Chapter 26

397 25 6
                                    

Drianne's POV

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang sinag ng araw na nanggagaling sa bintana.

"Drianne!" Rinig kong sigaw ni Yvelle at niyakap ako.

"Ate Drianne! Uhuhuhu! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" Natawa naman ako sa reaksyon ni Aubrey. Grabe, ngayon nalang ulit niya ako in-ate ah?

"Okay l-lang ako. Wala naman nang masakit sakin." Nakangiting sabi ko at ginantihan ang yakap nila.

"Sila mama?" Pagkasabi ko nun ay biglang pumasok sila Mama at ang mga magulang nila Yvelle kasama sila Akira, Emi, Rampo, Kim, at Angelica.

Napangiti naman ako nang makitang maayos na sila at wala nang mga galos.

"Kamusta ka anak?" Tanong sakin ni Mama at agad na lumapit. Kaya naman umalis mula sila Yvelle at Aubrey sa tabi ko.

"Okay lang naman po. Kayo po? Kamusta? Maayos na ba ang kalagayan niyo?" Sabi ko at tumingin rin kila Tito.

Tumango naman silang lahat.

"May sasabihin nga pala kami sayo anak." Napatingin naman ako kay Mama sa sinabi niya.

"Sige, ano po yun?"

Tumingin siya kila Papa at tumango.

"Hindi kami ang totoo ninyong magulang," seryosong sabi ni Papa.

"H-Ha? Ano po'ng ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko.

"Nabasa niyo naman na siguro ang libro ng 'The 9th Sense' hindi ba?" Napatango kaming lahat.

"Kayo ang anak ng mga naisaad sa librong iyon." Natigilan ako sa sinabi ni Tito Raf.

"A-Anong.." nagtatakang sambit ni Kim.

"Kayo ang mga anak nila na tatapos sa misyon na hindi natapos ng inyong mga magulang. Biniyayaan kayo ng mga kakaibang kakayahan, kalakasan, at kapangyarihan." Dugtong ni Mama.

P-Pero sino? Sino sa kanila ang magulang ko?

"Kaya namin sinabi ito sa inyo ngayon dahil kailangan na nating umalis dito. Hindi na kayo ligtas dito, lalo ka na, Drianne." Sabi ni Tita Xarina at tumingin sakin.

"P-Pero naguguluhan po ako, b-bakit--- p-paaano--" putol-putol na sabi ko at napailing nalang.

"Aalis tayo rito at pupunta tayo sa kaharian ng Luzerpa. Doon, sasanayin natin ang kapangyarihan niyo. Mag-eensayo kayo at mas lalo namin kayong papalakasin, at ihahanda para protektahan ang ika-siyam na persepsyon."

"Tinulungan po kami ng The Great Eight kung paano kontrolin ng tama ang kapangyarihan namin," sabat ni Angelica.

"Opo, nasanay na rin po nila kami." Dugtong ni Emi.

"Magaling, ngayon ay kailangan na lamang nating maghanda." Kumunot ang noo ko.

"P-Pero, sino po ang dumukot sa inyo? B-Bakit po nila kayo kinuha? Sino po ang hinahanap nila?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Ang grupong napapailalim sa panig ni Huge, sila ang Fruderesca Agency, inatasan sila upang hanapin kayo at gamitin upang kuhain ang ika-siyam na persepsyon." Pero, isa lang ang hinahanap nila diba?

"Ang kwintas na suot niyo ngayon ay naglalaman ng kalahating pursyentong kapangyarihan galing sa inyong mga magulang," sambit ni Tita Alpha.

"Huwag na huwag niyong iwawala o hahayaang masira yan dahil kakailanganin niyo 'yan, yan ang magiging gabay ninyo kapag pupunta na kayo sa Deadly Mountain." Napatango nalang kami.

The 9th SenseWhere stories live. Discover now