Chapter 23

13K 362 16
                                    

Escape


~~~🌸~~~


Cassiopeia's Point of View


Napakasarap na gabi, napakapayapa. Mula nang pasukin ko ang lugar na ito, isa na ata ito sa tulog na pinakamapayapa at tahimik na nagawa ko kahit na hindi sapat ang naging haba ng oras. Para sa'kin napakasarap na noon dahil hanggang sa paggising ko, walang naging istorbo. Napatingin ako sa kisame habang nakahiga pa rin sa malambot kong kama, at muling inalala ang mga nangyari kagabi habang napapangiti.


Hindi ko akalain na sa simpleng pag-alala lang ng mga iyon kakaibang saya na ang epekto. Tsk! Come on Cassiopeia! Get your senses back!


"And where do you think you're going?" I was totally shocked ng makilala ko ang boses na iyon. Ang boses niya, ang malalim at malamig na boses na iyon. At hindi nga ako nagkamali, nang lingunin ko ito nakita ko ang kanyang mukha. Ang seryoso at madilim niyang mukha habang nakatitig sa akin ng diretso. Kulang na lang ata makita ko ang apoy sa mga mata nya ng makita ko ang paraan nito ng pagtitig.


"K-kenneth?" Hindi ko alam kung para saan ang takot at kaba pero habang pinagmamasdan ko siya nanginig ang aking boses maging ang aking mga tuhod. Hindi ko alam kung saan babaling gayong sa ilang pulgadang layo namin sa isa't-isa halos hindi ko na magawang makahinga ng maayos.


"Anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na may curfew na ng ganitong oras?" Sa sobrang tigas ng kanyang boses halos hindi ko makuha ang sarili kong boses para sumagot. Gumalaw ang kanyang panga kasama ng lalong pagdilim at pagtalim ng kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.


"U-uhm Kenneth... kasi ano, ano..." Hindi ko mahanap ang tamang salita lalo na ng maramdaman ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin.


"Kahit kailan, hindi mo talaga kayang sumunod sa mga rules ano?" Humigpit ang hawak niya sa aking bewang habang lalo pang inilalapit ang aking katawan sa kaniya.


"K-kenneth!"


"Hindi ka ligtas dito, sumama ka sa akin." Nagulat ako ng hilahin niya ako at ilayo sa lugar na iyon. Gusto ko sanang magpumiglas pero alam ko rin naman na may kasalanan ako. He's the Student Council President and I did something against their rules so I should have to face my punishment. Tama lang iyon.


"Saan mo ako dadalhin? A-ano ang punishment kapag hindi sumunod sa rules?" Nag-aalangan kong tanong dahil nakita ko na iba ang tinahak naming daan at iyon ay hindi sa lugar ng mga kasama niya.


This is my first time. Unang pagkakataon na lumabas ako ng ganitong oras. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang matatanggap kong parusa kung sakali man. Lalo na sa kung paano ko makita ang takot sa isang estudyante na nahuli rin nila kanina. Natatakot na rin ako para sa akin. Baka mas malala ito sa unang parusa na nakuha ko noon. Huwag naman sana.


"Every student na lalabag sa rules ng school ay may kaakibat na punishment, Cassiopeia." Malinaw niyang sagot.

Daemon's Academy Ⅰ. (School of Devils)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon