Chapter 37

299 21 7
                                    

Drianne's POV

Maaga akong pumasok dahil kailangan ko ngang makausap si Timothy. Alam kong alam niya yung tungkol dito.

Habang naglalakad ako papunta sa mga Student Council ay napahinto ako nang makita ko siya..

May kasama siyang babae..

S-Sino yun?

Inayos niya ang buhok neto at hinawakan ang kamay niya.

Papunta sila dito..

Gusto kong tumakbo at pumunta sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw.

Bumabagal ang oras habang papunta sila dito..

Bigla siyang tumingin sakin..

Nabigyan ako nang pag-asang.. kakausapin niya ako. Sisigawan kagaya nang dati. Papaalisin sa paaralang ito..

Pero hindi..

Nilagpasan niya lang ako..

Napaatras ako nang kaunti..

Hah! An-Ano pa nga bang aasahan ko?

Napangiti ako nang mapait nang may tumulong luha galing sa mga mata ko..

Kahit gusto ko silang pigilan ay hindi ko magawa. Sunod-sunod silang bumabagsak mula sa mga mata ko.

Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makapunta ako nang rooftop.

Doon ko binuhos ang mga luha ko.

Bakit nga ba ako umiiyak?

Sana nakinig nalang ako sa kanila..

Hindi totoo ang lahat.

Hindi totoo ang lahat Drianne.

Kailangan mong magising sa katotohanang..

Hindi ka niya kilala.

Hindi kayo magkakilala.

Wala ka sa kanya. Wala ka lang sa kanya.

Bakit ko ba nararamdaman ang mga ito?..

Sino nga ba siya sakin?! Wala naman hindi ba?..

Napaupo ako at sumandal sa may railings..

Hah.. Grabe..

Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak..

Bakit ba nangyayari ang lahat nang ito?..

B-Bakit bigla nalang nagbago ang lahat??

"M-Miss?.. H-Hindi ka naman siguro magpapakamatay ano?" Tumingala ako at nakita ko ang isang lalaking may bitbit na marshmallows.

Kilala ko siya! Si Lucas!

"Miss?" Tumayo ako at pinunasan ang luha ko.

"Lucas? Lucas! Ako to! Naalala mo ba ako?" Kumunot ang noo niya. Bigla siyang ngumiti.

"Drianne diba? Muntik na kita hindi makilala!" Sa sobrang saya ko ay nayakap ko siya..

Akala ko pati siya nakalimutan na ako eh!

"Woah! Hahaha easy ka lang. Gusto mo marshmallows?" Kumalas ako nang yakap sa kanya at ngumiti. Kumuha ako nang isang dakot na marshmallow at sinubo lahat. Tumawa naman siya.

"Easy ka lang! Hahaha." Nginitian ko nalang siya.

"Ano bang nangyari sayo? Haha" umiling-iling nalang ako at tumingin sa malayo dahil tutulo nanaman yung luha ko.

"Okay lang yan.." nginitian ko nalang ulit siya.

"Hoy Lucas! Nandito ka lang pala!" Napatigil ako sa pag-nguya nang marinig ang boses na yun..

Teka, parang nangyari na to ah?..

Dejavu?

"Paktay si President!" Napakamot nalang siya nang ulo.

"Pumunta ka na nga doon! May meeting tayong lahat nang SC!" Nanlaki ang mata ko..

Hindi..

Hindi ito nangyari dati dba?

Nagpaalam skin si Lucas at bumaba na.

Alam kong nasa likod ko lang siya..

Humarap ako at tama nga yung hinala ko..

Tapos..

Pagkababa ko..

Matatamaan ako nang dagger..

"Bakit ka nandito?" Umiling lang ako.

"Wag ka ngang lalapit dun sa lalaking yun miss. May diperensiya sa pag-iisip yun." Nanlaki ulit ang mga mata ko.

Sinabi niya rin yan. Lahat ba nang naalala ko..

Mangyayari palang?!

"Okay po, President." Tumango siya.

"Tara? Baba na tayo?" Tinignan ko siya. Bakit parang ang saya-saya niya ngayon? Hindi kse siya nagsusungit eh!

"Sige po." Tumango siya at sabay na kaming bumaba.

Hindi dapat ako pumunta sa cafeteria..

Pero teka, hindi ko kasama ngayon sila Akira ah?..

Hayst dibale na nga.

Nang tuluyan kaming makababa ay nagpaalam na ako sa kanya.

Pero bago ako tuluyang umalis ay nagtanong ako sa kanya.

"Ahm, Excuse me.." lumingon ulit siya sakin.

"May tanong lang ako." Tumango lang siya.

"Nagkakilala na ba tayo dati?" Hayst. Ano ba naman tong tanong ko?!

"Ahm, Siguro miss? Kse presidente niyo naman ako diba? Maybe we crossed our paths before." Tumango nalang ako at nginitian siya..

Umalis na siya at tinalikuran na ako.

Pagkatalikod niya ay bumuhos ang mga luha ko..

B-Bakit?!..

B-Bakit hindi na niya ako maalala?

Napaluhod ako habang umiiyak.

Maybe..

Tama nga siguro sila.

Hindi talaga totoo lahat nang yun. Siguro nga nakilala ko siya dahil nga presidente siya.

Napangisi ako..

Bakit nga ba kase nagpapa-apekto ako sa panaginip na yun?..

Panaginip lang ang lahat Drianne.

Panaginip lang..

***

The 9th SenseWhere stories live. Discover now