Chapter 29

344 24 10
                                    

Drianne's POV

Nandito na kami ngayon sa harap ng mga kabayo namin. Sila ang magdadala samin sa Islang Bugnon, kung saan makikita ang 9th Sense.

"Tandaan niyo ang mga hinabilin ko sa inyo."

"Opo."

"Mag-iingat kayo mga anak."

Humarap ako sa kabayo ko at hinawakan ang aking kwintas.

Kaya ko 'to, kaya namin 'to.

"Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay. Maari na kayong sumakay sa kanya kanya niyong kabayo." Sumakay ako sa puting kabayo. Mukhang ito talaga ang para sakin.

"Kayo'y humayo na. Inaasahan ko ang pagbabalik ninyo kasama ang siyam na persepsiyon. Paalam!" Sigaw ni Tito Raf habang palayo kami ng palayo. Tumingin na ako sa dinadaanan namin.

Whoo! Fighting!

"Kaya natin 'to guys!" Sigaw ni Emi. Natawa naman kami sa lakas ng sigaw niya.

"Excited? Haha! Hiyaaaah!"

Patuloy lang kami sa pangangabayo nang biglang lumiko ang aming kabayo sa isang gubat. Lahat kami ay napahinto sa paghampas sa kanila. May sarili silang isip.

"Teka, tama ba 'tong dinadaanan natin?" Tanong ko sa kanila. Hindi naman sila umimik.

Biglang tumigil ang kabayo sa isang bukana ng kuweba. Bumaba naman kami isa-isa.

"Ito na ba 'yon? Sa pagkakaalam ko ay malayo pa 'yon. Tatawirin pa natin ang Dagat ng Hukay at mga Bundok ng Apoy ayon sa sinabi ni Papa." Sabi ni Rampo.

Habang nag uusap-usap kami ay biglang may nalaglag mula sa itaas.

"Aaaahhhhh!!" Sigaw ni Kim. Napaatras kami ng makita ang isang malaking bato na muntik ng tumama sa amin.

"Mukhang---" Mahinang sambit ni Rampo at dahan-dahang napatingin sa itaas.

"Si Huge!!!"

Umatras kami ng umatras at bigla itong lumapag sa may harapan namin.

"Hahahaha! Akala niyo matatakasan niyo ko? Akala niyo ba makukuha niyo ang ika-siyam na persepsiyon ng ganun lang? Hindi ako makakapayag!" Agad akong gumawa ng Air Barrier para sa aming lahat.

"Tigilan mo na 'to." Mariing sabi ni Timothy.

"Hah! Magaling anak, magaling at napasunod mo sila, magaling at napaikot mo sila sa iyong mga kamay!" Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumatagistis ang kanyang mga bagang habang masama ang tingin kay Huge.

"Hindi ako sumang-ayon, at mas lalong hindi ako sasang-ayon sa plano mo kaya huwag mo 'kong idadamay!" Sabi niya habang nakayukom ang kamao.

"Nah! Hindi nga pala kita anak, should I say.. inaanak lang?" Sabi niya at tumayo ng diretso.

"Ano bang kailangan mo samin?!" Sigaw ni Angelica. Nakita kong gumalaw ang mga dahon at sanga ng puno. Hinawakan ko ang kamay niya upang pakalmahin siya.

"Kailangan ko kayo, lara kuhain ang Ika-siyam na persepsiyon at dalhin SA AKIN. Sa AKIN lamang." Kumunot ang noo ko.

"At bakit ka namin susundin?" Sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Madali naman akong kausap. Kung ibibigay niyo 'yun sakin ay--" Huminto siya at pumitik.

Napasinghap kaming lahat nang palutangin niya ang kwintas naming lahat at akmang babasagin.

"...isasauli ko ito at hindi tutuluyan. Hindi ko na rin kokontrolin ang mundo ng mga mortal. Kaya mamili kayo, ibibigay niyo sakin o babasagin ko ang lahat ng 'to?" Sabi niya at nginisian kaming lahat.

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon