Chapter 56

229 9 9
                                    

Akira's POV

Inis kong tinignan yung lalaki sa harap ko.

Hays, masiyadong mahangin! Nakakainis! Sarap batuhin ng apoy!

"Oy miss? Natulala ka na ba sa kagwapuhan ko?" Napairap nalang ulit ako.

"Excuse me? For your information, wag mo akong galitin dahil kapag nagalit ako baka mapaulanan kita ng apoy diyan sa kinatatayuan mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Easy ka lang! Eto naman." Napairap nalang ulit ako at nagsimula ng maglakad. Asan naba kasi ung pintuan na yun? Kainis naman! Gusto ko ng makalabas dito!

"Btw, I'm Skyler." Di ko siya pinansin.

"Psst, uy?" Kalabit niya sakin. Agad kong iwinasik ang kamay niya.

"Ano ba?! Nakakainis kana ah!" Sabi ko sa kanya.

"Sorry na po. Di na mauulit." Di ko nalang siya ulit pinansin.

"Alam mo ba? Mahigit ilang taon na rin akong nandito." Tinignan ko siya.

"Share mo lang?" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha, yep. At kahit wala kang pake, iku-kuwento ko parin kung bakit kami napunta dito." Di ko nalang siya sinagot kasi na-curious din ako.

"Nag-aaral kami sa Huge Charles University. Walo kaming magkakaibigan. Ako, si Hiro, Alexander, Blake, Drey, Lyssa, Giovanni, at Gabriel." Huminto muna siya saglit at tumingin ng diretso sa harap namin. Habang nagkukwento pala siya ay naglalakad kami. Sa tingin ko ay nasa isang tunnel kami, at nasa dulo nito ang pintuan. Pero teka sa HCU rin sila nanggaling?

"Kinuha kami noon ni Headmaster Jake at Ma'am Gina para dito sa misyon na ito. Sabi nila kapag napagtagumpayan namin ay tutulungan nilang makamit ang aming mga pangarap. At mas lalo pang ie-ensayo ang aming mga kapangyarihan." Habang nagsasalita siya sinubukan kong magpalabas ng Fire Ball sa kamay ko at nagulat ako dahil nagawa ko.

"Kaya--- HUWAAAH!! Teka ano yan?!!" Nagulat din ako sa kanya kaya nabato ko kung saan ung Fire Ball ko. Agad ko naman itong pinalutang. Hays, napunta tuloy dun sa dulo.

"Ano ba?! Wag ka ngang manggulat! Obvious ba? Apoy yun! Hays." Sabi ko at nagpalabas ulit ng ilang fireball at pinalutang para maliwanag ang dadaanan namin.

"Woahh. A-Ang ganda." Natawa nalang ako sa kanya.

"Laway mo tumutulo." Bigla naman siyang napaayos ng tayo at tumikhim.

"Ehem, okay so yun nga.. Kaya kami nagpunta dito para kuhain ang ika-siyam na persepsiyon at madala sa kanya. Kaso ewan ko kung bakit biglang nagbago ang oras dito. Akala namin ay makakalabas kami ng maayos dahil, maayos naman niyang ipinaliwanag ang laro. Pero nilinlang niya kami." Nakuha niya ang atensiyon ko sa huli niyang sinabi.

"Nilinlang? Paanong nilinlang?" Kita ko ang pag-ngisi niya.

"Ayiie, nakikinig ka pala sakin ah? So magiging.. Share Ko Lang, May Pake Kana?" Napairap nalang ulit ako. Hayy!

"Ano nga kasi?!! Pag ako di nakapagpigil ikukulong kita sa Fire Tornadoes ko!" Napalunok naman siya at muling tumingin sa harap. Hahaha! Pero, ano nga bang powers and abilities ang meron siya?

Tinignan ko siya at binasa ang nasa isip niya.

Sus, kung alam mo lang na kaya kong Mag-summon ng evil creatures matatakot ka kaya? Haha.

Ako naman ang napalunok at napatingin sa harap. Tangines. Paano kung biglang mag-summon yan dito tas ipakain ako?! Juice colored!

"Hmm, nilinlang niya kami kasi.. hindi naman pala talaga kami nagpunta dito para kuhain ang 9th Sense. Nandito kami para ikulong niya. Alam mo kung bakit?" Tinignan niya ako at tinignan ko rin siya.

"Malay ko? Sana si Rampo ang sinama mo dito diba? Malamang masasagot ka nun ng Oo!" Sabi ko sa kanya.

"Hahaha, okay. But, who's Rampo?" Umiling nalang ako.

"Wala, kaibigan ko. At kasama rin namin siyang maglakbay papunta dito. May ultra deduction kasi yun. Atska nalalaman niya agad isang tapik niya lang sa salamin niya. Minsan nga naitatanong ko, paano kung masira ang salamin niya? Haha!" Sabi ko at napailing. Namimiss ko na sila. Sobra. Kamusta na kaya sila? Si Drianne may saksak pa naman yun. Hays.

"Oh, I see. Btw, so yun nga. Nilinlang niya kami kasi alam niyang kapag dumating ang araw ng labanan, malalakas kami. Meron rin kaming iba't-ibang kapangyarihan na wala sa iba. Kaya ayun, kinulong niya kami dito. Eh kayo ba? Bat ba kayo nandito?" Napabuntong-hininga ako.

"Para rin makuha ang 9th Sense." Tumango-tango siya.

"At ibibigay sa kanya?" Tanong niya.

"Hindi ah! Alam mo ba ang mangyayari kapag binigay yun sakanya o di kaya kapag nakuha niya yun? Masasakop niya ang buong mundo at katapusan na natin. Magiging sunud-sunuran tayo sa lahat ng gusto niya at magiging paralisado ang lahat. Tsk, he's more than evil." Sabi ko at naiyukom ang kamao ko.

"Ah kaya pala, so pwede ko pala siyang i-summon?" Natawa ako sa sinabi niya. Yeah right, He can summon Evil creatures diba? Tsk.

"Teka, bakit nga pala di mo hinanap ang pintuan para makalabas dito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Nawiwili ka na magtanong ah? Ayiieee. Mamaya crush mo na ako niyan." Napairap nalang ulit ako.

"Umayos ka nga! Parang timang kasi!" Natawa nanaman siya sakin. Hayst, bat ba ganyan ang ugali niyan? Jusko naman!

"De joke lang! Hahaha. Hmm, sasagutin ko na yung tanong mo. Bakit nga ba di ko hinanap? Kasi ewan ko? Tinamad lang siguro. Atska naubusan na kasi kami ng time." Tinamad? Waw ah!

"Teka, yung pintuan naba yun?" Napatingin ako sa tinuro niya. Napangiti ako ng makita ang nagliliwanag na pintuan.

"Tara na!" Sabi ko at hinatak siya papasok dun.

Pero.. sa paghawak ko ng kamay niya ay may naramdaman akong kakaiba.

Bakit pakiramdam ko, may hindi tama?

****

The 9th SenseWhere stories live. Discover now