Chapter 43

273 19 2
                                    

Aubrey's POV

"Saan na tayo pupunta ngayon niyan Angelica?" Patuloy lang kami sa pagtakbo at paghanap nang pintuan para sa ikalawang laro.

"Hindi ko din alam, Aubrey. Maghanap nalang tayo." Tatakbo palang sana kami nang biglang huminto si Angelica.

"Bakit? May problema ba?" Tumingin siya sakin sabay tingin sa dagat.

"Hindi kaya nasa ilalim niyan ang pinto?" Umiling ako..

"No way Angelica! Hindi ako marunong lumangoy! Atska nalunod na ako dati. May trauma na ako." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pero kailangan nating mahanap ang pinto, Aubrey. Kailangan nating sumisid sa dagat." Huminga ako nang malalim..

"Paano kung wala dyan ang pinto?" Nagkibit-balikat sya.

"Wala namang mawawala kung susubukan natin hindi ba?" Tumango ako..

"Sige, tara na." Sabay kaming pumunta sa dagat ay tinanaw ang ilalim nito..

"Mukhang may nakikita ako, Aubrey!" Sigaw ni Angelica. Tinignan kong mabuti ang ilalim nang dagat..

"Ang pinto! Tara na!" Huminga ako nang malalim atska kami sumisid at lumangoy papunta sa pinto. Nauubusan na ako nang hangin pero pinigil ko. Tinignan ko si Angelica at tinanguan sya sa ilalim nang dagat.

Pagkatango ko ay sabay naming binuksan ang pinto. At sumalubong samin ang nakakasilaw na liwanag..

----
Angelica's POV

Nagising ako sa gitna nang kagubatan.

Anong ginagawa ko dito?

Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid.

"Aubrey?" Tawag ko ngunit tila, ako lang ang mag-isa dito sa kagubatan.

Napatingin ako sa sarili kong damit at nagulat.

Nakasuot ako ng pang-reynang damit. Reyna na kadalasan ay nakikita ko sa mga palabas.

Reyna nang isang kaharian?

"Distorde Harmonia!" Gulat akong napalingon sa aking likuran. Ako ba yung tinatawag niya?

Pero Angelica ang pangngalan ko. Angelica at hindi Harmonia.

"Jusko! Nandito lang pala kayo Distorde Harmonia! Hinahanap po kayo sa palasyo." Napatitig ako sa kanya.

Ako nga ang tinutukoy niya.

Bigla kong naalala ang laro. Paano ako makakalabas dito? Paano ko matatapos ang larong ito?

"Distorde Angelica, halina po kayo." Umiwas ako sa kanya.

"Si A-Aubrey? Nasan si Aubrey?" Nagtataka niya akong tinignan.

"Distorde, okay lang ho ba kayo?" Napaatras ulit ako.

Distorde Harmonia?

Naalala ko ang sinabi ni Mama.

Ibigsabihin..

"Distorde Harmonia!" Nagulat ako sa nakita ko.

Si Mama.. nandito siya..

----

Aubrey's POV

Napadilat ako at nagulat dahil nasa isa akong silid.

Teka.. Silid aklatan? Anong ginagawa ko dito?

Nagulat ako nang makita ko ang sarili kong nakaupo at may hawak na isang libro.

Ano to? Hindi ko maintindihan.

Bubuklatin ko sana ang libro nang maalala ko si Angelica.

Napatayo ako habang hawak ang libro.

Nasan naba sya?

Ang natatandaan ko lang ay... Sumisid kami sa dagat tapos ..

Tama!! Ikalawang laro na to!

Agad kong tinungo ang pintuan palabas ngunit bubuksan ko pa lamang ito ay binuksan ito nang isang tao.

"Oh, nandito lang pala kayo Distorde Lucina. Tamang-tama, halina po kayo't kumain. Anong oras na po."

Natulala ako sa nakita ko.

Hindi..

Hindi maari..

"Mama."

*****

The 9th SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon