Chapter 13

538 26 6
                                    

Drianne's POV

"Class dismissed." Tumayo na ako at inayos ang gamit ko. Hays, kanina pa ako lutang dahil dun sa nakita ko. Hindi talaga ako makapaniwala kung bakit nagka-ganun yun.

Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Sir Francisco.

"Oh before I forgot Miss frucosa, the principal wants to talk to you." Napatigil naman ako. "O-Okay sir, Thank you." Bakit kaya ako pinapatawag? May nagawa ba ako?

Lalapit pa sana sakin sila Emi pero umalis na agad ako. Hays, ewan ko. Nawawalan ako ng gana makipag-usap sa kanila ngayon.

Nagtungo na ako sa Principal's Office at kumatok bago pumasok.

"Come in." Kabado kong pinihit ang doorknob at pumasok na. Sinara ko rin yun pagkapasok ko at umupo sa tapat ng principal.

"Oh, Hi Ms. Frucosa. I'm glad you came." Bati niya. Nginitian ko naman siya. "Ahm, gusto niyo daw po akong makausap?" Mahinahong sabi ko. Tinanggal niya ang salamin niya at hinimas saglit ang sentido niya.

"Ah, yes. Gusto kitang makausap dahil sa may importante akong sasabihin." Dumilat naman siya at tumingin sakin. Nagsimula na akong kabahan.

"So, I'll get straight to the point." Huminto siya saglit at binaba ang mga kamay niyang humihilot sa sentido niya. "The school wants to kick you out." Nanlaki ang mga mata ko. Parang natuyo naman ang lalamunan ko at nabingi ako. Ano? Anong..

"P-Po?" Utal kong tanong. Bumuntong-hininga siya. "I guess you know the reason why." Napayuko ako at napatingin sa mga kamay ko. Did they find it out? Dahil ba 'to sa mga nagawa ko? Hays. I should have seen this coming.

Hindi ako nakasagot at nakayuko parin. Tumuloy na siya sa pagsasalita.

"Sana maintindihan mo. Iniintindi lang namin ang kaligtasan sa paaralang ito. Hindi namin gustong mapahamak ang bawat studyante sa loob ng paaralang ito. Alam naming mababaw ang dahilan para alisin ka pero kung para sa kaligtasan naman ng iba. You know Drianne, matalino ka naman. Matataas ang mga grado mo base sa records mo. You did well. But we're so sorry. Sa ayaw at sa gusto namin.. kailangan ka naming tanggalin." Napatango nalang ako.

"I-I'm sorry Ma'am Gina. I underst----" Hindi pa ako tapos sa pagsasalita ng biglang kumalabog sa pintuan. Nakita ko naman si Timothy na seryoso at parang galit na galit siya. Nakatingin siya ng seryoso kay Ma'am Gina. Napalunok ako sa takot. Nakakatakot pala pag ganyan siya. Tsk, no wonder bakit takot sa kaniya mga estudyante. Pero teka, hindi ba bastos yun? Pumasok siya ng hindi man lang kumakatok?! Hays.

But wait, what's happening?

"Ma'am Gina!" Sigaw niya. Napatingin naman ako kay Ma'am Gina. Nakita kong ngumisi siya kay Timothy.

"Oh hey, my beloved president." Sabi niya ng hindi nawawala ang ngisi sa mukha niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ninyo?!" Nagulat ako sa sigaw niya. Umusog ako ng konti pagilid dahil ayokong madamay. Para siyang nagbabagang apoy sa sobrang galit. Napalunok ako at yumuko. Gusto ko sanang umalis kaso nakaharang siya sa pintuan. Baka mamaya mapagbuntungan pa niya ako ng galit niya. Pero bahala na.

"E-Excuse m-me ma'am. M-Mauuna na p-po ako." Sabi ko ng utal utal kainis. Tatayo na sana ako ng biglang tumingin sakin si Timothy.

"No! Stay there!" Napatigil naman ako sa sigaw niya. Kaya umupo nalang ulit ako. Hays.

"What are you doing Timothy?! Let her leave." Parang may double meaning sakin ung sinabi niya sa huli.

"Wag mo siyang idamay dito." Sabi niya at tumayo habang nakatitig din kay Timothy. Shete, feeling ko may laser light na sa mga mata nila eh. Ung nakakamatay pag tinignan ka tsk.

The 9th SenseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora