Chapter 50

265 11 7
                                    

Aubrey's POV

Nandito ako ngayon at nakatayo sa itaas ng bundok. Anong ginagawa ko dito?

Nagulat ako ng may makita akong lumilipad sa hangin. Isang lalaki at babae.

"Lucina!! Hintay!" Natawa ako sa itsura nung lalaki ksi hindi pa siya ganun ka-perpekto lumipad. Pagewang-gewang pa nga siya eh.

"Hahaha! Bahala ka diyan!" Pinagmasdan ko silang dalawa.

Napakasaya nila at parang walang problema. Biglang magdilim ang lahat at napunta sa isang scenario.

"Alexander!! Wag mo 'kong iiwan!" Nagulat ako sa nakita ko.

Nasa madilim silang parte ng gubat at nawawala ng unti-unti si Alexander.

"Alexandre, please. Don't leave me. I'm begging you." Parehas silang umiiyak. And then, Alexander kissed my mom.

Biglang nagbago nanaman ang scenario.

Nakita ko ang scenario kung saan nanganganak si Lucina.

"Aaahhhh!!!" Napatingin ako sa paligid. Nasan ang tatay ko?

"Aahhhhh!!!" Hirap na hirap na si mama ng biglang tumirik ang mata niya.

"Lucina?! Lucina!" Nagulat ako ng makita ko ang isang babaeng kahawig ni Drianne. Hinawakan niya ang kamay neto at tumirik din ang mga mata niya. Biglang nagsalita si Mama.

"The truth must be told, there is no lie that can hide. One must suffer and the others must live. That person will be the destined's child." Biglang nawalan ng malay si mama at umiyak ang babaeng kahawig ni Drianne.

"No, it can't be." Sambit niya at biglang umiyak ang isang sanggol. Ako.

Nagbago nanaman ang scenario at napunta ako sa labanan. Nakatayo si mama sa may gilid at nakapikit. Hinawakan ko siya at nagulat ako dahil nakikita ko ang nakikita niya.

Everyone will die, this place will be a bloodshed.

Narinig kong sambit niya. Napabitiw ako sa kanya.

Nakita ko ang isang babae na sasaksakin si mama patalikod. Sinubukan kong humarang pero huli na ang lahat. Nang makita ko ang itsura ng babae ay nagulat ako.

No.. It can't be.. No..

Nagulat ako ng biglang tumingin sakin si Mama.

"I know you are here my child. I've seen this coming. Please take care of yourself. I love you. And the truth must be told. Go now. Time's running." Napabalik ako sa realidad. I'm inside a game! I should find the door for the next level!

Umiiyak akong umalis sa tabi ni mama. Right, the truth must be told!

Nang makita ko ang pintuan para sa susunod na laro ay agad akong pumasok. I will reveal the truth.

-----
Angelica's POV

Kailanma'y hindi ko naisip na ganito pala ang kinahantungan ng aking mga magulang. Bakit? Bakit puro kasinungalingan ang nailahad samin? Bakit puro kasinungalingan ang nalaman namin? Bakit sila nagsinungaling samin?

Bakit?

"Kailangan ba talaga nating gawin ito?" Nakita ko si Mama na nakikinig sa usapan ng dalawang matanda.

"Pero ito lang ang paraan para tayo na ang mamuno dito. Ito lang ang tanging paraan." Naiyak ako sa inis. Bakit kailangang ganito kasama ang mundo? Bakit kailangan pa nilang maging sakim gayo'y maginhawa naman na ang kanilang buhay? Bakit hindi sila nakukuntento?

The 9th SenseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora