Chapter 58

208 9 15
                                    

Third Person's POV

Kagaya ng iba ay magkakasama na ang kasamahan ni Hiro at Drianne. Nagkita-kita sila at sabay sabay na lumabas sa pinto papunta sa susunod na laro.

Samantala, sa kabilang banda..

"Hindi na ako makapaghintay pa! Tapusin ang laro! Pero itira niyo siya. Palabasin lahat ng nasa loob ng larong yun. Hindi ko na kayang maghintay pa. Ihanda ang mga sandata! Ihanda ang mga kasabwat." Gigil na sabi ni Huge kay Raghe.

"Susugod na ba tayo ngayon?" Hinampas ni Huge ang mesa.

"Susugod na tayo ngayon na! Ipadala sa Deadly Mountain ang mga makakalaban nila. Hindi sila mananalo sakin. Kausapin ang mga kasabwat. Kakailanganin ko sila." Tumango si Raghe at agad na pinuntahan si Jamil.

They will stop the game and let them fight them. But she will remain inside that game.

"Put her at the last stage. Make sure she will suffer. And make sure, she will get weak after that game." Agad na tumango si Jamil at inihanda na ni Raghe ang kanilang kampon. Isa lang ang nasa isip ngayon ni Huge.

Malapit ko ng makuha ang ika-siyam na persepsiyon. Gagamitin kita. Gagamitin kita, Athena.

----
Aubrey's POV

At the moment the door's closed.

I figure out what I want to figure out later.

Aatakihin ko na sana siya ng bigla niya akong ikulong sa fire tornadoes niya.

"You're such a fool. Akala niyo ba nakulong kami dito ng dahil doon? Hah! Nakulong kami dito ng dahil sa inyo. Antagal naming nag-intay para atakihin kayo. And now, it's time." Hindi ko siya nakikita pero ramdam ko ang galit sa boses niya.

I knew it! I can sense danger b-but.. h-how? H-How did he cover it?

Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo ngunit hindi ko piniling pumikit. Kailangan kong makita kung saan niya ako dadalhin. Kailangan kong ma-contact sila Rampo!

Gumawa ako ng Ear Wings gamit ang Air Power ko.

"We're in danger, prepare yourselves. Maraming kalaban ang naghihintay sa labas. Don't trust the one who you are with. They're just pretending! Kasabwat sila nila Huge. Please be safe." Pinakawalan ko sa hangin ang Ear Wings ko. Nilagyan ko ito ng protective barrier upang sila Drianne lang ang makarinig.

Ilang sandali pa hanggang sa maramdaman ko na napunta kami sa isang lugar.

Pagkatanggal niya ng Fire Tornado sa akin ay nagulat ako.

We're doomed. Tumingin ako sa langit. Please help us.

Isa lang ang pumasok sa isip ko.

We're out of the game, and now..

We're at the bottom of the Deadly Mountain.

----
Rampo's POV

Nagulat ako ng matanggap ko ang mensahe ni Aubrey.

Sabi ko na nga ba!

Aatakihin ko palang ang babaeng  kasama ko ngayon pero naunahan na niya ko.

"You can't mess with me. I am powerful more than you could ever imagine." Naramdaman ko ang sakit ng mga tinik na nakapalibot sakin.

"Sh*t." Tanging nasambit ko nalang ng mapansin kong wala na kami sa loob ng laro.

-----

Yvelle's POV

Nawala ang mga ngiti sa labi ko ng marinig ko ang sinabi ni Aubrey. Dahan-dahan akong tumingin kay Alexander.

Sayang pogi pa naman! Hays!

Inihanda ko na ang Water Snake ko upang atakihin siya pero naunahan niya ako.

Hindi ko inaasahang magte-teleport siya sa likod ko at tututukan ako sa leeg ng matulis na Earth Knife.

"Hindi kayo mananalo samin." Ramdam ko ang pag-alis namin sa loob ng laro.

Put*!! Naisahan kami!

----
Angelica's POV

Nakatutok ngayon kay Blake ang Earth Dagger ko. Habang nakatutok naman sa mga leeg ko ang kuko ng Air Phoenix niya.

"Hindi na kayo makakatakas pa, tsk tsk. Hindi ko inakalang ganito kayo kadaling maloko." Kinalmot ako ng tuluyan ng Air Phoenix niya at ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula rito.

Magbabayad kayo!

------
Kim's POV

Kasalukuyan ko siyang nilalabanan gamit ang elemental powers ko.

Ginamit ko ang angel's wings ko habang pinapatamaan siya ng Earth ball, Fire Spheres, Water Needles, at kalaban niya ang Air Dragon ko.

Pero nagulat ako ng biglang nasa likuran ko na siya at natusok na niya ko ng isang patalim.

Urrgh! Kainis!

"Weak huh? Wag ka munang manghihina, tsk. Marami pang nag-iintay sa labas." Sabi niya at ngumisi.

Sinampal ko naman siya.

"F**k you."

-----
Emi's POV

Bago ko pa siya tuluyang mapatay ay naisahan na niya ako.

"Light and Darkness? Psh, weak." Sabi niya habang nasa anyong lobo.

"Tanga! Ikaw ang weak! Sus. Maka-weak ka diyan. Oo naisahan mo ako, pero tignan mo ang sarili mo?" Ngumisi ako.

"Tatlong tawa ka nalang!" Sigaw ko at muli ulit sana siyang papatamaan ng Light Ball pero tuluyan na niya akong naisahan.

Kainis! Papatayin kitang aso ka!

----
Akira's POV

Tumulo ang luha sa mga mata ko.

"B-Bakit?" Tanong ko sa kanya. Tinignan ko siya sa mga mata at nakita ko ang tunay na kulay niya.

Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka-imposible. Napaka-imposibleng magustuhan ko agad siya sa konting oras na inilagi namin dito!

Nginisian niya ako.

"Who would think na ang isang katulad mo pala ay mabilis mahulog sa isang tao? Tsk tsk, too bad. Yan ata ang magiging kahinaan mo." Sabi niya sakin. Naramdaman ko ang pagkasaksak sa balikat ko ng alagad niya.

Tinignan ko siya ng may galit sa mata.

"Yes, I am weak. But i'm not a coward like you." Nginisian ko siya.

"Palagi nalang ba kayong magiging sunud-sunuran huh?! Palagi nalang ba kayong mabubulag sa mga pangarap niyo?! If you know mister, dito palang maaaring mawasak na ang kinabukasan niyo." Sabi ko at mas nginisian siya.

"I will kill you." Mahinang sambit ko at kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha.

"Kill me if you can." Sabi niya at ramdam ko ang paglakas ng enerhiya na humihigop samin papalabas ng laro.

******

The 9th SenseWhere stories live. Discover now