Chapter 52

229 8 14
                                    

Emi's POV

Did you ever imagined how life works without Light? How about without Darkness?

Life will not work without Light and Darkness.

Our whole existence will not work if that two things didn't exist.

But who knows?

Is there a world only Light exist?

Is there a world only Darkness exist?

Or.. Is there a world both Light and Darkness not exist?

"Kriselna." Nakita ko kung gaano kamahal ni mama ang pagsusulat. Nagsusulat siya ng mga nobela.

Nobelang puno ng tanong, nobelang puno ng kaniyang mga kuro-kuro. Nobelang puno ng kanyang pag aaga-agam.

"Bakit po tay?" Sumimangot ang papa niya.

"Ilang beses kong sasabihin sayo na itigil mo yang kahibangan mo sa pagsusulat?! Walang magandang maidudulot yan sa buhay mo!" Napayuko si Mama.

"Pero mahal ko po ang pagsusulat tay. Ito po ang gusto ko." Kinuha ng tatay niya ang papel at panulat na gamit niya sa pagsusulat ng nobela.

"Kahihiyan lamang ang dala nito! Mag-aral ka ng medisina! At yun ang susundin mo!" Napayuko muli si mama ng itapon ang kanyang kwaderno sa basurahan.

Mama? Gaano mo ba kamahal ang pagsusulat ng nobela?

Kaya mo bang isakripisyo kung anong meron ka?

Para lang sa pangarap at gusto mo?

Napatigil ako ng marinig ko ang paghikbi ni mama. Hindi ko inaasahan na ganito ang babalikan ko. Ganito ang makikita ko.

Gaano ba kahirap ang dinanas mo sa panahong ito mama? Gaano ba kahirap sayo na di ituloy ang gusto mo? Gaano kahirap sukuan ang isang bagay na ayaw mong sukuan?

Nag-iba bigla ang scenario.

Napunta ako kung saan nakaupo si mama sa bakod ng isang malaking bahay at may katabi siyang lalaki.

"Anong gusto mong gawin sa buhay mo?" Tanong ni mama habang nakatingin sa paglubog ng araw.

"Gusto kong... magpinta." Napalingon sa kanya si Mama na nakakunot ang noo.

"Ngunit bakit medisina ang pinili mo? Gayo'y pagpinta naman pala ang gusto mo?" Ngumiti ng malungkot ang lalaki.

"Yun kasi ang pangarap ng tatay ko para sakin. Ang mag-aral ako ng medisina." Napangiti si Mama.

"Alam mo bang, ayaw kong mag-medisina? Ang gusto ko talaga ay ang pagsusulat ng nobela. Kaso gaya mo, Ito ang gusto ng aking ama." Napangiti ng tuluyan ang lalaki.

"May mga bagay talaga na pinipili nating sukuan kahit ayaw natin. Kasi may mas importante tayong kailangan pangalagaan at sundin. May mga bagay talagang gusto natin pero hindi natin nakukuha. Alam mo ba kung anong pumipigil dun?" Umiling si Mama.

"Ang pagmamahal at respeto. Ang kagustuhan nating maging masaya ang isang tao. Kahit na masaktan pa tayo. Kahit na mahirapan tayo. Dahil yung taong yun, importante satin. Kaya rerespetuhin natin ang desisyon nila at magpaparaya para sa ikakasaya nila. Dahil, mahal natin sila." Napatango si Mama.

"May gusto akong ipakita sayo." Sabi ng Lalaki.

"Ano yun?" Tanong ni Mama.

"Ang mga ipininta ko." Nagulat si mama.

"Akala ko ba--" ngumiti ang lalaki.

"Hindi porke't sinukuan natin ang isang bagay. Hindi na natin ito itutuloy. Siyempre, kahit na sinabi na nga nating sinukuan natin ito, hindi naman pwedeng wala na talaga. Pwede parin nating ipagpatuloy hangga't gusto natin ang ginagawa natin. Yun nga lang, may mas nangingibabaw na. Hindi katulad ng dati na doon ang tayo nakatuon sa isang bagay." Napangiti si Mama.

Nag-iba ang scenario. Nakita ko ang mga ipininta ng lalaki at mga isinulat ni mama. Nagpalitan sila ng kani-kanilang obre.

"Aba! Ang galing mo pala magpinta!" Tuwang-tuwang sabi ni mama.

"Ang galing mo rin magsulat ng nobela." Napangiti si Mama.

"Maraming salamat Jake." Nag-iba ang scenario.. At nakita ko kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila. At kung paano ito nagwakas.

"Jake! Wag mo 'kong iwan! Jake!!" Biglang naglaho sa kadiliman ang lalaki.

Habang si mama, nanatiling nakatayo sa liwanag.. umiiyak at nasasaktan.. habang dala-dala ako.

Gaya ng isinulat niya sa nobela.

Iniwan ng lalaki ang babaeng bida. At hindi na nagbalik pa.

Nag-iba ang scenario at napunta ako sa labanan.

Hindi kumikilos si mama at nananatili siyang nakabalot sa itim na may liwanag. Lahat ng lumalapit sa kanya ay namamatay.

Hanggang sa tuluyan siyang manghina at bumagsak sa lupa.

Umiiyak akong lumapit sa kanya.

Hinawakan ko ang mukha niya at tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Tatapusin ko ang larong ito mama. Tatapusin ko para sayo." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako sa madilim na bahagi ng gubat. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang pinto at pumasok dito.

This will end soon.

****
Next Chap, Rampo's POV

I'm so sorry guys at ngayon lang nakapag-UD si author niyo. As in sobrang busy talaga at madaming ginagawa. Naisingit ko nga lang ito ngayon. Kakagawa ko lang ngayon at mabilisan pa hahaha. Kailangan ko na kasi matulog dahil maaga pa pasok ni Author bukas. But I know na matagal nakong di nakakapag-UD kaya tiis antok muna hahaha. Hope you like it guys. Labyu.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now