang dalawa ni Kim sa baitang na tinatapakan namin ngayon.

"Pero ngayon paba tayo susuko? Konti nalang makukuha na natin ang libro." Sabi naman ni Akira. Sumang-ayon naman sila Angelica.

"The time's running." Sabi ni Rampo at napatingin kami sa timer na 15 seconds nalang.

Lumapit si Angelica sa riddle at may lumabas ulit na parang laser at ini-scan siya. Huminto ang timer at naghihintay na ito ng sagot niya.

"Memories?" Napatayo kami ng biglang maglaho ang mga letra. "I'm sorry, your answer is wrong." Nanlaki ang mata namin ng biglang yumanig ang lupa at may naglabasang matutulis na kutsilyo galing sa taas. Para siyang umuulan ng matutulis na kutsilyo.

"Arghh!!" Nagulat ako ng natamaan si Aubrey.

"Aubrey!" Sigaw ko at umiiwas iwas sa mga bumabagsak na kutsilyo. Sumigaw naman si Rampo at napatingin ako sa kaniya.

"Think of the answer!! Umaandar ang timer!" Gulat akong nakatingin sa riddle. Shit! 10 seconds.

Biglang sumikip ang pader at nadaplisan na kaming lahat ng kutsilyo.

You always find me in the past?
Can be created to the present...

Wait..

"HISTORYY!!!" I shouted it as loud as I can. Kaso hindi parin humihinto ang timer. Shit shit shit! 5 seconds to go!!

Tumakbo ako papalapit dun at ini-scan ako ng laser light at huminto ang timer sa 3 seconds.

Yumayanig parin ang lupa at patuloy parin ang paglaglag ng mga kutsilyo galing sa taas.

"History.." Hinang-hina kong sabi. Tumigil naman ang pagsikip ng pader at paglaglag ng mga kutsilyo galing sa taas. Bumalik sa normal ang lahat. Pero yung mga galos namin ay nanatili samin.

"Congratulations!" Napahinga kami ng maluwag. Nanlumo ako ng makitang umiiyak si Angelica at Aubrey.

"I'm sorry guys.." Bigla kong sinabi at niyakap sila.

"Sorry dahil hindi agad ako nakasagot." Niyakap naman nila ako.

"Walang may kasalanan." Sabi naman ni Kim at nginitian ako.

Kumalas ako sa yakap at nginitian sila.

"Magpahinga nalang muna kayo. Ako na ang sasagot sa natitirang mga bugtong." Nginitian naman nila ako. Humarap ako sa susunod na baitang at tatapak na sana dito ng biglang sumulpot si Rampo sa tabi ko.

"Sasamahan kita." Nginitian ko nalang siya at tumango.

Sabay kaming tumapak sa baitang na yun at lumabas ang panibagong bugtong.

I am the beginning of everything, the end of time and space, the beginning of every end, and the end of every place. What am I?

"Your timer starts now." Tumitig ako nang ilang segundo sa riddle. At ilang sandali pa ay nagkatinginan kami ni Rampo at sabay na sinabi ang sagot.

"Letter E." Biglang naglaho ang mga letra. "Congratulations!" Napangiti naman ako. We need to get that book.

Ilang sandali pa ang nagdaan at heto na, nasa harap na namin ang huling bugtong.

Look at me. I can bring a smile on your face, a tear to your eye, or even a thought to your mind. But, I can't be seen. What am I?

"Your timer starts now." Napabuntong hininga ako. I..miss my mom..

"Hey.." napatingin ako kay Rampo.

"I want to quit." Sabi ko at napaupo sa baitang.

"Wag tayong sumuko, huling bugtong na to oh." Napangiti nalang ako at napayuko.

"Tatagan mo ang loob mo Drianne. We can do this. We can do this for our family. " Pagkasabi niya nun ay biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi sakin ni Mama.

Huwag kang susuko sa kahit anong bagay anak. Tandaan mo, kapalit nito ang walang humpay na saya. Sanayin mo ang sarili mo sa hirap. Magtiwala ka, dahil walang problema ang hindi nalalagpasan. Huwag kang susuko. Huwag. Dahil kapalit ng hirap na yun, ay may magandang resulta."

"Gusto na nating sumuko lahat, oo alam ko. Kung pwede lang tumakbo tayo papa-akyat at umalis nalang eh. Pero hindi Drianne, we have a task to do. We have a mission to accomplish. At kailangan nating matapos yun. Kailangan nating labanan ang hirap at wag magpadala sa sarili nating emosyon." Napatingin ako sa kaniya.

"Come on, we still have 10 more seconds." Napangiti ako at tumayo.

Ini-scan naman ako ng laser at sinagot ko ang bugtong.

"Memories.." nawala ito ng parang bula. "Congratulations!"

Napangiti at napahinga kami ng maluwag lahat dahil sa sobrang saya.

Dahil ngayon ay nakaharap kaming lahat sa pintuang may nakasulat na...

The 9th Sense.

********

Chapter 10 edited! Sorry for the delay!😊

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon