SIMULA

34.4K 633 29
                                    

Daemon's Academy

~~~🌸~~~


"Dad! What the hell did you do?" Bungad ko pagkapasok ng kanyang opisina.

Agad na yumakap sa balat ko ang malamig na silid.


The big room was really quiet and cold. The ambiance was a bit dark and heavy. Hindi ko alam kung dahil ba ngayon na lamang ako ulit nakapasok sa loob ng silid na ito matapos ang maraming taon o dahil nanginginig ako ngayon sa galit.


When I entered, I almost kick the door. Kunot ang noo at halos hindi na maipinta ang mukha. Diretso lang ang mga titig ko kay dad pero ni hindi nya ako tinapunan ng tingin. It was like, he was expecting this to happen. As if he is already waiting for me.


"Dad! What did you do? You can't do this!" Tuloy-tuloy ako sa paglapit hanggang sa makarating ako sa tapat ng kanyang mesa. Bawat hakbang ko ay mabigat. Sinisigurado kong ramdam nya ang inis at galit ko sa balitang narinig ko kaninang umaga.


This is not fair!


I was expecting a good and peaceful day. I was also a bit excited since may lakad kami ng mga friends ko dapat sa araw na ito after class. But everything became like a shattered glass when I heard the news.


Maraming papel ang nasa kanyang gilid sa kanan habang ang nasa harapan ay ang kanyang laptop.


"I can't believe that you are doing this! Are you out of your mind, Dad?" Nagngingitngit ako sa galit.


Kahit pilitin kong kumalma, nakakatakas pa rin talaga ang galit kahit sa boses ko.


Dad and I never talked about things. He actually hated me, well that's what I knew. He never asked me if how was my day? How's school? How's life? Or even if I am still breathing.


Never! Kaya laking gulat ko ng mabalitaan ko kanina mula sa head ng school namin ang magiging changes ko regarding sa eskwelahan.


"Dad...." Hindi pa rin nya ako tinitingnan kaya lalong nag apoy ang galit sa dibdib ko. Hindi ko na napigilan kaya nahampas ko ang mesa nya.


Habang nakapatong ang dalawang kamay at bilang suporta, pilit kong hinarap si daddy kahit ang totoo'y ayaw ko talaga syang nakikita. I don't remember the last time I look at his face this close.


"Dad answer me! Ano sa tingin mo 'yung ginawa mo? I am happy and contented with my life. Bakit kailangan mo pang pakialaman? And did you even asked me kung okay ba sa akin 'to? How dare you decide on this kind of things?" Finally I got his attention.

Isang malalim na buntong hininga bago nya inalis ang salamin sa mata atsaka ako tiningala para harapin.


Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Where stories live. Discover now