Chapter 25

388 25 2
                                    

Drianne's POV

Malaki ang pasasalamat ko kay Euros, isa sa mga The Great Eight, dahil tinulungan niya ako.

Tinulungan niya ako kung paano ko magagamit ng tama ang bawat elementong nako-kontrol ko. Tinulungan niya ako kung paano lumaban, paano maging malakas, at matutong magamit ang kapangyarihan ko sa paggawa ng mga armas.

He teach me how to become a strong independent woman. At sobrang nagpapasalamat ako sa kaniya.

Kada-nananaginip ako ay nagpapakita siya sakin at nag-eensayo kami lagi. Noong una ay nagtaka ako, pero hindi kalaunan ay nakilala ko siya. Mabuti nalang nga ay tinulungan niya ako. Dahil kung hindi, baka kanina pa ako namatay dito.

"Then, kill me if you can." Nanghahamon niyang sabi.

Pinagdikit ko ulit ang mga palad ko at pumikit. Inalala ko ang mga salitang sinabi niya sa akin.

The time has come,
Give me my home,
For me to become the person, whom I own.

Elemental powers are mine,
Those powers will combine,
Through my blood and veins,
Let the power flow until it glows,
And when it is done,
My body will be the strongest one

Pagkasabi ko nun ay bigla kong naramdaman ang kakaibang init sa aking katawan.

Rinig ko ang bawat pintig ng aking puso at mabilis na pagdaloy ng aking dugo.

Ibinuka ko ang aking mga braso at hinayaang dumaloy sa buong katawan ko ang aking kapangyarihan.

Ramdam ko ang pag-iiba nanaman ng aking panlabas na anyo.

Nagliwanag ang buo kong katawan at lumutang ako sa ere. Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang nanlalaking mata ni Huge. Ngumisi ako sa kaniya at kasabay nun ang pagbaba ko sa lupa.

Agad ko siyang sinugod at naglaban nanaman kami.

Tanging tunog lang ng mga espada namin ang naririnig sa paligid pati ang mga hinahabol naming mga hininga.

Nawalan ulit ng mga malay sila Mama. Galit kong ibinuhos lahat ng lakas ko habang kinakalaban siya. Sinisiguro kong magbabayad siya!

Umikot ako pataas at nagpalabas ng Water Spikes. Pinaulanan ko siya nun kasabay ng Air Hurricanes.

Naiwasan niya 'yun at agad na napatingin sa mga mata ko. Kinuha ko ang pagkakataong 'yun para makulong siya sa isang illusyon.

Napaluhod siya sa sakit at napasigaw. Napangisi ako, taste my vengeance, Mr. Huge.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may biglang kumabig sakin at sinakal ako patalikod.

Argghh! Bwisit!

"Any last words?" Nang-aasar na tanong niya.

Nagpumiglas ako pero hindi na ako makawala pa. Sh't! I'm trapped!

"Mahina ka parin Drianne, hindi mo 'ko matatalo. Anong pumasok sa kukote mo at naisipan mong kalabanin ako? Hindi mo 'ko kaya. You will never win againts me." Seryosong sabi niya.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Euros sakin.

"When you're trap, just clear your mind and think. Think about your next move. Listen to your heart, Drianne. Think, Listen, and Decide. Kahit ano pa 'yan, gawin mo kung ayun ang gusto mo. Nothing is impossible, just trust yourself. Trust your instinct, Trust your own heart."

Pumikit ako at inalis lahat ng bagay na nasa isip ko.

Huminga ako ng malalim at inisip kung paano ba ako makakawala dito?

Kung pwede ko lang sanang pahintuin ang oras.

Kung pwede ko lang sanang patigilin ang mga nangyayari ngayon.

Napadilat ako sa naisip ko.

I need to stop the time!

Pero paano?

"Then, if you finally know what your next move is, wish it. Wish it and it will happen. Remember, your heart knows what you desire. And also, you have a powerful mind."

Napangisi ako at muling pumikit.

"I can stop the time, and I will stop the time."

Mariin at seryosong sabi ko habang nakapikit.

Ilang saglit pa ay tumahimik ang paligid. Tanging paghinga ko na lamang ang naririnig.

Dumilat ako at agad na umalis sa bisig ni Huge.

Hingal akong lumapit sa rehas nila Mama upang buksan ito pero hindi ko magawa.

Masiyado nang naubos ang lakas ko.

Unti-unti akong napaluhod at napasandal sa rehas na naghaharang sakin at sa mga magulang ko.

Napayuko ako at may mga luhang tumakas mula sa mga mata ko.

"I'm scared," mahinang sabi ko.

"I'm scared that I might not feel your presence again, I'm scared that I might not saw your smiles again," umiiyak na saad ko.

Hinawakan ko ang kamay ni Mama.

"I'm scared to d-die,"

Tuluyan akong napahagulgol at napayuko.

Paano ko sila itatakas dito kung ganito na ang kondisyon ko? Paano ko sila ilalabas dito ng buhay?

"Drianne!" Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita ko sila Akira.

Napangiti ako at tumakbo papunta sa kanila.

"Okay ka lang ba?" Tumango ako sa tanong ni Akira at pinunasan ang luha ko.

"Paano kayo n-nakapunta dito?" Nginitian lang nila ako.

"Tinulungan rin nila kami, Drianne." Agad kong nakuha ang ibigsabihin ni Rampo.

"Kailangan na natin silang mailigtas, hindi ko alam kung kailan mawawalan ng bisa ang kakayahan kong patigilin ang oras." Mabilis na sambit ko. Agad silang tumango at pinakawalan ang mga magulang namin sa rehas.

Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko.

Kita kong nailabas na nila ang mga magulang namin at inakay ang mga ito.

"Dumikit kayo sakin!" Sigaw ni Emi. Agad kaming nagtipon-tipon habang malapit sa kaniya.

At sa isang iglap lang ay nakarating na kami sa condo.

Inihiga muna namin sila mama sa sahig pansamantala.

"D-Drianne, dumudugo ang ilong mo!" Natatarantang sigaw ni Angelica. Hinawakan ko ito at tinignan. Kita ko ang dugo sa mga daliri ko.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nanlabo ang paningin ko at bumagsak sa sahig.

"Drianne!"

Everything went black.

****

Chapter 25! Edited! ☺😊

The 9th SenseWhere stories live. Discover now