Chapter 28

392 25 9
                                    

Drianne's POV

"Focus!"

"More!"

"Mahina pa 'yan!"

"Yan lang ba kaya niyo?!"

Kanina pa kami pawis na pawis at pagod pagod sa kaka-training at kakalabas ng kapangyarihan namin. Ewan ko ba, hindi na-sasatisfied si Papa.

"Alam kong pagod na kayo,but you can't just give up! Kung susuko na agad kayo't magpapahinga, hindi kayo makaka-survive sa loob ng gubat na papasukin niyo. Hindi niyo alam kung anong naghihintay sa inyo dun. There are so many games, traps, etcetera inside that forest."

Napakunot ang noo namin.

"What are you talking about?" Napatingin siya sakin.

"May mga level kayo na kailangan lampasan doon para makapunta kayo sa Deadly Mountain. Hindi biro ang pagpunta doon, Drianne. That's why I want you, all of you to train harder." Napabuntong-hininga nalang ako.

"Ayaw kong matulad kayo sa mga bata na dati ay nagpunta doon. Hindi na sila nakabalik. Wala pang nakakabalik galing doon. Na-stuck sila sa loob ng laro at di na nakalabas pa," bumuntong-hininga siya.

"Kung ako lang ang masusunod ayaw ko kayong papuntahin. Kung pwede lang na huwag na. Pero hindi kasi pwede, kayo ang mga nakatakdang kumuha at prumotekta sa The 9th Sense. Kaya pagbutihan niyo ang pag-eensayo."

Tumango nalang kami sa sinabi ni Papa. Lahat kami ay halatang kinakabahan at natatakot. Pero wala eh, kailangan naming magpunta doon.

"Pero paano po kapag hindi kami nagtagumpay?" Biglang tanong ni Kim.

"Maaaring maging paralisado ang mundo natin. Mawawalan ng saysay ang mga buhay ng bawat tao. Kapag hindi kayo nagtagumpay ay makukuha ito ni Hugo Charle, o mas kilala niyo bilang Huge. Maaari niyang masira ang 9th Sense at tuluyan ng mawala ito. Kaya kailangan niyong magtagumpay. Kailangan niyong manalo laban sa kaniya."

"Mag-ensayo na kayo." Seryosong sabi ni Gresmer habang nakatingin samin at tinapik ang balikat ni Papa.

Bumuntong-hininga nalang ulit ako at humarap sa labindalawang drum na nasa harap ko.

Kailangan ko itong palutangin kasabay ng pagpapalutang ko sa tubig na nasa loob nito.

Kanina ko pa hindi magawa at hanggang lima lang ang nagagawa ko. Ang hirap kasing pagsabayin.

Sinuri ko muli ang mga drum. Kinabisado ko ang bawat sukat at bigat nito.

Pagkatapos ay pumikit ako ng malalim at inalala ang itsura, bigat, at sukat ng bawat isang drum.

Nang mapokus ko na ang sarili ko sa labindalawang drum ay dumilat na ako. Ramdam ko ang pag-iiba ng kulay ng mata ko.

Inangat ko sila ng sabay-sabay kahit na nahihirapan ako. Tinodo ko ang paglabas ng kapangyarihan ko.

Unti-unti, nagawa kong mapalutang lahat ng drum at ang mga tubig na nasa loob nito.

"Magaling, Frucosa." Rinig kong sabi ni Papa.

"Ngayon ay magtayo ka ng isang puno at ibuhos mo lahat ng tubig doon at iyong palaguin. Pagkatapos ay bumuo ka ng sandata gamit ang mga balde," nginitian niya ako. "Simulan mo na."

Wtf?! Hay nako.

Bakit ganito kasi 'yung training namin? Ang alam ko dapat nag-eensayo kami sa paraan ng pakikipaglaban diba?

"Kailangan niyong mapalakas ang bawat kapangyarihan niyo, at dapat maging matalino ang bawat isipan ng isa sa inyo. Hindi basta laro ang inyong papasukin doon. Kaya dapat maging handa kayo." Tumango nalang ako. Hays, para rin naman samin 'to. Okay fine!

Ibinaba ko ang mga baldeng nakalutang at ang tubig na nasa loob nito.

Gamit ang Air Flight, lumabas ako sa Training Room upang magtanim ng puno sa labas. Alangan naman sa loob ako magtanim diba?

Naghanap ako ng magandang spot kung saan ako magtatayo ng puno. Nang makahanap ako ay agad akong bumaba papunta doon.

Gamit ang earth power ko, gumawa ako ng malalim na hukay para sa puno. Pagkatapos ay itinanim ko na ang puno.

Pumikit ako at nag-focus upang makuha ang nga tubig na nasa balde kanina. Medyo malayo ang mga ito pero kaya ko naman.

Nang maramdaman ko na sila sa aking mga kamay ay lumipad ulit ako at binuhos ang tubig sa puno habang iniikutan ko ito.

Hinalo ko ang earth power ko sa tubig na ibinuhos ko para mabilisan itong lumago.

Di nga ako nagkamali dahil unti-unti itong tumubo at lumago.

Napangiti ako.

Ngayon, kailangan ko ng bumalik sa Training Room.

---

Napasalampak ako sa sahig ng makita ang finished product na ginawa ko galing sa drum.

Gumawa ako ng walong shield na napapalibutan ng malalaking ugat, upang maging matibay ito.

"Magaling," pumapalakpak na pumunta sakin si Papa.

"Maganda ang naipakita mo ngayon sa ensayo." Ngumiti nalang ako kay Papa dahil hindi na ako makapagsalita sa pagod. Gash!

Umupo ako sa may gilid at ininom ang tubig na binaon ko. Ilang lagok ko lang ay ubos na agad. Grabe kasi! Nakakapagod mag-ensayo!

Babalikan ko na sana ang mga baldeng natira upang mag-isip pa ng pwedeng gawin sa kanila nang biglang sumulpot si Timothy sa harap ko.

"Waaah! Nakakagulat ka naman!" Napahawak ako sa dibdib ko. Grabe, kinabahan ako dun ah!

Natawa siya at kinurot ang pisngi ko. Hinampas ko naman ang kamay niya.

"Bat kaba nandito?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Para pagpahingahin ka. Pagod ka na diba? You should rest." Napairap ako.

"Hindi pwede," iling-iling kong sabi. "Bumalik ka na sa pag-eensayo mo." Nilagpasan ko siya pero hinigit niya ang pulsuhan ko.

"Ano ba, Timothy?!" Bumuntong-hininga siya.

"Ayaw kong nakikita kang napapagod. Itigil mo na 'yan. Okay na 'yung mga nagawa mo. You satisfied your dad." Napailing ako.

"But it is not all about that! Ginagawa ko 'to para sa sarili ko at sa misyon natin! Wala akong pake kung masatisfied si Papa sa mga ginagawa ko. Ganyan ba tingin mo sakin?" Nanlaki ang nata niya at napailing.

"N-No, t-that's not what I m-mea---" Hinila ko pabalik ang pulsuhan ko.

"You should go. Wag mo na akong istorbohin." Tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad.

Nagulat ako ng bigla niya akong haltakin at yakapin.

"What t-the?!" Pumalag ako pero sadyang napakalakas niya. Magpapalabas na sana ako ng kapangyarihan pero natigilan ako sa sinabi niya.

"From now on, you can't escape. You can't hide. You can't stay away from me, Frucosa. Because now I know, you're my Athena."

*****

Chapter 28! Edited!

The 9th SenseOnde histórias criam vida. Descubra agora