Chapter 18

406 24 8
                                    

Rampo's POV

"Wala rin siya sa taas!" Kinakabahan na kaming lahat. Nasan kana Drianne?!

"Guys! Nag tanong-tanong na ako sa labas wala siya." Sabi ni Akira habang tumatakbo papunta samin.

"Teka guys, hindi siya umaalis ng magulo ang higaan niya. Hindi siya umaalis ng hindi naka-lock ang pinto. Hindi siya aalis ng walang paalam." Natahimik kami sa sinabi ni Emi.

"At hindi siya lalong aalis ng may kalat sa bahay." Dagdag ni Angelica. Napatingin kaming lahat sa lamesa.

"Hindi siya iinom ng tubig at pagkatapos ay iiwan dito sa sala. Hindi niya pa ginagawa yun." Sabi ko.

"Then where the fuck is Drianne?!" Galit na sigaw ni Yvelle.

"Sa tingin ko may bisita siya. Kilala niya yung bisita na yun kaya pinapasok niya, at papainumin niya sana ng tubig kaso.." napatigil ako. Nagulat ako sa nabuong scenario sa isip ko.

"Kinuha siya." Napasinghap silang lahat.

"Edi sino?! Sinong kumuha sa kaniya?!" Hindi ko nasagot yung tinanong ni Aubrey.

"Si Timothy?! Hindi ba si Timothy yung kumuha sa kaniya?! Diba tinatanong niya kung nasan si Drianne?!" Napatingin ako kay Kim.

"Hindi niya kukuhain si Drianne. Kilala ko si Timothy." Sabi ko sa kanila.

"Pero siya lang yung taong may posibilidad na kumuha sa kaniya!" Sigaw ni Akira sakin.

"Pero kilala ko siya! Sige nga! Kung kukuhain niya si Drianne, sa tingin mo anong purpose niya?" Sabi ko sa kaniya.

Hinawakan ko yung edge ng ilong ko.

"Bakit mo ba kasi siya pinagtatanggol?!" Dagdag pa ni Yvelle.

"Hindi ko naman siya pinagtatanggol. It's just that mali kasi yung binibitang niyo." Sabi ko sa kanila.

"Pero porket ba kilala mo siya wala ng posibilidad na siya yung kumuha kay Drianne?! Bakit ba sa kaniya ka kumakampi?! Sino bang kaibigan mo? Diba kami!" Galit na sabi ni Akira. Magsasalita pa sana ako kaso sumingit si Emi.

"Itigil na nga natin to. Hindi magugustuhan ni Drianne kapag nag aaway-away tayo dito. Ikaw Rampo, since kilala mo naman siya. Can you please try to call him? Para malaman natin yung totoo at hindi." Napabuntong-hininga ako.

"Okay fine."

Lumabas ako saglit ng condo at nagpunta sa may park.

Umupo ako sa bench at dinial ang number ni Timothy.

Ringing...

(Hello?) Hindi ko pinansin yung bati niya at agad akong nagtanong.

"Alam mo ba kung nasan si Drianne?" Rinig ko ang sarkastiko niyang tawa.

(Nagpapatawa ka ba? Kasama? Seriously?) Tono palang ng boses niya alam ko na hindi niya kasama si Drianne.

(Ano bang pinagsasasabi mo? Kung wala rin namang kwenta ibababa ko na. Kasama ko si Athena.) Bumuntong-hininga ako.

"She's missing. Alam mo ba kung nasan siya?" Natahimik bigla sa kabilang linya.

(Hindi ko alam. At wala akong pake. Bakit sakin mo tinatanong yan? Di ako hanapan ng mga taong nawawala bro.) Nainis ako sa pagsasalita niya.

"You know what Timothy? Maybe their right." Sabi ko at tumigil saglit. "Maybe their right about you. Na masama ang ugali mo, you're selfish, wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba. You're just doing what you wanted to do. Okay dude fine." Natahimik siya sa kabilang linya.

The 9th Senseजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें